Isang linggo na ang lumipas at naging mas busy pa ako. Hindi na din namin napag-usapan gaano ni Kairus yung nangyari sa graduation party niya. Naging busy din kasi siya, hindi ko alam kung saan pero ang sinasabi niya ay busy siya. Siguro ay sa pagrereview niya for board. Wala akong pasok ngayon, Wednesday na kasi ngayon at tuwing Wednesday wala akong pasok. Ayun kasi yung schedule ko this semester.
May tinatapos akong scale model nang bumukas yung pinto, Si Mommy. Napatingin ako sa kanya, nakabihis siya ngayon at mukhang aalis ata siya. "Anak?" Tawag niya saakin habang nandun parin sa may pinto, may siwang lang.
"Po?" Sagot ko.
"Ahmm, aalis kasi ako and wala ang daddy mo dito. May importante lang akong kakausapin, urgent daw." Usal ni Mommy.
Nangunot ang noo ko. "Tapos?"
Ngumiti si Mommy at nagpuppy eyes, ay sus! May iuutos saakin 'to . "Pwede mo ba kunin yung eyeglass ko sa mall? Pinaayos ko kasi nung nakaraan, then ngayon dapat siya kukunin."
Ngumiwi ako. "Yun lang pala."
Nginuso ni Mommy yung ginagawa kong scale model. "Eh hindi ka pa tapos dyan eh, at ngayon kukunin yun kasi maaga daw magsasara yung shop. As in ngayon na, nak."
Bumuntong hininga ako. "Sige na Mommy, ako na bahala. Mamaya ko nalang tatapusin 'to."
Ngumiti uli si Mommy. "Okay, thank you baby! Ingat ka! Isesend ko nalang name ng shop sa cellphone mo!" At sinara na yung pinto.
Bumuntong hininga ako at nag-inat. Tumayo ako atsaka inayos yung mga gamit ko. Dapat makauwi ako bago mag6PM, 4:30PM na ngayon. Kailangan ko kasi ipasa 'to bukas, bukas na kasi yung deadline. Dumiretso ako sa CR at naligo ng mabilisan. Nagsuot lang ako ng jeans at shirt, casual lang dahil uuwi din naman ako kaagad.
Lumabas ako sa bahay, wala sila Ate at Kuya. Si Kuya kasi ay nasa trabaho at si Ate naman ay may pasok. Naglakad ako papalabas ng subdivision namin atsaka ako sumakay ng UV express. Medyo malapit lang naman yung mall saamin at pati yung bahay namin sa gate ng subdivison. Ilang saglit pa ay nasa may Mall na ako. Tinignan ko ang cellphone ko at tinignan ko kung may text na ba dun si Mommy. Meron na siyang text kaya agad ko na yung pinuntahan.
Nang marating ko yung shop, pumasok ako. May isang babae na sumalubong saakin. "Good Afternoon, Maam!" Magiliw na bati saakin ng staff.
"Hi po, Ahmm.. Kukunin ko lang po sana yung eyeglasses ng Mommy ko." Sambit ko.
Namilog ang bibig ng babae. "Oh, kayo po ba si Miss Briella? Anak ni Ma'am Leah?"
Tumango ako. "Opo, ako po yun."
"Oh sige, kukunin ko lang yung salamin." At tinalikuran na ako ng babae saka pumasok sa may counter. Umupo ako sa may upuan dun at inaantay nalang yung salamin ni Mommy. Kinuha ko muna yung cellphone ko at nagscroll sa socials ko. Maya maya pa ay nagsalita si ateng staff. "Miss, ito na po yung salamin." Sambit nito.
Tumayo ako at naglakad papalapit sa may counter. "Thank you po."
Nakangiting tumango si Ate. "Your welcome po. If may damage po yung glasses pakita niyo lang po yung resibo saamin."
Isang beses pa akong nagpasalamat kay ate atsaka lumabas sa may shop. Kinuha ko uli yung phone ko at nagscroll uli habang naglalakad, pero syempre tumitingin ako sa dinadaanan ko. Nang bigla ay maramdaman kong kailangan ko pumuntang banyo.
Iginala ko ang tingin ko. "Saan ba dito yung CR?" Mahinang bulong ko sa sarili ko.
Muli ko pang iginala ang tingin ko, nasa may foodcourt pala ako. Ngunit sa di inaasahan ay iba yung nahagip ko. Naramdaman kong humigpit yung hawak ko dun sa paper bag ng salamin ni Mommy. Ang nahagip ko lang naman ay si Kairus at Erika na nagkwekwentuhan sa isang restaurant.
BINABASA MO ANG
Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*
RomanceBriella Mayen Ortega, ang matalinong best friend ng barkada. All of her life, she wants to make her parents proud, who wouldn't right? Nasa linya na nila ang achiever and she have to be like them. Ang pagbibigay ng parangal sa pamilya niya ang isa s...