Kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko pero kailangan kong bumangon dahil nga di ko pa tapos yung scale model na project ko. Tuloy ay nagcram ako kaninang umaga, buti nalamg at absent yung prof ko sa subject na yun pero ipapasa parin daw namin.
"Wow! Bago yan, Briella ah!" Sabi saakin ni Cath, kaklase ko.
Nagkamot ulo ako at bumuntomg hininga, hindi kasi sila sanay na nakikita akong nagkacram. Ginagawa ko kasi yung scale model sa time nung prof ko na absent, polishing nalang naman ako eh.
"Oo eh, nagkahang-over kasi ako kahapon." Ani ko.
Namilog yung bibig ni Maila, kaklase ko din. "True ba yarn? Naglalasing na pala si Miss DL natin?"
Pisti, Miss DL amp. Miss Dean's lister for short.
Tinusok ni Cath yung tagiliran ko. "Hulaan ko, nag-away kayo ng jowa mo 'no?"
"Sus, kahit di mo hulaan yun lang naman ang dahilan!" Sabat naman ni Maila at tumawa pa.
Bumuntong hininga ako. "Dun na nga kayo, pag ako di natapos kayo magpapaliwanag kay Miss De Dios." Banta ko at pinanlakihan sila ng mata.
"Oh, wag na galit." Natatawang sabi ni Maila. "Hiwalayan na kasi, para wala ng sinusuyo."
"Hay nako, naging ampalaya na naman siya." Bulong ni Cath sa tabi ko.
Magsasalita na sana ako ng biglang may magring sa phone ko, binalingan ko iyon at kinuha. "Aww, ang sweet naman po." Sabi uli ni Maila.
"Hoy, umalis na tayo. Privacy ng magjowa yan, ibigay mo." Untag ni Cath at hinatak na si Maila. Nailing nalang ako, takte, yun lang pala yung magpapaalis sa kanila edi sana kanina ko pa inutusan na tawagan ako ni Kairus.
Umiling ako at pinagpag muna yung kamay ko saka iyon sinagot. ["Meet me, we need to talk. I'm willing to wait, I'll give you the place where exactly I am."]
Nangunot ang noo ko nang hindi boses ni Kairus yung marinig sa cellphone ko. Akala ko siya yun kaya di ko na tinignan yung number. Inilayo ko sa tenga ko yung phone at tinignan kung sino.
09548*****7
["Sino ka?"] Tanong ko at lumabas ng room.
["It's not important to know. Just meet me after your classes."] Usal nito.
["Sino ka nga muna? Hindi ako pupunta----"]
Pinutol niya yung sasabihin ko. ["Tsh, don't be such a stubborn, Architect."]
Mas nangunot yung noo ko, bakit parang narinig ko na yung boses niya nung sabihin niya yung Architect? ["A-Ano bang kailangan mo?"]
["I need to tell you something.... important."]
["Tsh, sige. Itext mo saakin kung nasaan ka. Pupunta ako dyan after class."] Sagot ko. Hindi ko alam pero nacurious ako kung ano yun, sana nga lang wag ako mapahamak.
["Such a good girl, I'll be waiting."] At pinatay niya na yung tawag.
Napatitig pa ako sa cellphone ko ng ilang saglit at hindi lang ako mawawala sa pagkatulala kung hindi ako tatawagin ng mga kaklase ko. Pinagpatuloy ko nalang yung paggawa dun sa scale model ko habang iniisip kung sino yun. Mabuti nga ay natapos ako kahit na sobra akong nacucurious kung sino yun. At kahit sa mga next subject ko, iniisip ko kung sino yun. Di ko nga alam kung paano ako nakakasabay sa topic namin ng may dalang tanong sa isip.
Nasa parking na ako ngayon, tapos na yung klase. Kasama ko si Larissa na ngayon ay nakatingin lang saakin. Kanina pa kasi ako nakatingin sa phone ko, wala pa kasi yung text nung nakauaap ko kanina. Di ko alam kung nangpaprankcall ba yun o hindi.
BINABASA MO ANG
Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*
Lãng mạnBriella Mayen Ortega, ang matalinong best friend ng barkada. All of her life, she wants to make her parents proud, who wouldn't right? Nasa linya na nila ang achiever and she have to be like them. Ang pagbibigay ng parangal sa pamilya niya ang isa s...