Chapter 11

138 3 0
                                    

Matapos nang esksena duon sa park kagabi ay hinatid niya na rin ako. Wala naring gising kagabi kaya dumiretso na ako sa kwarto ko. Kaya ngayong umaga, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na kami na ni Kairus. Jusme! First boyfie ko siya! Tuloy ay nahihiya pa akong lumabas ng kwarto ko. Kanina pa ako nakaligo at nakaayos pero di ko alam kung paano lalabas. Kagabi pa ako namromroblema kung paano magsasabi pero wala pa din akong sagot.

Lumabas ako ng kwarto at parang wala lang na naglakad pababa. Dumiretso ako sa dining area namin, lahat sila ay nandun na. Nang makita nila ako ay napatingin sila, bahagya pang nanlaki ang mata ko sa pagkabigla. Wow, talagang sabay sabay?

"Good morning." Bati ko sa kanila.

"Good morning anak." Bati saakin ni Mommy pabalik. Bumati rin sila Daddy, Kuya at Ate saakin. Umupo ako sa silyang lagi kong inuupuan at nagsimula ng kumain. Tahimik lang kaming kumakain, well nothing's new. Pero nginunguya ko na ang pagkain ko ng bigla akong tanungin ni Mommy. "Mukhang maganda ang tulog mo, Briella ah." Kapagkuwa'y sabi ni Mommy.

Muntikan na akong masamid sa sinabi ni Mommy. Ehe.. medyo po. Gusto ko mang sagutin si Mommy pero wag nalang, baka mamali pa ako ng masabi. "Ikaw ang nahuli ngayon ng gising eh, madalas ikaw ang nauuna." Dagdag ni Mommy. Tama si Mommy, maaga kasi ako nagigising pag wala akong pasok.

"A-Ah opo, napagod po kasi ako kahapon." Pagdadahilan ko at napainom ako ng tubig matapos nun. Shockz feeling ko naha-hot seat ako sa kanila teka naman!

Bigla ay ngumisi si Mommy at tumingin saakin. "Eh yung surprise ni Kairus? Nagustuhan mo ba?" At nagtaas baba pa ng kilay.

Dahil sa sinabi na iyon ni Mommy ay naalala ko yung huling sinabi ni Kairus saakin bago kami umalis dito sa bahay para pumunta duon sa park. Your mom knows this. She's part of it. Namilog ang bibig ko at nag-iwas ng tingin.

"Maganda po." At tumikhim ako matapos sumagot.

"Umoo ka ba?" Tanong ni Ate Bianca sa tabi ko. Napabaling ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Huh?" Tanong ko, nabigla sa tanong.

"Alam na namin yun, little sis." At pabiro pa akong siniko. "We're part of it."

Nanlaki ang mata ko ng maproseso ang sinabi ni Ate Bianca at tinignan silang lahat. Nasapo ko nalang ang noo ko nang makita ang mga tingin nila na totoo nga. Bakit hindi ko nahulaan agad yun?!

"Nagpunta siya sa bahay nung araw bago ang birthday mo." Sabi ni Mommy.

"And he asked us if you can be his girlfriend." Dugtong naman ni Daddy kaya napatingin ako sa kanya. "Well, nasa legal age ka naman na and mukhang sigurado na talaga siya so..." At nagkibit-balikat si Daddy. "I just said yes and the decision is all yours."

Hindi ko alam pero natuwa ako sa nalaman ko, manhid nga ako sis, tested and proven. Yung sinabi na talagang sigurado siya na gusto niya akong maging girlfriend, napakasarap sa pakiramdam. How can he be so sure? Wow. 

"Tch, and he even asked me if he can give you a puppy." Sabi ni Kuya Shan. Palihim akong natawa sa sinabi niya, hehe, welcome na pala dito si Coco. "I had no choice, nabili niya na e."

"Pero mabalik tayo sayo," Singit ni Ate Bianca kaya nabalik kami sa usapan. "Ano sinagot mo?"

"Oo."

Wala na di namang sense kung magtatago pa ko, alam na din naman nila. Atsaka they are my family, even if it was my decision to say yes or what, they have the right to know what's going on. Bigla ay lumapad ang ngiti ni Mommy at Ate Bianca. Si Daddy naman ay ngumiti lang din, habang si Kuya Shan ay ngumiwi. Napakapakla talaga ng kapatid ko na 'to, heh.

Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon