Chapter 18

101 2 0
                                    

Days, weeks, months and years had passed at naging maayos ang relasyon namin ni Kairus. Nakakatuwa lang na sa araw araw na yun, hindi siya nagkulang saakin. Never niyang pinaramdam saakin na sawa na siya saakin, kundi palagi niyang pinaparamdam saakin na mahal niya parin ako at patuloy na minamahal. Kung dati, nagdududa ako na tatagal kami ni Kairus, ngayon alam kong higit pa sa 1 ½ years kami. Lahat ng pangako niya saakin, alam kong matutupad namin yun. Dahil kagaya ngayon, isa na dun ang naaccomplish namin.

Ngayon yung araw kung saan Civil Engineer na ang pinakamamahal kong boyfriend. Nandito ako ngayon sa venue kung saan ginaganap yung Graduation nila at proud na nakatingin sa kanya. Nagpipicture na kasi sila ng mga kabatchmates niya. Sa buong program, nakangiti lang ako. Nakakaproud lang kasi na hindi niya ako binigo, at nakakaproud din na nakatingin ako sa kanya at nakablack toga na siya.

Parang kailan lang manhid manhidan pa ko, tas ngayon graduate ka na. Realquick sis, realquick talaga.

Tumayo ako at naglakad papalapit sa may stage, yung style kasi ng venue ay para kang nasa cinema pero sa loob lang 'to ng campus nila. Nang makita ako ni Kairus ay naglakad siya papalapit saakin pero nasa stage parin siya. Habang ako ay nasa baba parin, bali mas mataas siya saakin.

Ngumiti ako sa kanya at tumango tango. "Sarap sa feeling ng black toga 'no?"

Tumawa siya. "Of course. But I know you'll be wearing this too, and I'll be there."

Pinaikot ko yung mata ko. Pumilig ako sa kanan at nakita ko si Tito Christopher at Tita Sonya na ngayon ay papalapit na saamin. "Nandyan na sila Tito, bumaba ka na diyan."

Tumango siya. "Yeah." At naglakad na siya papunta sa may maliit na hagdan sa dulo ng stage.

Tumingin ako kay Tito Sonya na ngayon ay malaki ang ngiti. Nung araw na puro si Erika yung binabanggit niya, hindi ko sinabi kay Kairus yun. Talagang nagsinungaling ako sa kanya, ayoko rin naman ng gulo. Pero simula ng araw na yun, hindi na uli ako nakipag-usap ng mahaba kay Tita Sonya. Nagkakamustahan kami pero tinatapos ko na agad.

Tumabi si Kairus saakin at hinawakan yung kamay ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "I love you, Mahal."

Ngumiti ako. "I love you too and congrats sayo, Mahal."

Bigla ay hinalikan niya ang noo ko. "I don't know what to say. I just want you to know that I love you."

Tinusok ko yung tagiliran niya. "Kikiligin na ba ko?"

"Asus ang mga bata na 'to." Bigla ay sabat ni Tito.

Napatingin ako pero napangiti nalang din ako bigla. "Tch, you're so panira moment Dad."

Napakagat-labi ako sa pagtatagalog niya uli, gets ko naman na tumira siya sa ibang bansa 15 years pero di ko talaga maiwasan. Pero napawi lang yun ng makita ko na nakatingin yung Mommy ni Kairus sa kamay naming magkahawak. Mukhang napansin niya iyon kaya nag-iwas siya.

"Congratulations, Kairus. You never failed us, Son." Bati ni Tita at niyakap si Kairus.

Binitawan ni Kairus yung kamay ko at yakapin din si Tita. "Thank you, Mom."

Humiwalay si Tita kay Kairus at nagnod saka ngumiti. Bumaling siya saakin, wala akong nagawa kundi ang makipagtinginan dito. "Hi, Briella."

Ngumiti ako bagaman maliit lang. "Hello po Tita."

Mas lumaki ang ngiti ni Tita. "Come with us, Briella. We'll be having a little celebration for Kairus' graduation. You should be there, ha."

Tumango ako at tumikhim. "Opo tita."

Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon