Lumipas ang araw, gabi at buwan na hindi kami masyadong nagkikita ni Kairus pero nagkakausap naman kami sa phone. Siya palagi ang unang tumatawag saakin, sinasagot ko lang kapag wala akong masyadong ginagawa. Malapit na matapos ang Oktubre ngayon at ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-iimpake ng mga gamit ko. Aalis kasi kami, magbabakasyon kami sa isang beach. Birthday kasi ng Lola ko, dun kami magsecelebrate. Semestrial break na din naman namin ngayon kaya okay lang na hindi ako pumasok. Alam din ni Kairus naaalis kami ngayon. Busy din kasi siya dahil nga graduating na siya. Atsaka hindi ko na din siya minsan ginugulo o di kaya tinatawagan kapag alam kong busy talaga siya.
Paalis na kami papunta sa beach, nasa sasakyan na kaming lahat ngayon. Kasama ko si Tita Gema, Mica at Si Lola Milda. Si Tita Gema ay kapatid ni Mommy at anak niya naman si Mica. Madalas kasi ay nasa ibang bansa sila, at lumipad pa talaga sila dito para sa birthday ni Lola, 75 na kasi siya. Wala akong nagawa kundi ang matulog na lang sa byahe, 6AM palang kasi. Saglit lang din naman daw ang byahe namin sabi ni Daddy, mga dalawang oras lang daw. Mabilis na ba yun?
Nagising lang ako nang marahan akong gisingin ni Ate Bianca. Nagmulat ako at kunot ang noong tinignan siya. "Bakit?" Tanong ko, tignan mo 'to, nanggigising ng walang dahilan.
"May tumatawag, kanina pa nagriring yan." Sabi ni Ate Bianca.
Tumango nalang ako at kinuha ang cellphone ko sa bag ko, 7:30AM na pala ng umaga. Tinignan ko kung sino iyon, si Kairus. Himala, ang aga ata niya? Sinagot ko ang tawag. ["Hello?"] At humikab pa ako.
["Oh, are you sleeping? Did I disturb your sleep?"] Tanong niya.
["Hindi ah, okay lang."] Sagot ko sa kanya. Baka kasi mamaya maguilty na naman siya. Kapag kasi nagigising niya ako dahil sa tawag niya, para siyang bata na sorry ng sorry. Well, hindi naman din big deal eh kaya okay lang.
["Okay, then."] Usal niya at tumikhim. ["Are you still traveling? Or you got there already?"]
Tinignan ko si Ate Bianca at inilayo ko ng unti ang cellphone ko sa bibig ko. "Malapit na ba tayo, Ate?"
Tumango siya, "Oo mga 20 minutes nalang." Sabi ni Ate.
Nilapit kong muli ang cellphone sa bibig ko. ["Malapit na raw, sabi ni Ate."]
["Hmm, brought me some sand when you're back."] Biro ni Kairus.
Ngumiwi ako, nyii korni mo naman po. ["Tsh, korni ha. Magmais ka pa."]
["Tch."] Natatawang sighal niya. ["Be safe, enjoy your grandma's birthday."]
Ngumiti ako kahit hindi niya naman nakikita. ["Salamat."]
["And kindly tell to your Lola that happy birthday to her."] Sabi niya.
["Makakarating. Sige na, Babye na muna."] Sabi ko at binaba na ang tawag.
Pagkatapos ko ilagay ang cellphone ko sa bag ko ay binalingan ko ang mga tao. Pare-parehas silang nakatingin saakin, nangunot naman ang noo ko. Ano na naman? Si Mommy, Ate Bianca at Tita Gema ay may nanunuksong tingin. Si Kuya Shan naman ay kunot din ang noong nakatingin saakin. Mukhang masama na naman ang timplada neto ah.
"Nandito na tayo!" Bigla ay sabi ni Daddy dahilan para maagaw niya ang atensyon nila.
Lumabas kami ng kotse at saka tinignan ang paligid. Maaliwalas pa dito, mukhang mga kakarating lang din ng mga ibang turista. Magkakatulong naming ibinaba ang mga dala namin at magkakatulong ding pumasok sa beach resort na iyon.
Nagbayad muna si Daddy ng Entrance fee namin at pati narin yung cottage na tutuluyan namin. Inassist kami ng isnag empleyado papunta sa cottage namin. Nang marating namin ang cottage, dun ko lang nalaman na mas marami na pala ang nandito.
BINABASA MO ANG
Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*
RomanceBriella Mayen Ortega, ang matalinong best friend ng barkada. All of her life, she wants to make her parents proud, who wouldn't right? Nasa linya na nila ang achiever and she have to be like them. Ang pagbibigay ng parangal sa pamilya niya ang isa s...