Matapos ng pag-uusap namin ni Kairus ay umuwi na ako agad. Dumiretso ako sa kwarto ko at umiyak lang ng umiyak. Nung makita ko yung mata ni Kairus at yung lungkot sa mukha niya kanina, pakiramdam ko ansama sama ko. Pasensya na, kailangan kong gawin yun. Sobrang sakit, yun lang yung masasabi ko. Kung ako lang naman hindi ko gagawin yun, pero yung kapakanan ng business nila at yung oppurtunity niya na maging isang Head Engineer, dun niya makukuha yun.
Mahal kita Kairus, pero isasantabi ko muna yun.
Nakatingin lang ako sa bintana ng kwarto ko at makatingin sa buwan. Ewan ko pero lahat bumabalik saakin. Lahat ng una namin, bumabalik. At yung mga alaala na yun yung mas nagpapasakit ng puso ko. At yung mga alaala na yun ay magiging alaala nalang. Alaala nalang siya na babalikan naming parehas. Makakalimutan niya rin naman ako, pag nahanap niya na yung mas babagay sa kanya.
Tinignan ko yung binigay niyang kwintas saakin, yung moon. Tinanggal ko yun sa leeg ko at hinawakan. Muli ay naluha lang ako, di ko alam na aabot kami sa ganito.
Tumahol saakin ni Coco. "Coco..." At binuhat ko siya. Tumahol muli ito saakin, pinunasan ko yung luha ko. "Okay lang si Mommy..." Garalgal na sabi ko. Hinaplos ko yung ulo niya. "Wala ng Daddy Kairus, hiwalay na ang Mommy at Daddy. Sorry baby.."
Ansakit, sobra. Hindi ako makapaniwala na parang ang saya lang namin nitong mga nakaraan tapos ngayon iniiyakan ko na siya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito si kupido. Minsan na nga lang magmahal, masasaktan pa.
Nang bigla ay may kumatok sa pinto. "Briella."
"Po?" Sinubukan kong wag gumaralgal yung boses ko.
"May tumatawag sayo sa telephone, si Larissa." Ani ni Mommy.
Nangunot ang noo ko. "Sige po, bababa ako."
"Sige." Sabi ni Mommy.
Binaba ko si Coco sa sahig at inayos yung damit ko. Tumingin pa muna ako sa salamin para tignan yung mukha ko. Mugtong mugto na yung mata ko kakaiyak, pinabayaan ko nalang. Bumaba ako at nagtungo sa may sala. Mag-isa lang ako dito, nasa likod bahay atabsi Mommy at naglilinis. Kinuha ko yung phone at saka sinagot iyon.
"H-Hel---" Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang putulin ni Larissa yung sasabihin ko.
"Bri, kailangan ka nila Drake ngayon!" Sabi niya.
Nangunot yung noo ko. "Bakit?"
"Si Kairus mo, naglasing at ayaw umuwi!" Sagot niya.
Napamaang ako at nanlaki ang mata. Pero sa kabila nun ay iniisip ko kung may karapatan pa ba akong mag-alala kung ako yung dahilan kung bakit siya nasasaktan? Napalunok ako. "Bakit daw?" Mahinang tanong ko.
"Anak ng tokwa, diba ikaw yung jowa?" Turan niya. "Hindi ka daw macontact nila Drake at Anthony dahil wala daw silang number mo at lowbat naman yung phone ni Kairus."
"Bat hindi na nila iuwi? Hindi ko naman hawak yung bahay nila Kairus." Walang emosyon na sabi ko, pinipilit ko maging cold at magmukhang walang pake, sa tingin ko dapat lang dahil ako yung may kasalanan kung bakit siya nasasaktan ngayon.
"Pucha, Briella." Ani Larissa. "Sunduin mo yung boyfriend mo dun at hindi raw siya uuwi kapag hindi mo pinuntahan."
Pumikit ako ng mariin at bumunyong hininga. Kung ako lang din naman, baka kanina ko pa siya sinundo dun. Pero baka kasi pagsinundo ko siya, bumalik lang ako sa kanya. Pero sa ngayon... kagustuhan ko muna susundin ko.
BINABASA MO ANG
Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*
RomansaBriella Mayen Ortega, ang matalinong best friend ng barkada. All of her life, she wants to make her parents proud, who wouldn't right? Nasa linya na nila ang achiever and she have to be like them. Ang pagbibigay ng parangal sa pamilya niya ang isa s...