Chapter 5

157 5 0
                                    

Araw na ng lunes ngayon at hindi na uli kami nagkita ni Kairus pero nag-uusap parin kami through chat and calls. Minsan di ko siya nasasagot pero chinachat ko naman siya na tatawag ako uli. Sa bawat calls and chat namin, masaya ako. Ewan ko kung bakit, pero buong pag-uusap namin nakangiti lang ako. Normal pa ba yun?

Papasok na ako ng school ngayon nang pumasok sa kwarto ko si Mommy. "Oh anak, paalis ka na ba?"

"Opo, kayo po ba? Wala kayong pasok?" Tanong ko.

"Meron pero mamaya pa." Sagot ni Mommy at may nilapag na mga damit sa kama ko. Pero mas nakaagaw sa pansin ko ay yung jacket na nasa pinakataas. "Osige't maliligo na ako ha. Ingat ka baby!" Sabi ni mommy at hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti ako kay Mommy. "Kayo rin po." Sabi ko pero nakalabas na pala siya ng kwarto.

Kinuha ko ang jacket na yun, kanino 'to? Inisip ko ng mabuti kung kanino ang jacket ma ito at naalala ko na kung sino. Kay Kairus pala ito, yung pinahiram niya saakin nung nalasing ako. Nilagay ko sa bag ko ang jacket niya, isusuli ko nalang mamaya after class simce wala rin naman akong pupuntahan or gagawin later. Pero bago ako lumabas ng kwarto ko ay tinawagan ko muna siya. Ilang ring lang ay sinagot niya na rin iyon.

["Hello?"] Sagot niya sa tawag ko.

Napangiti naman ako. ["Hi."]

["Oh, Briella?"] Usal ni Kairus.

["Ahmm.. Nasaan ka ngayon?"] Tanong ko.

["On the way to school, why??"] Sabi niya, namilog ang bibig ko. Hala! Naabala ko pa pagmamaneho niya.

["May gagawin ka ba mamaya?"] Sambit ko.

Dinig kong bumungisngis siya. ["Miss me?"]

["Tsh, talaga ba?"] Sabi ko nalang. Dinig kong tumawa siya, dahilan para mapangiti ako lalo. ["Ano, meron ba?"]

["I have nothing to do later."] Sagot niya.

Tumango tango naman ako kahit na hindi niya makikita iyon. ["Okay, kita tayo sa cafeteria na tinatambayan ko mamaya, after class."]

["Wow, you already miss me, huh? Can't wait to see me again?"] Sabi niya, nang-aasar. Sometimes, naiisip ko na half of our conversations ay pang-aasar niya lang at humor niyang hindi ko magets minsan.

["Bahala ka nga diyan."] Sabi ko.

Tumawa na naman siya. ["Okay then, after class."]

["Sige na, papasok na ko."] Pagpuputol ko sa usapan.

["Okay, be safe. Take care."] Untag niya, ngumiti ako.

["Ikaw rin."] Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Bumaba ako at lumabas ng bahay namin. Nagkocommute lang ako papasok, nasanay na din kasi ako. Hindi din naman ako marunong magdrive kahit na may kotse, wala lang talaga akong confidence na magdrive or what. Nakakapagod ang araw na iyon, paano'y natambak na naman ang gagawin ko. Nagbigay kasi yung iba kong mga professor ng mga gagawin at halos magkakasabay pa ng mga deadline. Kaya kailangan kong pumunta sa bookstore malapit dito nang masimulan ko na. Grind na naman hays.

Kasalukuyan akong kumakain kasama ang mga blockmates ko. At gaya ng nakagawian, sa may pares kami kumain. I can clasify them as my friends but not as super duper close ones, though kilala sila nila Mommy at Daddy since school-related nga. They were ranting out their own stresses dahil napakahassle daw ng mga gawain. Kung pwede lang daw ipukpok sa ulo yung T-square nila para deretso tulog na raw ay ginawa na nila.

"Oy diba sabi ni Sir walang quiz diba?" Nagpapanic na tanong ni Lois "Nako wala pa namang laman utak ko kahit anong alog ko sa kanya today."

"Oo, sabi niya next week na raw kasi lecture daw tayo today." Roxy answered. "Eh kaso mukhang wala din tayong lecture ngayon so iyak nalang tayo mamaya if ever." At tumawa pa siya, natawa nalang din ako. Ngayon nila sabihin na time management lang ang sagot sa tambak na stressors.

Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon