Chapter 13

132 6 0
                                    

Wednesday na ngayon at nandito ako kasama ang mga lokrita kong kaibigan. Apat na araw nang maging kami pero hindi ko pa nasasabi sa kanila. Paano, ngayon lang naman kami uli nakapagkita ng buo kasi magkakaiba kami ng schedule kaya di ko rin masabi. Ang hirap din kasing timing-an na kumpleto kami dahil ang hirap magkwento kapag watak watak.

"Ikaw Bri, wala ka bang chismis dyan?" Tanong ni Larissa saakin Napakachismosa talaga ng kaibigan ko na 'to, walang kupas.

"Meron akong sasabihin." Sabi ko.

"Wow, may chismis nga. Ano yun?" Tanong niya uli.

"Kami na." Ani ko. Napatingin naman silang apat saakin.

"Nino?" Sabay sabay na tanong nila.

"Ni Kairus." At kumuha ako ng chips, tina-try na maging casual lang.

Mukhang nasamid si Sabrina sa sinabi ko at napainom siya sa iced tea niya. "Takte, akala ko di mo siya sasagutin?"

"Totoo ba?" Tanong naman ni Rhianne

"My god, proud ako sayo!" Sabi naman ni Larissa.

"Dapat flings muna kayo tas tignan mo kung magwowork." Usal ni Patricia, ngumiwi ako. Galing talaga neto mag-advice, very useful.

Pero naalala ko yung sinabi ni Sab, 'akala ko di mo siya sasagutin?'  "Wait nga." Sabi ko at tinignan silang lahat, tumingin lang din naman sila saakin. "Ibig sabihin alam niyo?"

Tumango sila, "Nung birthday mo pa sis." Sabi ni Larissa

"Pero di namin alam na sinagot mo siya." Ani ni Sab.

Naalala ko tuloy nung iwan ko sila dun sa table nila at pinakilala ako ni Daddy at Mommy sa mga kaofficemate nila. Kaya pala mga gulat ang mukha ninyo kasi nasabihan na sila. Ngunit kasakto-saktuhan ay nagring ang cellphone ko, si Kairus ang tumatawag. Sinagot ko naman agad yung tawag niya.

["Hello?"]

["How's your day, Mahal?"] Tanong niya, napangiti na naman ako sa endearment niya. Hahaha, maarte accent.

"Respeto sa mga taong nasa paligid mo!" Sabi ni Sab.

"Lintek na pag-ibig~~" Pakantang sabi ni Larissa

"Charot with silent C." Turan ni Pat.

"Sana all nalang." Untag ni Rhianne.

"Mga gaga." Mahinang ngunit mariin na bulong ko. ["Pag pasensyahan mo na mga lamok kong kaibigan, mga kulang sa bakuna."]

["Tch, I'm used to it."] Sabi niya na animo'y natatawa nalang. ["Anyway, where are you?"]

["Nasa labas ng school."] Sagot ko.

["Stay where you at, I'll fetch you."]

Bahagyang nanlaki ang mata ko. ["Bakit?"]

["Let's have a date, if you are free."] Sabi niya.

Inalala ko naman kung may mga gagawin ba ako. Parang wala naman ata. ["Wala naman akong gagawin."]

[Okay then, let's just eat near your school. I'm sure you are tired."]

Napangiti ako. ["Sige."]

["Maybe I'll be there in 7 minutes."]

["Ambilis naman?"]

Tumawa siya. ["I'm driving bound there."]

["Sige na, ibababa ko na para di ka madistorbo. Ingat,"] At ibinaba ko na ang tawag.

Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon