Chapter 16

106 2 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo ay mas naging sweet pa saakin si Kairus. Nakakatuwa lang na naglalaan talaga siya ng oras para saakin, at ganun din naman ako sa kanya. Pero minsan ay hindi kami nakakapagkita dahil saakin kasi may kailangan pa akong gawin. Dalawang araw nalang ay pasko na, ngayon lang yung pasko ko na merong Kairus sa tabi ko. Gusto ko bigyan siya ng sobrang gandang regalo, kagaya ng regalo niya saakin nung birthday ko.

Papalabas na ako ng bahay namin dahil sabi ko ay bibili ako ng regalo sa pamilya ko. Syempre, galing 'to sa ipon ko, ganito naman talaga ako every christmas. Parang nakakatanga naman kung magreregalo ako pero pera ng magulang ko ginamit ko?? Nakita ko si kairus na ngayon ay nakasandal sa kotse niya at nakapamulsa pa. Nag-angat siya ng tingin saakin ng makalabas ako.

"Hey, Mahal." Sabi niya at lumapit saakin. Bigla ay niyakap niya ako, niyakap ko naman din siya pabalik. "I missed you."

Tumawa ako. "Grabe naman, parang sinundo mo lang ako kahapon ah."

Humiwalay siya saakin, "I told you, Mahal. I still miss you whether you are near or far." Malambing na sabi niya.

Ngumiwi ako. "Nakailang mais ka?".

Tumawa siya. "The corn in bulalo is good, I ate three pieces." Sabi niya.

Natawa ako sa pagkakasabi niya ng bulalo. "Hmm, the bulalow is maserap?" Maarte kunong sabi ko, inaasar siya.

"Mahal?" Nguso niya, tinawanan ko siya. Pinindot niya yung ilong ko. "Tch, you're being corny too."

Nagkibit-balikat ako, "May nakapagsabi kasi saakin na pag-inlove ka, magiging korni ka daw."

Ngumisi siya, naglakad naman na ako papunta sa may passenger's seat. Nang makapasok ako ay nandun na siya sa loob. Binuksan niya yung engine at nagseatbelt, nagseatbelt na din ako.

"Mahal, come near me." Ani niya.

Nangunot yung noo ko. "Bakit?"

"I'll whisper you something." Sabi niya. Tumango ako at nilapit ang mukha ko sa kanya pero iba ang sumalubong saakin kundi ang labi niya. Tuloy ay napangiti ako habang hinahalikan niya ako. Hindi rin nagtagal ay binitawan niya ang labi ko at nilapit ang labi sa tenga ko. "I love you, Mahal." Malambing na bulong niya.

Humalik ako sa pisngi niya. "I love you too," At kinurot yung pisngi niya. "Tara na, bibili pa tayo ng regalo."

Tumango siya at ngumisi, "Okay then."

Pinaandar niya na yung kotse at umalis na kami ruon. Gaya ng sabi ko, nagpunta kami sa mall na pinakamalapit saamin. Magkahawak kamay kami ngayon habang naglalakad dito sa may mall. Nagtitingin tingin kami kung saan ba magandang bumili habang hawak 'tong listahan. 

"What are the things that you'll buy for them?" Tanong ni Kairus.

"Sa may department store, bibili lang ako ng damit para kay Ate Bianca." Sabi ko.

Tumango siya,. "Okay then, department store."

Nagtungo kami sa may department store at agad na hinanap yung woman's section. Bibilhan ko si Ate Bianca ng Hoodie, mahilig kasi siya sa mga ganun. Halos ¼ ata ng cabinet niya, puro ganun. Kinuha ko yung isang mint green na hoodie, sa pagkakaalam ko wala pa siyang gantong color ng hoodie sa cabinet niya. Itinapat ko sa sarili ko yung hoodie at tinignan sa salaming katabi niyon.

"Okay na ba 'to?" Tanong ko.

Tinagilid niya ang ulo niya, "Anything suits you, it's hard to decide."

Captivating My Recondite (Squad Series#1) *UNDER MAJOR EDITING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon