Chapter Six
One week.
Isang linggo na kaming nandito. Abuela took her time to roam us around and tour us in some famous places in the province.
It's fine for me though. That way I succeeded in avoiding Reid. Hindi ko pa rin naibabalik dito ang t-shirt na pinahiram niya sa akin dahil hindi ko alam kung paano ko ibibigay sa kaniya iyon pabalik.
Naiinis lang ako dahil wala rin naman itong ginawang paraan para makuha ang damit nito.
And right now that is the least of my concern because Ate Winter said and I quote "Tama na ang good time, starting on Monday we will do what Dad said. Help around the whole place."
So now even if it is only five in the morning and I'm awake and it is still dark outside. Pagkababa ko ay nandoon na sila Ate at Rain.
"I told you to be here at five Summer."
"Ayoko ngang kasing magtrabaho! And besides, five thirty pa lang naman!" angil ko kay Ate Winter.
"I told you Summer, susundin natin ang sinabi ni Dad." Sabi nito habang mataman na nakatingin sa akin.
Padabog akong sumalampak ng upo sa tabi ni Ate Autumn at sumandal sa balikat nito.
"I'm still sleepy Ate."
"Let's eat breakfast and drink some coffee." sagot naman nito at tumayo.
Wala na akong nagawa. We all ate breakfast and went out. Akala ko nga ay sasakay kami sa sasakyan o kaya naman ay sa kabayo but to my horror ay naglakad lamang kami.
Una kaming nagpunta sa taniman ng kamatis. My sisters immediately went to help to harvest but I stayed standing under a big tree trying to hide from the sun.
May limang minuto na akong nakatulala lang at nanunuod sa ginagawa ng mga tao doon. I mean, marami naman palang trabahador bakit kailangan pa naming tumulong? I wonder where Dad got this absurd idea!
"Summer tumulong ka na nga dito!" lumapit sa akin si Ate Winter at inabutan ako ng basket. "Pumitas ka ng kamatis na sa tingin mo ay okay na." inis na kinuha ko sa kamay niya ang basket at saka ako tinalikuran
nito para bumalik sa ginagawa.Lumapit naman ako at nagsimulang maghanap ng kamatis na pwede nang pitasin.
"Kainis talaga! Ang init init!" panay ang reklamo ko habang ginagawa iyon.
"What if the sun damaged my skin? Paano na lang ang mga endorsements ko? What if I get skin cancern? Ugh! Bakit ba kasi ako nandito?!""Ang ingay mo!" Inis na tumingin ako sa lalaking nagsalita.
"Paki mo ba?"
Of course it is Reid! Bakit ba biglang na lang sumusulpot ang isang ito?
"Kawawa naman ang mga kamatis sayo." Tumingin ako sa kamatis na hawak ko at nakitang gutay gutay na pala iyon.
I mentally cursed myself.
Poor tomatoes.
I heard him chuckle before walking closer to me.
"Hawakan mo kasi ng maayos hindi yung pati kamatis pinanggigilan mo."
"Maayos naman ang hawak ko!"
"Tsk. Kung maayos bakit halos durog na yang hawak mo?" Naningkit ang mata ko dito.
"Tsk.. and why are you talking to me? Sabi ko wag mo kong kaka-usapin di ba?" tumalikod ako dito at naglakad palayo at doon namitas ng kamatis.
"You're doing it wrong." He said not minding what I just said, kumunot ang noo ko dahil sumunod pala ito.
BINABASA MO ANG
The Burning of Summer
RomanceMartinez Sisters Series 1 What will happen when a rich spoiled brat falls in love with a ruggedly handsome farmer? What if that rich spoiled brat is Luna Summer Martinez? Can she accept it?