Chapter Seventeen
Pupunta daw kami sa isang burol. Wala naman akong matandaan na may burol dito? O baka masyado pa akong bata para ma-alala iyon? But anyway, that's where we're going right now. Tirik na tirik ang araw, kahit na tumatakbo si Snow ay hindi pa rin kami ligtas sa tindi ng sikat ng araw ngayon at isang oras at kalahati na kaming nasa ilalim ng araw that I think the sunscreen that I used isn't enough to protect my skin from getting sunburned or worst, damaged.
So I keep on complaining to Reid. Why is it taking so long? Kung malayo pa? Matagal pa ba bago kami makarating?
"Why don't you just enjoy the view?" that's what he said to me.
Inirapan ko na lang sya at saka tumingin sa paligid. Mahigit kinse minutos pa ang lumipas ay huminto na ito kaya ganoon din ang ginawa ko. Nasa tuktok kami ng isang burol at mayroong tatlong kubo ang naroroon. Mukhang sinadyang gawin ang nga kubo para sa mga taong nagpupunta doon.
Kitang kita din doon ang malawak na lupain ni abuela, makikita ang iba't-ibang klase ng pananim na mayroon.
Reid got off the horse first at itinali iyon sa isang mataas na puno sa dulo ng mgkakataning kubo. I stayed on top of my horse, trying to absorb and appreciate the beauty of the whole place.
I also took that chance to take photos of the scenery. Saka lang ako bumaba kay Snow nang makuntento na at kuhanin siya sa akin ni Reid, nagboluntaryo ito na siya na ang magtatali kay Snow na hinayaan ko na. Pagkatapos ay kinuha nito isang malaking bag at basket na nakasabit sa kabayong ginamit.
"What are those?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa kubo na nasa gitna.
Nakalimutan kong itanong dito kanina kung ano ang laman ng mga iyon.
"I brought food of course." he raised an eyebrow at me.
"Uh-huh, you're probably just trying to make me fat." umupo na ako habang nilalapag nito ang mga dala sa lamesa at nilapag ko rin ang camera na nakasabit sa leeg.
Naglabas ito ng mga pagkain at inumin mula sa basket at sa bag. He even brought some chips. Akala ko ba unhealthy? Tsk.
Inayos ko na lang ang ilang buhok na tumabing sa aking mukha sa biglang pag-ihip ng hangin. Nasa mataas na lugar nga pala kami kaya masyadong mahangin.
Suminghap ako bago umayos ng pagkaka-upo at tumingin sa magandang tanawin sa paligid.
"About yesterday.. have you talked to your sisters?" Sumulyap ako sa kaniya na ngayon ay umupo sa gilid ko at nakatitig sa akin.
Bakit ba nito napagpasyahang dito umupo? Marami namang bakante. I bit the inside of mg cheek before I answered.
"Not yet, I'll talk to them when they get back later."
Itinuon ko ang atensyon sa tanawin upang ma-distract sa paninitig nito.
"You got so angry yesterday.. how are you feeling now?"
"Do I not look okay?" I said disregarding his question.
I saw his lips formed into a smile.
"I don't know why you got mad at Rain though, you did well on stage."
"I know I did well, ayaw ko lang na pinapangunahan ako."
"So where did you learn how to sing and play the piano?"
Why does he keep on asking questions? Bumuga ako ng marahas na hangin bago ibaling ang tingin sa kaniya.
"Me and my sisters used to be church choir, but that was for a short period of time only.." I paused thinking how long was I a church choir. "I quit after two or three years I think? And I learned to play different instruments at school, Ate Winter told us we should participate in extracurricular activities.. kaya ayun, I joined various organizations including music org, one time I even joined spelling bee but I didn't enjoy that one so I didn't last long."
BINABASA MO ANG
The Burning of Summer
RomansaMartinez Sisters Series 1 What will happen when a rich spoiled brat falls in love with a ruggedly handsome farmer? What if that rich spoiled brat is Luna Summer Martinez? Can she accept it?
