Chapter Seven

2.1K 36 0
                                    

Chapter Seven

"What will you cook?" tanong ko at umupo sa high chair na nakita ko doon.

Ngumisi lamang ito, flashing his perfectly set of teeth that I can't take my eyes off.

His eyes went to me. It was really sharp and captivating. His thick eyebrows makes him more attractive.

"What do you think I will cook?"

"Please cook something without too much carb!"

"Hindi ka mabubusog sa ganoon."

"But I don't eat heavy breakfast!"

Hindi ito nagsalita at may nilabas sa ref na kung ano ano. I saw eggs, bacon and ham! And rice!

He's probably going to make garlic rice.

I sigh. Hindi na dapat ako magreklamo. Makikikain na nga lang mapili pa.

Tumikhim ako.

"Sayo ba itong bahay na to? I think this is too big and too.. fancy I guess?"

Sa itsura pa lang kasi ng bahay ay halata namang may pera ang may-ari nito. Not that I am judging him because he's just a farmer but.. I just don't think that he can afford this.

"Sa kaibigan ko ito, pinatuloy lang ako."

"May mayaman kang kaibigan?" Hindi ito sumagot. "Then why don't you ask that friend of yours to give you a more decent or more high-paying job!"

Umiling ito.

"I'm fine here... for now." Ngumuso ako.

"Rain told me you've been here for a year now, saan ka bago ka napunta dito?"

"Just..." Huminto ito na para bang pinag-isipan muna kung ano ang isasagot. "Somewhere."

I shut my mouth for a moment. It's obvious that he's avoiding that topic.

"And you live here alone?"

"Yeah." tamad nitong sagot. "Gusto mo ba ng kape?"

Tumango ako.

Umalis ito sa harap ng kalan saglit at kumuha ng dalawang cup para sa sa kape. Pinanuod ko lang ang bawat kilos nito.

May pakiramdam akong hindi ito isang simpleng trabador lang. I mean, sa pananalita pa lang niya ng english ay kaka-iba na. Mukha namang siyang may pinag-aralan.

But the question is why is staying here?

Nilapag nito sa harap ko ang dalawang tasa na may lamang umuusok na kape. Kinuha ko ang isa at inilapit sa ilong. It smells good.

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na itong magluto. Naglapag ito ng plato sa lamesang pang-apatan na nandoon sa gilid. Umalis ako sa pagkaka-upo sa high chair at saka lumipat sa upuang nasa harap ng lamesa sa may gilid ay may isang malaking bintana kaya naman kitang kita nga bakuran sa labas ng bahay.

Nilapag nito ang mga niluto at napansin kong isang plato lamang ang nandoon.

"You're not gonna eat?" Umiling ito.

"Kumain na ako kanina."

Tinignan ko ang nga pagkaing nakahain.

"Kumain ka, hindi ko kayang ubusin lahat to!" The food he cooked is good for probably two to three persons! And he expects me to finish it all? What the hell!

"Ubusin mo dahil masasayang."

"Masyado tong marami."

"Kumain ka ng marami, tingnan mo nga ang payat mo!" nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi.

The Burning of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon