Chapter Nine
Silence filled us on our way to his house. Baka nga pati kuliglig ay mahiyang mag-ingay doon. He looks at me every five seconds though. I'm not sure why.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay niya ay nakita ko may isang babaeng nakatayo doon sa harap ng pinto ng bahay. Agad kumunot ang noo ko.
Bumaba ako ng sasakyan at ganoon din ang ginawa ni Reid at nang mapansin ng babae iyon ay humarap ito sa amin.
Sumilay ang malaking ngiti sa labi ng babae at masayang naglakad papalapit sa amin.
"Reid! Buti dumating ka na! Nagpunta agad ako dito nung nalaman kong dumating ka na! Kanina pa kita hinahantay!"
I scanned the woman. She's wearing a maong shorts and a plain blouse and a pair of slippers. May dala itong supot na sa tingin ko ay may lamang pagkain.
"Tessa hindi mo naman kailangan magpunta."
Of course it's Tessa!
I rolled my eyes in frustration.
"Hi Miss Summer, magkasama po pala kayo ni Reid?" sa tono nito ay para itong nagtatanong, but her face says otherwise.
I didn't say a word.
"Ay Reid may dala akong pagkain para sa tanghalian mo sana." sabi nito at saka ibinigay ang bitbit na supot kay Reid.
"Thank you Tessa."
"Ikaw pa ba? Malakas ka sakin e!" I snorted at what that woman said. "Saan nga pala kayo galing?"
"Sinamahan ko lang si Summer mamasyal." nagtaas ako ng kilay. Talaga lang ha? Bakit hindi mo sabihin na kasama ang magaling kong kapatid at baka napilitan ka lang na sumama dahil sa kaniya?
"Ganoon ba? Sana sinabi niyo para nakasama din ako." magiliw na sabi nito.
As if naman papayagan kong sumama siya.
Panay ang irap ko habang nakatingin sa dalawang nag-uusap. Can't that guy see that that woman is trying to flirt with him? He really is densed!
"Matagal pa ba yan?" masungit na sabi ko. "Nangangalay na ko dito."
I sometimes wonder kung cook ba ang trabaho nito? Sa tuwing nakikita ko ata sya ay palagi itong may dalang pagkain.
Bumuntong hininga si Reid at saka naglakad palapit sa pinto. Nilabas nito ang susi at binuksan iyon.
"Mauna ka na sa loob Summer."
Naningkit ang mata ko sa sinabi nito.
Can't he just get rid of that woman now? At ano, pinapa-una niya ako sa loob bakit? Dahil may pag-uusapan silang hindi ko pwedeng marinig? Is that it?!
I marched as I walk past them to go inside his house. Bahala na nga sila.
Sumalampak ako sa sofa doon at doon nag-hantay. Pero sa tagal nila ay nainip ako. Umayos ako ng pwesto sa sofa at saka humiga. Bigla na lang bumigat ang talukap ko at kusang pumikit ang mga mata.
I heard a voice, although it's just a faint noise. Pero sigurado akong si Reid iyon. I think he's saying something na hindi ko maintindihan.
Naramdaman ko na lang ang pag-angat ko mula sa pagkakahiga. I opened my eyes a bit to see if its really him and closed it again when I confirmed it was him. Humilig ako sa kaniyang dibdib habang buhat niya ako at naglalakad siya papunta sa hindi ko alam na lugar. Basta naramdaman ko na lang na umaakyat kami ng hagdan at ang marahang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Then I passed out completely.
BINABASA MO ANG
The Burning of Summer
RomanceMartinez Sisters Series 1 What will happen when a rich spoiled brat falls in love with a ruggedly handsome farmer? What if that rich spoiled brat is Luna Summer Martinez? Can she accept it?
