Chapter Eleven

2K 34 0
                                    

Chapter Eleven

"It depends on your definition of fun really." manghang sagot nito sa tanong ko kung saan kami pwedeng magpunta pa where I can really enjoy.

Pinaningkitan ko ito ng mata.

"Okay is there any place here where I can have some thrill for fun?"

Kakatapos lang namin kumain at naglalakad kami ngayon papunta sa car park kung nasaan ang sasakyang gamit namin.

"I know a place." hinatak ako nito pasakay sa sasakyan niya at nang makasakay na rin ito ay agad niyang pinaandar iyon.

"Where are we going?" I curiously asked.

"Now you're asking."

"Just answer my question will you."

"Sungit." bulong nito na narinig ko.

Ayaw ko na lang patulan kaya hindi ko na pinansin ang sinabi nito. Kanina ay halos hindi ko na maubos ang pagkaing binili nito, I finished the rice meal but the burger plus fries is too much for me.

I was so full but he insisted that I eat them all so I ate slowly. Wala itong nagawa kung hindi ang hantayin akong matapos. Yung sundae na hindi ko nakain ay ibinigay na lang namin sa isang homeless na bata nakasalubong namin kanina paglabas ng mall.

At least hindi sayang. Kung alam ko lang na okay lang sa kaniya na ibigay na lang ang pagkain ay hindi ko na sana pinilit ubusin ang mga iyon.

Now I feel so full and bloated. Hindi ako sanay na masyadong maraming kinakain.

I adjusted my seat comfortably to ease the weird feeling in my stomach. He overfed me! Kailangan ko na talagang mag-exercise.

"You okay?" tanong nito nang mapansin akong hindi komportable. I nodded.

Para akong nawawalan ng lakas sa sobrang kabusugan. Lumipas ang trenta minutos at inihinto nito ang sasakyan sa parking lot ng isang recreation park. Medyo maganda na ang pakiramdam ko dahil sa nakalipas na oras but I don't think that I will eat dinner later. I really shouldn't.

"Good afternoon Ma'am! Sir!" bati sa amin nang makapasok kami sa loob at salubungin ng front desk.

Hinayaan ko lang si Reid na makipag-usap sa dalawang babae na nandoon pero hindi ko mapigilan ang makaramdam ng inis dahil obvious na obvious na nagpapa-cute ang dalawang babae sa kaniya.

Sa iritasyon ko ay hindi ko na napigilang tanggalin ang suot na cap at sunglasses at tawagin ang pansin ng lalaki.

"Reid.." I said in a cold tone. Humarap naman agad ito sa akin at narinig ko pagsinghap ng dalawang babae na sa tingin ko ay nakatingin na sa akin ngayon.

"Naiinip na ako, what's taking you so long?" bumuntong hininga ito at napansin ang biglang pagbabago ng mood ko.

"Ay Ma'am.." I looked at the woman who spoke and iritation filled me more. "Okay na po pwede na po kayong pumasok."

Nanggigil ako sa inis na baka matiris ko ang dalawang babae sa harap. Naramdaman ko marahang paghawak ni Reid sa braso ko, urging me to stop what I'm doing.

Inirapan ko ito.

Pero dahil hindi lang naman kaming dalawa ang guests doon may isang babae ang lumapit sa amin at titig na titig sa akin.

"Hello! Are you Summer Martinez?" nakangiting tanong nito.

Isn't it obvious? Duhh!

Iyon sana ang gusto kong isagot dahil sa sobrang inis ko ngayon pero nagpigil ako at tipid na ngumiti.

The Burning of SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon