Chapter Five
Good thing Rain cheerfully introduced herself and even made some jokes that made everyone laugh.
After time, we went back to our seats. Nagsimula na silang magkainan, everyone is very lively and cheerful. Ate Winter, Rain, Dad and abuela went around the place.
I watched them as they converse with everyone, talking happily with them. While me and Ate Autumn stayed in our seat.
Hindi pa kami kumain, hindi pa naman kasi kami ganoon kagutom kaya pina-una na namin sng iba na kumuha ng pagkain. They even tried to serve us food but we decline.
Kailangan naming makihalubilo sa kanila and them serving us while they fall in line to get food isn't a good way to start with.
"Hello po!" Nabaling ang atensyon ko sa dalawang batang babae na lumapit sa akin. "Kayo po si Ate Summer di ba?" magiliw na tanong ng isa.
Salubong ang kilay ko kanina pero biglang nawala iyon dahil sa dalawang bata ngayon.
"Ako nga, kayo? Anong pangalan niyo?"
"Ako po si Bea at ito naman po si Karla!"
"Really? Ang ganda niyo naman, bagay na bagay yung pangalan niyo."
"Thank you po!"
"Walang anuman!" sabi ko at ginulo ang buhok nila.
They laughed at what I did.
"Kumain na ba kayo?" Umiling sila.
"Nangunguha pa po ng pagkain ang mama namin." May tiningnan ang mga ito sa gilid ko.
"Ayun na po pala ang mama namin!" Mabilis na lumapit sa amin ang isang babae na sa tingin ko ay nasa trenta mahigit ang edad.
"Nako Ma'am Summer pasensya ka na sa dalawang to, makulit at madaldal talaga sila." Hinatak nito ang dalawang bata palapit.
"Ayos lang, they are pretty." Masayang sabi ko.
Nagpa-alam ang mga ito sa akin at agad ding nawala ang mga ngiti sa labi ko.
Ate Autumn called me out then.
"Hindi ka pa kakain?" Tanong nito at umiling ako. "I'll go ahead first then." Tinanguan ko ito at sinundan ng tingin.
Kaya naman pala, kaka-unti na lamang ang nakapila para kumuha ng pagkain. Wala pa atang sampu ang nakapila doon.
I got bored so I decided to go inside the villa and went to my room to get my camera.
Lilibangin ko na lang ang sarili ko sa pagkuha ng litrato ng mga tao habang nagkakasayahan.
Palabas na sana ako ng may marinig akong nag-uusap. Out of curiosity I went near where the voices are coming from. Sumilip lang ako at nakitang si Tessa iyon. I was expecting to also see Reid since they went inside together but he's not there.
"Medyo sumama kasi yung pakiramdam ko kaya sinabi ko kay Reid. Nagulat nga rin ako kasi inalalayan niya ako papasok kanina.. grabe nag-alala siya sakin!" Kinikilig ang boses nito habang nagkukwento sa kausap.
"Hala ibig sabihin may crush din sayo si Reid?"
"Obvious naman! Hindi naman yun mag-aalala sakin ng sobra kung hindi di ba?" Bakas sa tono nito na siguradong sigurado ito sa sinasabi.
"Ay ang swerte mo naman girl, sana all." Tumawa naman ang huli.
"Akin lang si Reid no!" I smirked.
I think that woman is delusional. Owning someone without their knowledge.
BINABASA MO ANG
The Burning of Summer
RomanceMartinez Sisters Series 1 What will happen when a rich spoiled brat falls in love with a ruggedly handsome farmer? What if that rich spoiled brat is Luna Summer Martinez? Can she accept it?