3. Tragedy

21.3K 1K 29
                                    

Tahimik akong nagbabasa ng libro habang inaayusan ako ng mga tagasilbi sa palasyo.

Ngayon ang ika-labindalawang kaarawan ko. Lahat ng tao rito ay naghahanda dahil bukas ang palasyo para sa lahat ng bisita.

Galing din sa kabilang bayan sina ama at ina at uuwi sila ngayon para lang ipagdiwang ang kaarawan ko.

"Tapos na po," sambit ng nag-aayos ng buhok ko.

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Walang kasing ganda ang suot ko ngayon na binagayan pa ng ayos ng buhok ko.

"Maraming salamat!" masiglang sambit ko sa babaeng nag-ayos sa 'kin.

Isang ngiti ang sinagot niya sa akin bago tuluyan na siyang lumabas ng silid. Nanatili akong nakatingin sa salamin nang bumukas ang pinto ng silid ko.

Iniluwa nito ang nakababata kong kapatid.

"Maligayang kaarawan ate!" pagbati sa akin Noah.

"Salamat!"

Pumasok siya sa silid at dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"Sana ay magustuhan mo ang regalo ko."

"Bakit naman hindi?" natatawang sagot ko rito.

Pasimpleng tumawa si Noah bago ito bumalik sa pintuan. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya at hindi ko mapigilang maguluhan.

Balak ko na sana siyang tanungin kung ano ang ginagawa niya nang may pumasok na isang pamilyar na lalaki sa silid. Natigilan ako nang makilala kung sino ito.

"E-Evan," hindi makapaniwalang sambit ko.

Nahihiya siyang pumasok sa silid habang may dala-dalang rosas. "P-Pasensya na, alam kong bawal akong pumasok dito," nahihiyang sambit ng lalaking kaharap ko.

Hindi kaagad ako nakasagot sa kaniya at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "A-Ah. Walang problema. Lahat naman ngayon ng tao ay imbitado sa palasyo."

Parehong magkalayo ang tingin namin ni Evan hanggang sa iabot niya sa akin ang mga rosas na dala niya.

"Maligayang kaarawan. P-Princess Helena," aniya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko. I felt my heart skipped a bit. Ano ba itong nararamdaman ko?

"S-Salamat." Kinuha ko ang rosas na binigay niya.

"Hindi lang 'yan ang regalo ko," muling sambit ng lalaking kaharap ko.

Nabigla ako nang maglabas si Evan ng isang kwintas sa bulsa niya. A gold necklace with a heart pendant.

"May I?" pagpaalam niya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. Napangiti siya sa sinabi ko at pumwesto sa likod ko upang isuot ang kwintas.

Nasa salamin ang tingin ko habang sinusuot sa akin ni Evan ang kwintas.

"Bagay sa'yo," aniya nang tuluyan na niyang naisuot sa akin ang kwintas.

"Maraming salamat," nakangiting sagot ko.

"Aabangan kita sa ball room, mahal na prinsesa," pagpaalam niya sa akin. Yumuko ito sa akin na para bang isang prinsepe na kinatawa ko.

"Paalam na," natatawang sagot ko rito.

Isang ngiti ang ipinakita sa akin ni Evan bago tuluyang lumabas ng silid.

Iba ang saya na nararamdaman ko habang hawak-hawak ang kwintas na nasa leeg ko. Ito na siguro ang pinakamasayang kaarawan na naranasan ko.

Lumabas ako ng silid at pumunta sa ball room kung saan gaganapin ang kaarawan ko. Sobrang saya ko nang makita ang maraming tao na nag-uusap sa loob.

Pare-pareho silang natigilan sa pagsasalita nang pumasok ako sa silid. Lahat sila ay nagbigay galang sa akin at nagsimulang tumugtog ang orchestra.

Nagsimula ang kasiyahan at nanatili akong naupo sa pinakagitnang upuan na nagsisilbing trono. Pinalilibutan ako ng mga gwardya at mga tagasilbi sa palasyo.

"Malapit ng dumating ang hari at reyna," nakangiting bulong sa akin ng isang tagasilbi.

Nakaramdam ako ng tuwa at hindi ko mapigilan ang saya ko sa sinabi niya. Gusto ko ng makita sina ama at ina. Masaya akong ngayon sila babalik para sa kaarawan ko.

Habang nakaupo ay naaninagan ko sa malalaking bintana ng palasyo ang isang karwahe na huminto sa harapan. Doon na 'ko nakaramdam ng saya at hindi ko napigilan ang sarili kong manatili sa pwesto ko.

Agad akong tumayo at lumabas sa ball room upang salubungin ang mga magulang ko. Pumunta ako sa tapat ng malaking pintuan ng palasyo.

Nakangiti akong nag-abang at mas lalo pa itong lumawak nang dahan-dahang bumukas ang malaking pinto. Ngunit mabilis din itong naglaho nang ibang tao ang pumasok sa loob.

Hindi ako pamilyar sa mga taong pumasok at tila bumigat ang pakiramdam ko. Nagtama ang mga tingin namin ng isang lalaking pumasok sa kastilyo at nagbago ang ekspresyon nito.

Hindi ko mapigilang kabahan. "N-Nasaan sina ama at ina?" marahang tanong ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa labas at sa karwaheng sinakyan nila pero wala akong makitang bakas o senyales na nandito ang mga magulang ko.

Hindi kaagad nakasagot ang mga taong bagong dating sa tanong ko. Isa sa kanila ang dahan-dahang lumapit at lumuhod para matapatan ako nito.

"Princess Helena... hindi na makararating ang hari at reyna," seryosong sambit ng lalaking kaharap ko.

Natigilan ako sa sinabi niya. Sumikip ang dipdip ko at nahihirapan akong makahinga.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Huminga nang malalim ang lalaki bago ito sumagot. Nanatili itong walang ekspresyon.

"Kinalulungkot kong sabihin... naaksidente ang hari at reyna. Sa kasamaang palad, hindi sila nakaligtas."



The Forgotten Queen: The Cursed GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon