24. The smart kid

17.2K 1.1K 185
                                    

One week had passed since the competition. Of course, nakapasa si Gin. Kapwa niya ay halos lahat ng manlalahok ay nakapasa at isa na ngayong ganap na mga Masters.

Tama nga si Ethan. They really are the generation of prodigies.

Galing kami sa walang kwentang meeting ulit ni Cora at pabalik na kami sa kalesa upang bumalik sa Academy. Pabalik na kami nang matigilan ako sa kalagitnaan ng paglalakad.

Kahit hindi pa kami gaano kalapit ay natatanaw ko na ang kalesa.

The door is open.

Nagtatakang tumingin sa akin si Cora. Nang tignan niya ang tinitignan ko ay unti-unting umawang ang bibig niya.

"B-B-Bukas 'yong p-pinto-" kinakabahang sambit niya.

Nagmamadali siyang lumapit sa kalesa at para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa bumungad sa kaniya.

Walang gana akong lumapit at doon ko nakita ang dahilan.

The money inside was taken. Nanakawan kami.

Napabuntong-hininga ako.

1.

2.

3-

"P-P-Principal sorry!" paghingi ng tawad ng babaeng kaharap ko. Naiiyak itong lumuhod sa akin na mas lalong kinayamot ko.

"Tsk. It's fine, it's fine."

Tinapunan ko ng tingin ang kalesa at napaismid na lamang ako nang makitang pati ang mga tasa ko ay hindi pinatawad.

Kumunot ang noo ko nang makita ang susi ng pinto sa upuan.

Sa pagkakaalam ko ay lagi itong dala ni Cora. Paano iyon nadukot sa kaniya?

"S-Sorry P-P-Principal. Y-You c-can cut m-my finger-"

"Hays! I told you it's fine!"

Walang tigil sa paghingi sa akin ng tawad ang sekritarya ko. Napabuntong-hininga lamang ako.

Sa totoo lang, minsan nag-iisip na 'kong palitan si Cora. Hindi sa kaniya bagay ang pagtatrabaho sa akin. She needs a therapy.

Wala naman akong pakielam sa pera. Kung humingi na lang sa akin ang magnanakaw ay bibigyan ko pa siya.

Pero alam kong lalamunin ng konsensya niya si Cora kung hahayaan ko lang ito.

Muli akong napabuntong-hininga. I have no choice then.

I held the door and I felt my eyes changed.

I see it.

A guy with a violet hair. A freaking grape head.

He can... control metals?

Muli akong bumalik sa kasalukuyan. Hindi mawala sa isip ko ang nakita kong nangyari.

Hindi lang niya basta-bastang kinuha ang susi kay Cora.

Bagkus, inaabangan na niya kaming lumabas sa kalesa. Habang nasa loob ay nagawa na niyang alisin ang susi sa bulsa ng kasama ko.

Sa unang tingin ay mukhang ninakaw ang susi at binuksan ang pinto pero hindi.

He didn't used the key. He just left it where he took it from Cora.

Nang makalabas kami ay naiwan na sa upuan ang susi. Samantalang ang pintuan ay nilock ni Cora bago ito isara.

Nang tuluyan na kaming nakalayo ay ginamit niya ang gift niya upang buksan ang pinto. He freaking moved the lock.

Kung hindi ko nagagawang makita ang nakaraan ay malamang ay aakalain ko lang na ordinaryong tao ang nagnakaw.

Iisipin ko lang na kinuha niya ang susi para buksan ang pinto.

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon