16. New Generation

18.5K 1.1K 255
                                    

67 YEARS LATER

Kaswal akong nakaupo habang nakatingin sa bintana at umiinom ng tsaa. Parang ang tagal na no'ng huling naging mapayapa ang araw-

"P-Principal Helena!" rinig kong sambit ng isang babae sa labas ng silid.

Iritado akong napabuntong-hininga bago ubusin ang tsaa. Kababanggit ko lang ng mapayapa ay binawi na kaagad.

"Tuloy," walang ganang sambit ko.

Bumukas ang pinto at bumugad sa akin ang bagong sekritarya ko. Si Cora, a descendant of Crimson.

"M-May b-bi-bisita po kayo," uutal niyang sambit.

Nasanay na 'ko sa paraan ng pananalita niya. Wala atang pangungusap ang hindi siya nabubulol.

Sumulpot sa likod niya ang isang lalaki. Agad ko itong nakilala.

"Cael, napadalaw ka," sambit ko.

Pumasok ang isang lalaking nakapolo. Cael, who's also a Portugal. Ngunit sa pangalan nga lang, katulad ko.

Nakangiti siyang pumasok sa silid. "Good morning, Principal Helena. I'm sorry for the short notice."

I glanced at him. "Go straight to the point."

Napaiwas siya ng tingin sa deretsong sagot ko. "Uhm, I would like to have a favor, Principal," nahihiyang sambit niya sa akin.

Nakakamot siya sa ulo niya at nahihiyang tumingin. Napaismid ako sa inakto niya. Hindi na ito bago sa akin. Lagi akong nandito para sa mga Portugal.

"Name it," sagot ko.

Muling kumurba sa isang ngiti ang labi ni Cael at nagawa na niya 'kong tignan.

"May kailangan kasi kaming puntahan ni Ethan bukas kasama si Prisma, so I'm wondering..."

"Would you please look after Nocturne Academy for a while? Please! Isang araw lang!" paghihingi sa akin ng pabor ni Cael.

Napabuntong-hininga ako at kaswal na tumango. "Fine, basta isang araw lang."

Parang kumikislap ang mga mata ni Cael sa saya nang pumayag ako. Hindi pa niya nagagawang makapagsalita ulit nang may batang babaeng tumatakbong pumasok sa silid.

Kaagaw-agaw pansin ang pula niyang buhok.

"Helena! Helena! Give me a mission!" masiglang sambit sa akin ng bata.

Napaismid ako sa sinabi niya at walang gana siyang tinignan.

"Anong ginagawa mo rito, Xilah?" tanong ko.

Nahihiyang tumingin sa akin si Cael. "P-Pasensya ka na. Nagpupumilit kasi siyang sumama nang nalaman niyang pupuntahan kita."

Malalim akong huminga. Pamangkin ni Cael si Xilah, isa sa mga sakit sa ulong batang Portugal.

"Hey! Helena sabi! Bigyan mo ako ng mission!" pag-uulit ni Xilah.

Mabilis siyang nilapitan ni Cael at pinakalma. "X-Xilah, show some respect," nahihiyang sambit ng lalaking kasama niya.

"Tsk, you're too young brat," wala kong ganang sambit bago tumayo.

Kumunot ang noo ni Xilah sa sinabi ko. "But I'm already 5! I can already take missions!" pagmamatigas niya.

Dinaanan ko lang siya papunta sa pinto—deretso ang tingin. "Yeah, yeah. Tell Ethan and Prisma that I will take care of their Academy," sambit ko kay Cael nang hindi lumilingon sa kaniya.

"Thank you Principal Helena!"

Naiwang nakasimangot si Xilah nang hindi ko siya pinansin. Akmang palabas na 'ko ng pinto nang tila natigilan ako.

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon