28. In another life

19.6K 1.2K 254
                                    

Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko. I feel numb.... I can't feel anything.

Kahit medyo nanlalabo pa rin ang paningin ko ay pilit ko itong minulat.

Gaano ba kalayo sa hinaharap ang napuntahan ko?

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang hindi pamilyar na lugar. A place where there are no skies nor land. It looks spacious but small at the same time.

Saan ako napunta?

"How are you feeling?"

Natigilan ako sa pag-iisip at naramdaman ko ang pagbigat ng pakiramdam ko nang may narinig akong nagsalita.

Isang boses ng lalaki ang umalingawngaw sa silid. Inilibot ko ang tingin ko pero wala akong nakikita na kung sino.

Bwisit... bakit hindi ko makita ang hinaharap?

"Sino ang nandiyan?" tanong ko.

Hinintay kong may sumagot. Imbis isang pagpapakilala ang marinig ko ay umalingawngaw ang mga tawa sa silid.

A woman, a man, a kid, and even laughs from old people.

"Hindi talaga palalampasin ng isang tagapagmana ni Cronus ang mga detalye 'noh?" natatawang sambit ng isang babae.

My eyes widened when I saw a group of people appearing out of nowhere. Different ages, different races, and different genders.

"W-Who are you-"

"We're the same as you,"

"We're the former heirs and heiresses of the God of time, Cronus. Who have the gift of Time Control."

Tila nanghina at nanlambot ang katawan ko. Hindi ako makapaniwalang inilibot ang tingin ko sa paligid.

"S-So, I'm already dead?"

Muli silang nagtawanan at napailing. I startled when someone grasped me.

Napalingon ako sa taong humawak sa akin at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makilala ko ito. "Y-You-"

She flashed a smile. Walang pinagbago ang itsura niya mula no'ng huli naming pagkikita.

The heiress of Cronus before me.

The reason why I have this gift.

Ang babaeng nagbigay nito sa akin.

Hindi ko pa nagagawang makapagsalita ulit nang bigla niya 'kong niyakap. Narinig ko ang paghikbi niya habang ibinaba niya ang baba niya sa balikat ko.

"Y-You shouldn't be in here, queen."

Natuyo ang lalamunan ko at hindi ko nagawang makasagot kaagad. My hands were shivering as I tried to hold her.

Gusto kong magalit. Gusto ko siyang saktan.

Basta-basta niya na lang ibinigay ito sa akin. Wala akong kaalam-alam.

I'm just... 12 years old that time.

I was just starting my journey as a woman. As a queen.

Pero sa isang iglap ay nawala iyon lahat.

I stopped aging.

I lost my existence.

I lost everything.

Pero sa kabila ng lahat. Imbis na saktan ang babaeng kaharap ko ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong niyakap siya pabalik.

Hindi lang ako.... ang nakaranas nito.

"Queen-"

"It's okay. Thank you for everything. There's no need to feel guilt."

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at sinalubong ko siya ng isang ngiti. "It's all in the past now."

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon