Epilogue

23.1K 1.5K 420
                                    

Hindi ko inakala na isang taon na pala ang lumipas nang makabalik ako sa panahon ko. There are new students in my Academy and new rookies in my Guild. Some of my students were already Masters.

Pero may mga bagay pa rin talagang hindi nagbabago.

Napasinghap ako bago humigop ng tsaa. Walang gana kong tinapunan ng tingin ang lalaking nasa loob ng opisina ko.

Prente itong nakaupo habang nagbabasa ng libro at nakataas pa ang paa sa maliit na lamesa.

"Hey Gin. Wala ka bang mission," iritadong tanong ko.

Isang ngisi ang pinakita niya sa akin. "Come on, Helena. Ginawa na ng mga myembro ng Guild ang mga missions."

Walang gana akong napairap at napaismid sa sinagot niya sa akin. I took my cup of tea and started walking towards the door.

"Saan ka pupunta?"

Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. "None of your business."

Lumabas ako ng silid. Hindi pa ako nakahahakbang papalayo ay nagmamadaling tumayo si Gin si pagkakaupo at sinundan ako.

I heaved a sigh before looking at my student. "Gano'n mo ba ko na-miss sa isang taon at gusto mong sumama kung saan man ako pumunta?"

Gin's eyes widened and he immediately looked at the opposite direction. Namula ang mga pisngi niya at sadya siyang napaubo.

"T-Tsk, shut up old hag. Ni hindi man lang ako kinabahan 'noh. I know you'll come back," pagmamalaki niya sa akin.

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. "Yeah, yeah. I know."

I tiptoed, and gently patted Gin's head while smiling. "I mean, Miss Principal is strong, right?"

I chuckled when Gin remained in his position. Tila nabigla siya sa nagawa ko. "Well, aalis na 'ko. Go back to your Guild," muling sambit ko.

Akmang hahakbang na 'ko papalayo nang makaramdam ako ng mahipgit na pagyakap sa akin. Inilubog ni Gin ang mukha niya sa balikat ko kaya hindi ko magawang makita ang mukha niya. But I can still hear him sobbing.

"I-I thought I'll lose my mother for the second time."

Tila parang bumagal ang oras sa narinig ko. I felt my eyes changed.

Without Gin knowing, I stopped time. Mariin ko siyang niyakap pabalik.

"Thank you, kid."

"You're the family I once lost. I will not let anything happen to any of you." I gently smiled.

"I know you can't hear it. I'm sorry, but I can't show my weaknesses to others."

"After all, my students are my weakness. You're my greatest treasures."

Pinunasan ko ang tumakas na luha sa mata ko. Kasunod nang pagbitaw ko kay Gin ay ang muling pagtakbo ng oras.

"I know, I know. I'm sorry for making you worry," natatawang sambit ko kay Gin.

Narinig ko ang pag-ismid niya. Mabilis niyang inalis ang pagkayayakap niya sa akin at agad akong tinalikuran.

"T-Tsk. Hindi nga ako nag-alala! Aalis na 'ko Helena, babalik na 'ko sa Guild!"

Hindi na niya hinintay pa akong sumagot at mabilis siyang tumakbo paalis na kinatawa ko. I told him to call me Principal. What a brat.

Naglakad ako sa mahabang pasilyo ng Academy. Tinitignan ko ang mga natatanaw kong mga estudyante sa malalaking bintana.

You might thought that it's peaceful while watching them but it's not. Hindi mga estudyanteng nagtatanawan, naglalaro, o mga nag-aaral ang mga nakikita ko.

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon