5. Forgotten

19K 1K 95
                                    

Hindi ko maintindihan kung ano sinabi sa akin ng babae. Kung kailan ako natauhan ay roon ko nakita ang unti-unting pagpikit ng mga mata niya.

"H-Hindi pwede. Sandali lang!-"

Tuluyan ng pumikit ang mga mata nito. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko habang hawak-hawak ko siya.

"T-Tulong! Tulong!" pagtawag ko.

Hindi nagtagal ay nagsilapitan sa akin ang mga gwardya. Lumapit sila sa katawan ng babae at hinawakan ang pulso nito.

"N-Nakita ko lang siya rito," balisang sambit ko.

"H-Hindi ko alam ang nangyari-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hawakan ako ng gwardya para pakalmahin ako.

"It's already okay, kid. Ihahatid na kita sa inyo," sagot nito sa akin.

Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang sinabi niya. Dahan-dahang kumunot ang noo ko.

Nang tignan ko ang gwardya ay nakatingin ito sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko.

"Kailangan kong alamin kung ano ang nangyari sa kaniya," dagdag ko.

Umiling sa sinabi ko ang gwardya at lumapit pa ito lalo sa akin. "Alam kong nag-aalala ka bata. Pero trabaho na namin 'to.

"Sabihin mo na kung saan ka nakatira at ihahatid kita."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Hindi kaagad ako nakasagot at parang natuyo ang lalamunan ko.

"A-Anong pinagsasabi mo? Kailangan kong malaman ang nangyayari sa mga mamamayan ko. That's my role as a queen," giit ko.

Napaawang ang bibig ng gwardyang kaharap ko. Muli itong napailing na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko.

"Look, kid. Wala akong oras makipaglaro sa'yo buong araw. Kung ayaw mong sabihin kung saan ka nakatira ay sabihin mo na lang ang pangalan mo at ng mga magulang mo. Ipasusundo na lang kita," kalmadong sagot niya sa akin.

Naguguluhan ako sa sinasabi niya. "I-I'm Helena! Queen Helena!"

"Oo na, oo na. Dito ka lang, ipasusundo kita sa mga magulang mo."

Tinalikuran ako nito habang hindi ako makapaniwala. Parang nawalan ng kulay ang mundo ko. Hindi ko alam ang gagawin... hindi ko alam ang sasabihin ko.

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo. Mas lalong dumidilim ang kalangitan. Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari.

Bakit... hindi ako nakilala ng gwardyang naninilbihan sa palasyo?

Wala akong tigil sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa harap ng palasyo. Gumaan ang pakiramdam ko nang mabilis akong napansin ng mga tagabantay sa labas.

Umaasa ako na mabilis nila akong lalapitan at tatanungin kung bakit ako lang mag-isa ang bumalik sa palasyo. Pero mabilis nawala ang pag-asa ko nang tignan ako ng mga tagbantay na bakas sa mukha ang pagkabigla.

"H-Hoy bata! Anong ginagawa mo rito? Bawal dito! Umuwi ka na!" bungad sa akin ng tagabantay.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Kasabay ng pagkabigla ko ay ang unti-unting pagbagsakan ng ulan.

"Bata, magkakasakit ka niyan! Umuwi ka na!" muling sambit ng tagabantay sa akin.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Gusto kong isipin na nanaginip lang ako. May matinis na tunog ang dumaan sa tenga ko, kasabay ng panginginig ng buo kong katawan.

Anong... nangyayari? Bakit... hindi nila ako makilala?

Wala sa sariling lumapit ako sa malaking gate ng palasyo. Unti-unting nagsituluan ang mga luha ko.

"A-Ako 'to! Si Helena! Ako si Helena!" naiiyak na sambit ko. Umalingawngaw ang maliit na boses ko sa paligid.

Mabilis na nagsilapitan sa akin ang mga gwardya nang mapansin ako. "Bata! Bawal dito!" pagsaway nila sa akin.

Hindi ko sila pinansin at nanatili lang ako sa harap ng gate.

"N-Noah! Noah! Nandito ako! Papasukin niyo ako! Ako ito! Si Helena!" pagtawag ko sa kapatid ko.

Umaasa akong lalabas ito at papapasukin ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang inaakto ng mga gwardya at tagabantay sa akin.

Siguro ay nasa ilalim sila ng isang mahika kaya hindi nila ako naalala. Pero sigurado akong makikilala ako ng nag-iisang kapatid ko—makikilala niya 'ko.

"N-Noah!" muling pagtawag ko.

Nilapitan na 'ko ng mga gwardya at inalayo nila ako sa gate ng palasyo.

"Bawal nga sabi rito, bata!" inis na sambit sa akin ng isang gwardya.

"H-Hindi niyo naiintindihan! A-Ako 'to! Ang reyna! Si Helena!" pagmamatigas ko.

Hindi nila ako pinakinggan at nanatili nila kong hinila papalayo.

"'Wag kang manggulo ngayon sa palasyo, bata. Hindi pa handa si Haring Noah na tumanggap ng mga bisita," may pagbabanta ang boses ng gwardya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko napansin na iniwan na pala nila 'ko matapos nila 'kong hilahin papalayo sa palasyo.

Hindi ko... maintindihan. Naguguluhan ako.

Anong... nangyayari?

Nanlalabo ang paningin ko nang tumingin ako sa nanginginig kong mga palad.

Walang nakakaalala ng pangalan ko. Pinaalis nila ako sa tirahan ko. At ni hindi man lang nila 'ko hinayaan makita ang nag-iisang kapatid na meron ako.

Isa lang ba 'tong... panaginip? Isang... masamang panaginip?

Kung gano'n... sana ay magising na 'ko—ayoko ng maranasan 'to.

Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Sumasabay ito sa pagbagsak ng ulan. Hanggang sa mamukhaan ko ang isang taong naglalakad sa hindi kalayuan.

Tila mabilis na gumaan ang pakiramdam ko at nakaramdam ako ng pag-asa. Sigurado akong natatandaan niya pa ako.

Puno ng pag-asa ang mga mata ko nang tignan ko siya.

"E-Evan!" malakas na sambit ko.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang tapunan ako ng tingin ng lalaking tinawag ko. Habol-habol ko ang hininga ko nang makalapit ako sa kaniya.

"H-Hindi ko alam ang nangyari- hindi nila 'ko maalala- walang nakakaalala sa akin-" sunod-sunod na sambit ko.

Kahit hinihingal ako ay pilit ko pa ring sinabi ang lahat kay Evan. Muli sana akong magsasalita nang tignan ko siya.

Mabilis na nawala ang pag-asa na meron ako nang matauhan ako sa tingin niya.

Tuluyan na akong nanlumo at naglaho ang ekspresyon ko sa mukha. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang paglandas ng mga luha ko sa mga mata. Kasabay ng paglamig ng paligid ay ang pagwala ng natitirang init sa puso ko.

Para akong nanghina sa narinig at tuluyan ng huminto sa paggalaw ang mundo.

"P-Pasensya ka na. Saan ba kita nakita? Hindi kita naalala."

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon