21. Heir of Cronus

17.9K 1.1K 207
                                    

It has already been three years since I've met that brat named Gin. Kagaya nang inaasahan ko, pumunta siya sa paaralan ko.

He became one of my students.

Gin, the executioner.

He was called like that, for being the right hand of me... who gives him the work—the dirty works.

"Helena, wala ka bang ibibigay sa 'kin na misyon diyan? Bagot na bagot na 'ko." Rinig kong reklamo ng lalaking kasama ko.

Huminga ako nang malalim sa sinabi niya—pagpapakalma, at sumipsip ng tsaa. "First of all, its Principal Helena. Second, hindi tambayan itong opisina ko. And lastly, I told you to join a Guild. Doon ka makakakuha ng mission," pagpapaliwanag ko.

Narinig ko ang pag-ismid ni Gin. "Tsk. Stupid Guild. Hindi ko kailangan 'yon."

Hindi maipinta ang mukha ko sa sinabi niya. He grew taller, and his voice became deeper. His hair grew a little too, but he's still neat looking. In short, his appearance changed... only his appearance. He's still acting like a kid.

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagbabasa ng mga papeles.

Hindi pa nagtatagal ang pagrereklamo ni Gin nang may babaeng kumatok sa opisina ko.

"M-M-May-"

"Come in, Cora," pagsingit ko.

Hindi na naituloy ni Cora ang pagpapaalam niya nang unahan ko na siya. Unti-unting bumukas ang pinto at iniluwa nito ang sekritarya ko.

"Anong kailangan mo, Cora?" marahang tanong ko.

Balisa si Cora na humarap sa akin habang may hawak-hawak na envelope.

"U-U-Uhm, we n-need your h-help P-P-Principal," nauutal na sambit niya.

Kumunot ang noo ko. "For what?"

Hindi ako sinagot ni Cora. Bagkus ay ibinigay niya sa akin ang hawak-hawak niyang envelope.

Nakasunod sa akin ang tingin ni Gin nang buksan ko ito at kunin ang nasa loob. Nang basahin ko 'to ay natigilan ako.

It's a wanted person.

A freaking 10 year old boy.

"W-W-Wala pa p-pong makahuli s-sa kaniya. K-K-Kaya sabi p-po s-sa akin ng o-o-officials na kayo n-na po ang m-magligpit sa k-kaniya," muling sambit ng sekritarya ko.

Nanatili akong nakatingin sa mga impormasyon na nakasulat habang nagsasalita si Cora.

This kid destroyed a village.

"Woah! Isang mission? Sa akin mo na lang ibigay, Helena!" pagsingit ni Gin sa usapan.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tila nakapako ang tingin ko sa isa sa mga impormasyon na nakasulat.

Law Amano
Heir of Cronus

"Yosh! Come on, Helena! Sa akin mo na lang ibigay 'yong mission!" pangungulit ni Gin.

Napabuntong hininga ako. "Shut up brat." Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

"Ready my ride, Cora. I'll take care of this one."

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakasakay sa isang kalesa habang umiinom ng tsaa.

Papunta ako sa Batic town.

It's my first time hearing that place. Hindi na rin 'yon kataka-taka dahil tinaguriang haunted town din 'yon. Dahil ang itsura ng bayan ay sira-sira at wala ng taong nakatira.

It's all because of the kid named Law.

Bumaba ako sa kalesa nang makatawid kami sa tunnel. Bumungad sa akin ang malalang tanawin na para bang may dumaan na buhawi.

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon