Kabanata 29
I didn't drink, but my head aches. Damn it. I held my head while walking downstairs.
Mukhang dahil 'yon sa ikli lang ng oras na tulog ko. Mahina akong nagmura nang maramdaman ang kirot noon.
"Tara na, Leuxia," aya ni Mako. "Pupunta na tayo sa Bloodfeud."
Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
"Bakit? Wala namang misyon," sagot ko.
"Huh? Palagi naman tayo pumupunta roon kahit wala ah?" takang tanong ni Kael.
"Mauna na kayo," sagot ko. "Hahanapin ko si Aitana."
"Sila Lucien na ang gumagawa noon, Leuxia," Mako said in a monotone. "They already saw the pictures."
Damn it.
"Okay," I shrugged calmly. "Nasaan si Vielle?"
Sumunod na ako sa kanila palabas.
"Duivel," Kael answered. "We'll go to their place later."
Dumiretso kami sa sasakyan ni Mako. Sa likod ako p-um-westo habang si Kael ay nasa unahan, tabi ni Mako. Tinatamad ako magmaneho ngayon kaya sasabay ako sa kanila.
I don't know why... I can't focus.
Baka madisgrasya lang ako kapag tinuloy ko ang pagmomotor ngayon.
I leaned and shut my eyes in irritation. I can still remember it. That fucker.
Tumitig ako sa labas at pinipilit na i-alis sa isipan iyon. Sigurado namang hindi niya maalala lalo na't lasing siya. Napamura ako nang maalala si Gionna.
That girl. Damn.
"Leuxia!"
Agad akong napalingon sa harap nang marinig si Kael na sumigaw.
"Ano?" I asked irritatedly.
"Kanina pa kita tinatanong," natatawa niyang sabi. "Nakatutula ka riyan."
Natigilan ako ro'n at umiling. I leaned back and looked away.
"Anong nangyari?" nilingon ako ni Mako sa salamin. "Kanina ka pa ganyan?"
"Yeah," Kael nodded. "You didn't even ride with your Ducati now."
Tumikhim ako at agad tinago ang emosyon sa diretsong mukha lang. Nilingon ko sila nang walang reaksyon.
"Wala lang," balewalang sagot ko.
"Sige kunwari maniniwala ako," tumawa si Mako at tumingin na ulit sa daan.
My brows furrowed at Kael who's still looking at me. I raised my brow. He looked at me mockingly.
"Ano?" iritang tanong ko.
He shrugged with a malicious look. I wanna punch his face. Fuck it.
Inalala ko ulit ang mga pangyayari kung sakaling magtanong pa sila. Agad kong binalikan ang mga tinuran ni Nyx, kahapon lang din.
Shit, kailangan ko pala siyang makausap ulit. Nawala sa isip ko. Mahina akong napamura bago nilingon ulit ang mga pinsan.
"Si Kaiden ba naroon na?" tanong ko sa kanila.
Agad lumingon sa akin si Kael na nang-aasar ang tingin.
"Anong meron sa inyo ni Kaiden?" agad na tanong niya.
"Bobo," untag ko. "Ipapahanap ko sa kaniya si Nyx. Kailangan ko makausap."
Napalingon si Mako saglit sa akin sandali bago ibinalik ang tingin sa kalsada.
BINABASA MO ANG
BLOODFEUD 1
ActionBOOK 1 OF BLOODFEUD DUOLOGY. Bloodfeud, a group consisting perilous members. Brotherhood means a 'boy' member only is allowed. But then, there's Avior Leuxia, a baddest girl who only had the guts to invade it. And it was the instrument... for the bl...