Kabanata 35
"Kayo ang totoong pumatay kay Papa," mariing sabi ni Arvo Levesque.
Mahigpit ang hawak sa baril. Nakatutok iyon kay Orville Caceres. Matalim ang titig niya sa kaibigan.
"Tama ka, Arvo," mariing sabi ni Sullivan Solasta.
Napatingin si Arvo Levesque sa kaaway. Hindi na nawala ang matalim na mata niya nang dumapo kay Sullivan.
"Sila rin ang pumatay sa asawa ko... kay Aurelia," dagdag ni Sullivan na masama ang titig. "Na inakala kong kayong mga Levesque ang may gawa."
Pareho silang napatingin nang mapang-asar na humalakhak si Orville Caceres.
"Anong pakiramdam na mapagpalaruan?" pang-aasar ng lalaking Caceres. "Akala ko kayo ang pinakamataas sa Cruor? Pero napagkaisahan namin kayo!"
Cruor Organization, a vigilante organization. Group that is made to punish and suppress crime illegally. Members who takes law into their own hands.
Magkakompetensya ang mga Solasta at Levesque sa loob ng grupo na iyon. Dahil sila ang pinakamataas maliban sa nagtatag ng organisasyon.
"Traydor ka," mariing untag ni Arvo Levesque saka ikinasa ang baril.
"Kahit kailan hindi mo ako naging kapanig," ngumisi ang lalaking Caceres. "Lahat nang 'yon ay panlilinlang lamang."
Lahat ng gulo sa pagitan ng mga Levesque at Solasta ay dahil sa kanila. Mula sa ugat hanggang sa naging resulta at pagpapatuloy nito.
Napalingon sina Sullivan at Arvo sa dumating na si Lourd Vanliere. Taka siyang nakatingin sa sitwasyon ng tatlo.
"Anong nangyayari?" takang tanong ni Lourd at napatingin kay Arvo.
Si Lourd ang nasa panig ni Sullivan. Pero sa loob ng Cruor, siya ang nagbibigay ng mga baril at iba pang kagamitan.
He's the producer of guns, daggers and many more for the Solastas. And even to the Levesque and Caceres.
Naudlot ang pagbunot niya ng baril nang makitang nakatutok ang hawak ni Arvo sa kaibigan. Salubong ang kilay niyang napatitig sa kaaway.
"Hindi mga Levesque ang totoong kaaway, Lourd," malamig na sabi ni Sullivan sa kaibigan. "Lahat ay nag-ugat dahil sa mga Caceres."
Lourd shook his head incredulously. He can't believe it. He thought after years that his daughter and wife also died because of the Levesques.
He pulled his gun perilously and pointed it towards the Caceres.
"Bakit mo 'yon ginawa?" galit na tanong ni Sullivan. "Bakit niyo ginawa?!"
"Nasa harapan mo na mismo ang dahilan," hindi makapaniwalang ngumisi si Orville Caceres.
Napatingin sa isa't isa sina Sullivan at Arvo. Dahil doon, tinangka ni Orville Caceres na tumakas. Pero mabilis pa sa kidlat na ipinaputok ni Arvo ang baril sa dating kaibigan.
"Hinding-hindi magkakaisa ang mga Solasta at Levesque!" huling salita niya bago malagutan ng hininga.
Pero ang nangyari ay kabaliktaran ng lahat. Nagkaisa ang dalawang makapangyarihang pamilya sa Santuario.
People around were threatened for the things they can do. Even the unknown boss of Cruor Organization.
"Sigurado ba kayong aalis na talaga kayo rito sa Cruor?" malamig na tanong niya sa dalawang lalaki.
"Oo, hihinto na kami," ani Arvo at inipapag ang baril na ibinigay sa kaniya ng Cruor.
Tumango si Sullivan kay Arvo at ginaya ang ginawa nito. Dinig nila ang bulungan ng mga kasamahan sa organisasyon.
BINABASA MO ANG
BLOODFEUD 1
ActionBOOK 1 OF BLOODFEUD DUOLOGY. Bloodfeud, a group consisting perilous members. Brotherhood means a 'boy' member only is allowed. But then, there's Avior Leuxia, a baddest girl who only had the guts to invade it. And it was the instrument... for the bl...