Wakas

38.7K 1.5K 1.1K
                                    

Hi, this is the last chapter of Bloodfeud 1. I was just 16 years old when I wrote this book so thank you so much for bearing with my errors! I'm still learning until now. Thanks, keep safe.

-
Wakas

I stared at the gold brass urn of her ash. Natulala ako na parang hindi pa rin makapaniwala.

We found Azea's dead and burned body near her shattered motorcycle.

I didn't recognize her... her face... because she's burned to death.

Marahang kinuha ni Azria Solasta 'yon. Malinaw ang galit at sakit sa mga mata niya. Yakap niya ang abo ng anak habang naglalakad patungo sa cabinet ng mga tropeyo namin.

Itinabi niya iyon sa huling gintong tropeyo ni Azea sa karera. Nagtagal pa siya roon bago isinara ulit ang cabinet. Kita ko ang pagbuntong-hininga niya.

Kasama rin namin dito sa mansion ng mga Solasta si Giusteo. Namumula ang mga mata at tulala sa abo ni Azea.

"Alam kong lahat kayo ay galit din, gaya ko..." mariin at walang emosyon na untag ni Lucien.

Napatingin ako sa kaniya at ikinuyom ang kamao. Huminga ako nang malalim upang pigilan ang sarili.

"Huwag muna kayong gagalaw," nagbabantang utos ni Lucien.

"Bakit?" mabilis na tanong ni Atasha dahil sa pagtataka at galit.

"Dahil hindi tayo sigurado kung sino ba tala-"

"Paano kung yung Fortnite nga?" putol ni Vielle sa kaniya.

Sumama ang tingin ni Lucien nang bumaling kay Vielle dahil doon. Nanatiling kalmado si Vielle, lalo na't nangingibabaw ang nararamdaman sa kapatid.

Nilingon ko ulit si Lucien dahil sumasang-ayon ako kay Vielle. Sila lang naman ang posible lalo na't may mga Caceres na sa kanila.

"Patay na si Yuno, 'di ba?" malamig na tanong ni Lucien. "Hindi sila makakagalaw kung ganoon."

"Pero naroon si Xaira," singit ko kaya napalingon siya. "At alam nating lahat na siya ang may pakana noong unang aksidente ni Azea."

Tumango si Atasha roon. Alam kong naaalala niya ang video na iyon. Kung saan nakumpirma na si Xaira nga 'yon.

"Isa pa, tatlong Caceres ang namatay nung huling laban namin," dagdag ni Vielle. "Hindi malabong gumanti sil-"

"Mababaw," mariing sabi ni Lucien. "Mababaw pa 'yan."

"Hayaan niyo munang kami ni Lucien ang gumalaw," Azria Solasta remarked dangerously.

Lahat sila ay natahimik nang marinig iyon. Ramdam ko ang poot sa tono ng pananalita ni Azria Solasta. Delikado ang mga mata niyang nakatitig sa kawalan.

I sighed heavily and stood. They all looked at me perplexedly. I shook my head and straightly walked outside their mansion.

"Leuxia!" dinig kong sigaw pa ni Lucien.

Pero hindi ako huminto. Patuloy lang ako sa paglalakad at masama ang tingin sa lupa.

Hindi ako kuntento sa sinabing dahilan ni Lucien. Mababaw? Tatlong Caceres ang pinatay namin, na sapat na dahilan para gumanti sila Xaira. Pero mababaw lang para sa kaniya? Tangina.

Dire-diretso akong lumabas papunta sa motor ko. Agad akong humarurot paalis, papunta sa sasadyain kong tao.

I was glaring the road while driving. I can't help to stop myself from glaring because of rage. Fuck it.

I looked up to the huge gate of Trevan's place. Hindi ako sigurado kung narito rin ang ibang mga Bloodfeud, siya lang naman ang sadya ko.

Agad din akong pinapasok ng guwardiya. Natanaw ko sila ni Magnus at Laxner na nag-uusap sa gazebo. Eksperto kong pinarke ang motor sa harap noon.

BLOODFEUD 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon