KABANATA 3

71 12 25
                                    

Hindi ko na makain ang streetfood na nabili ko dahil sa takot at kaba na baka may nakakuha na ng wallet ko sa loob ng banyo.-- "Balikan ko lang sa loob"-- Wika ko sa kanya matapos niyang bayaran ang aming binili.

"Samahan na kita sa loob" Tugon naman niya.

Nagpaalam kami sa guard na babalikan ko lamg yung wallet na naiwan ko sa loob ng banyo ngunit hindi ito pumayag. -- "Kuya, sige na po please" -- pagmamakaawa ko sa guard.

Bigla namang nagsalita si kuyang gitarista mula sa aking likod habang kinakain ang binili niyang streetfood. "Kuya Dong, Papasukin mo na 'yan. Naiwan niya kasi yung wallet niya sa loob ng banyo nila." Paala nito na tila matagal na silang magkakilala.

Dahil don, pinapasok na rin ako ng guard at daliang tinakbo ang banyo para tignan ang wallet ko kung nandon pa. -- "Oho, wala na dito yung wallet ko. Paano ako makakauwi, tangina!" Wika ko magisa sa loob ng banyo.

Hindi ko napansin na si kuyang gitarista pala ay nagaantay sa labas ng banyo dahilan para marinig ang aking nasabi.

"Sabay ka na akin, ako na muna magbabayad ng pamasahe mo". Aniya habang nakangiti sa akin at para bang natatawa.

"S-sige, pero babayaran rin kita bukas" Mabilis kong sagot dahil wala na akong choice kundi sumabay sa kanya para makauwi.

Lumabas na kaming dalawa sa loob ng unibersidad at naghantay ng masasakyan pauwi sa aming mga bahay. Bago pa kami makasakay, nagpasalamat na ako sa kanya dahil kung wala siya ay baka naglalakad na ako pauwi.

"Salamat po pala, kuya..." Aniko na bigla niyang putulin ang aking sinasabi.

"Toffy... Toffy nalang ang itawag mo sa akin" Sagot niya habang nakangiti sa akin at kitang kita ko ang kanyang pantay na mga ngipin at malalim na mga dimple.

"Sige kuya... Toffy pala" Aniko na medyo nagba-blush ang pisnge.

"Okay ka lang ba?" Aniya.

"Oo naman. Ako pala si Kimberly pero you can call me Kim nalang para maiksi lang" Pagiba ko ng usapan naming dalawa.

Matapos kong magpakilala ay biglang dumating ang isang tricycle at tumigil sa aming harapan. Nagulat ako ng ako ang una niyang pasakayin at tsaka siya pumasok. Halong kaba pa rin ang aking nararamdaman dahil hindi ko pa naman siya totally kilala.

"Dapat ako jan sa gilid since ako naman yung unang bababa sa ating dalawa" -- Aniko sa kanya habang dumudukot siya ng pera para pambayad sa aming dalawa.

Hindi ko na hinantay ang kanyang sagot at agad kong kinuha ang aking telepono para mag-browse saglit sa aking mga social media.

Gusto kong libangin ang sarili ko para hindi kami magkaroon ng paguusap dahil sobra na akong nahihiya sa kanya.

"Pwede bang magtanong?" Bigla nitong wika sa akin kaya medyo nagulat ako sa kanya.

"Ano po 'yon?" Maiksi kong tugon.

"Sino sa mga kaklase mo ang maga-audition sa amin bukas?" Aniya siguro para hindi magmukhang awkward ang loob ng tricycle.

"Hindi ko po alam e, 'di ko pa po kasi sila masyadong kilala" Magalang ma sagot ko sa kanya na agad naman niyang napansin.

"Huwag ka ng mag-po. Nakakatanda pakinggan, halos magka-age lang naman tayong dalawa". Pakiusap nito habang kumakamot sa kanyang ulo.

Hindi ko alam kung ano isisasagot ko. Tahimik lang akong nakaupo habang katabi siya. Amoy ko rin ang medyo matapang nitong pabango na bagay naman sa kanya na lalong nagbigay sa kanya ng kapogian.

"Oh jusko, patawarin mo ako. Magkakasala ata ako rito sa katabi ko" Wika ko sa aking isipan.

Aminado ako na may angking kapogian ang taong ito. Matangkad, Moreno, Malaki at makisig ang katawan at mabango. Turn-on ako sa mga lalaking mababango at malilinis ang kuko.

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon