KABANATA 6

44 7 4
                                    

Pagbukas ko ng pintuan ng clinic ay agad kong tinawag si Toffy sa hallway para makapag-pasalamat sa kanya.

"Toffy..." Mahinang sigaw ko sa kanya mula sa pintuan ng kwarto.

"Oh? May ipapabili ka pa ba?" Tanong nito habang nakangiti sa akin. -- "Ewan ko ba kung bakit laging nakangiti 'yang bwisit na 'yan"

"Uhm.. Ano... Gusto ko lang magpasalamat sa pagtulong mo sa kaibigan ko..." Medyo nahihiya kong wika sa kanya. Sabagay hindi naman kasi ako yung nahimatay. Anyway, -- "Napakabait mo talagang tao, --tapos..." Hindi ko na tinuloy dahil baka kung ano pa masabi ko

"Tapos ano... Pogi?" Pabiro na naman nitong dugtong. -- "Biro lang. Ano ka ba? Basta kaibigan mo kaibigan ko na 'rin." Dagdag pa nito habang tinapaik ako sa aking balikat ng dal'wang beses.

Tumalikod na siya at dumeretso sa cafeteria para bumili ng sandwich na ipapakain kay Trixie. Pumasok na 'rin ako sa loob para i-check ang kaibigan ko.

Pasado 10:24am palang ng tignan ko ang aking orasan kaya medyo matagal tagal pa ang pagtambay ko rito para samahan muna si Trixie.

"Gurl, About pala sa tumawag sayo kanina..." Hindi pa ako tapos na magsalita ng bigla niya itong putulin.

"Hayaan mo 'yon" Singit nito habang nagsasalita ako -- "Nagpapaawa lang 'yon kaya ganon" Aniya kaya naguluhan ako at may isang katanungan ang naglaro sa aking isipan.

"Magkaaway ba kayo sila? May problema? Bakit kaya galit siya sa kanyang nanay?"

Pagkaraan ng ilang minuto biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Toffy bitbit ang dalawang sandwich. -- "Oh, Tig-isa na kayo. Binilhan na 'rin kita baka kasi gutom ka na rin. Mahirap na" Wika naman nito habang inaabot sa aming dalawa ang sadwich na binili niya.

Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Siguro'y dahil mabait siya at tinulungan niya si Trixie. Napakaganda ng kanyang puso.

"Anyway, Toffy. May sasabihin sana ako 'wag ka sanang magagalit. Uhmm... Ganto kasi... Since nasa ganito akong sitwasyon. Gusto ko sanang umatras bilang isang vocalist ng banda niyo. Baka kasi hindi ko kayanin lalo't nagpapagaling pa ako" Aniya na bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot dahil sa nangyari.

"Ayos lang 'yon. Ang importante ay safe ka, tsaka madami pa namang iba jan na pwedeng sumalo sayo. Huwag mo ng isipin 'yon" Tugon ni Toffy habang iniisip kung sino ang ipapalit sa kanya.

"Si... Kim. Pwede mo siyang ipalit sa akin since marunong naman talaga siyang kumanta. To be honest, binalak rin naman niyang mag-audition kaso naunahan lang siya ng hiya at takot baka ma-reject." Suwestyon naman nito kay Toffy.

"Uy anong ako? Huwag na... Maghanap ka nalang ng iba, Tofffy. Tsaka big event 'yon nakakakab at nakakahiya. Uhmm... Madami namang nag-audition diba? Dun ka kumuha". Pagtatanggi ko sa binabalak ni Trixie na pangpalit sa kanya bilang vocalist.

Nagulat ako sa naging desisyon ni Trixie dahil nakikita ko kung paano niya pinursue ang pagsali sa bandang ito bilang isanh vocalist. Hindi ko rin inexpect na ako ang kanyang ire-rekomenda sa grupo nila.

"Okay lang ba, Kim? Since narito ka naman at ikaw yung ni-rekomenda ni Trixie. Bakit hindi mo subukan? Alam ko maraming susuporta sayo." Pagkukumbinsi ni Toffy para sumali akon sa kanilang banda.

"Okay lang ba na pag-isipan ko muna? Kasi ano... kinakabahan talaga ako dahil sobrang daming tao 'non panigurado. Bago mag-uwian, tsaka ko sasabihin sayo" Wika ko kay Toffy habang nagdadalawang isip sa aking magiging sagot.

"To be honest, this is the first na sasali ako sa big event like battle of the band. Kaya wala akong ideya kung ano ba ang mangyayari dito lalo't ako ang isa sa mga kakanta para sa nasabing banda. Pero isa itong priveleged para sakin dahil isa itong hakbang para tuparin ang aking pangarap na maging isang sikat na singer"

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon