KABANATA 13

22 3 0
                                    

KABANATA 13

Maraming tao ang nakalibot sa kanilang bahay at tila may pinaguusapan habang nakatingin roon. May ambulance at security rin akong nakitang nakatayo sa harap ng bahay nito.

Bumala na ako sa sasakyan at dalian akong tumakbo papapasok ng bahay ni Trixie ngunit pinigilan ako ng isang security guard. -- "Kaibigan po ako ng may-ari ng bahay. Ano pong nangyayare? Papasukin niyo ako sa loob".  Wika ko sa kanya habang pinipigilan ako ng nito.

Paglingon ko sa aking gilid ay napansin ko si Trixie na nakahiga sa isang ambulance stretchers na hinihila ng mga nurses papasok sa loob ng sasakyan. Wala itong malay at tadtad ng dugo ang kanyang kamay maging ang kanyang kasuotan.

"SHIT!!!" Sigaw ko ng makita ang kalagayan ng aking kaibigan. Agad naman akong nilapitan ni Toffy para alalayan. Inilagay niya ang kanyang braso sa aking balikat at niyakap. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'ito. Tanging takot at pangamba ang bumabalot sa aking katawanan.

"Everything is gonna be fine." Wika ni Toffy habang hinihimas ang likod ko. Tuluyan na ngang nakaalis ang ambulance para dalhin si Tirixe sa hospital.

"Pwede ba tayong sumunod sa hospital? Gusto kong malaman ang kalagayan ni Trixie." Tugon ko sa kanya habang unti unting tumutulo ang aking mga luha.

Nagsi-alisan naman ang mga tao na akala ko ay kapamilya ito ni Trixie ngunit hindi pala. Sinuot ko na ang aking helmet para sundan at tignan kung ano na bang kalagayan ng aking kaibigan. Bago pa kami naka-alis, may isang babae na dumating at may hawak na maleta.

"Magandang gabi, pwede mag-tanong? Dito po ba nakatira si Trixie Sandoval?" Tanong ng isang babae na pamilyar ang boses sa akin. Parang narinig ko na siya before pero baka kaparehas lang naman.

"Yes po, kaibigan ko po siya. Sino po kayo?" Tanong ko naman sa kanya.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin. -- "Ako si Betricia Sandoval, kanina ko pa kasi hinahanap yung bahay ng anak kong si Trixie. Ito lang naman yung tinutukoy ng address na binigay sa akin ng pinsan niya". Sagot naman nito sa aking tanong.

Laking gulat ko ng malaman kong nanay pala ito ni Trixie. Nabanggit kasi niya sa akin na, bakasyon pa lamang ay iniwan na siya ng kanyang tatay para mag-trabaho sa ibang bansa. Samantala wala na akong alam tungkol sa kaniyang nanay.

"Tita 'wag po sana kayong mabibigla... Si...Trixie po kasi... dinala ngayon sa hospital. Hindi pa naman po alam yung dahilan kaya balak po sana naming sumunod don para po malaman kung ano po ang kalagayan niya." Utal utal kong wika sa kanya habang kinakabahan sa magigimg reaskyon niya.

Matapos kong magsalita, kitang kita ko naman sa kanyang mukha ang bakas ng pag-aalala ng malaman niyang sinugod sa hospital ang kanyang anak. Namuo ang luha sa kanyang mga mata at unti-unti itong tumulo pababa sa kanyang pisnge.

"Pwede ko bang malaman kung saang hospital siya dinala? Gusto ko rin siyang puntahan para siguraduhin kung okay lang siya." Malungkot nitong tanong sa amin habang tumutulo ang kanyang mga luha.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Tita Betricia sa mga oras na ito. Masakit sa isang magulang na malaman na may masamamg nangyaring sa kanyang anak.

Matapos kong sabihin sa kanya ang lugar kung saang hospital dinala si Trixie. Ipinasok niya ang kanyang maleta sa loob ng bahay at daliang lumabas ng subdivision upang maghanap ng kanyang masasakyan patungo roon. Hindi na namin siya isinakay sa motorsiklo dahil bawal ang tatlong sakay sa sasakyan. Habang umaandar ang motorsiklo papunta sa hospital, hindi ko maiwasang mag-alala at magisip ng kung ano-anung mga bagay tungkol sa nangyari sa kanya.

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon