KABANATA 7

43 8 12
                                    

KABANATA 7

"Dito na ako sa labas, Uwian niyo na 'rin ba?" Message niya ngunit hindi ko na nireplyan. Pinuntahan ko na si Trixie sa may clinic para sunduin at ihatid sa kanila.

Pagkarating doon, nakita kong inaayos niya na ang kanyang gamit at saktong paalis na ito. -- "Uyy, Nanjan ka na pala" Aniya palabas ng kwarto.

"Hatid na kita sa inyo, Gurl. Para hindi na ako mag-alala sa'yo. Okay ka na ba?" Wika ko sa kanya habang inaalalayan ang kanyang mga gamit.

"Hala, nakakahiya naman sa'yo pero sige, salamat. Napakabait mo talagang kaibigan. Paano ka pala pag-uwi mo?" Tanong nito, kapwa kami naglalakad palabas ng campus.

"Uhm... Sasamahan rin daw kasi tayo ni Toffy para daw may kasabay ako pa-uwi. He insist naman kaya pumayag na rin ako" Paliwanag ko sa kanya.

Nakalabas na nga kaming dalawa sa aming campus. Inaalalayan ko si Trixie habang naglalakad ito. Napalingon ako sa may streetfoods at doon ko napansin si Toffy na nakaupo sa may gilid habang nagaabang.

"Kanina ka pa ba jan? Dinaanan ko pa kasi si Trixie sa clinic, e." Wika ko sa kanya ng makalapit kami sa kanya. -- "Ano tara na?" Pagaya ko sa kanya.

"Medyo, lang naman" Sagot niya sa akin. "Teka, okay ka na ba Trixie? Baka nagugutom ka? Kain muna tayo sa Mcdo kung gusto niyo, Treat ko." Nakangiti nitong suwestyon.

"Huwag na, Toffy. Gusto ko na rin magpahinga sa bahay. Siguro next time nalang kapag okay na ako" Pagtanggi nito sa kanya kaya nagsimula na kaming maghantay ng sasakyan. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Toffy at humanga.

"Sobrag bait mo talaga. Lagi mong sinu-sure na okay lang kaming dalawa. Kahit na ilang araw palang tayong magkakilala, ramdam kong totoo kang kaibigan samin. Ilan lang yung lalaki na nakilala kong kagaya mo" Wika ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha.

Saktong dumating ang walang sakay na tricycle sa aming harapan. Pinaupo noya kaming dalawa sa loob ay siya naman sa back ride. Inalalayan niyang makaupo si Trixie gayon din naman ako.

Habang umaandar ang tricycle papunta sa bahay ni Trixie. Nagulat ako sa tinanong ni Trixie sa'kin. Marahil siguro ay ayon ang kanyang napapansin.

"Gurl, Huwag ka sanang mao-offend ha. Ask ko lang kung anong meron sa inyong dalawa. Pansin ko kasing medyo nagiging closed na kayo sa isa't isa." Tanong nito sa akin.

"Ha?... Wala ah, Mag-kaibigan lang kami niyan tsaka siya naman nag-insist na sumana siya satin. Since, magkaparehas lang naman daw kami ng way pauwi" Paliwanag ko sa kanya na medyo natatawa dahil sa kanyang tanong.

Sumang-ayon naman si Trixie sa aking paliwanag kaya dito na natapos ang aming usapan. Medyo malayo ang kanilang bahay. Pumasok kami sa isang subdivision. --"Ang yaman pala nitong si Trixie. Naggagadahan ang kanilang mga bahay rito" -- Mangha kong ani sa aking sarili habang pinagmamasdan ang mga bahay.

Kalaunan ay huminto na 'rin ang saksakyan sa isang maganda at malaking bahay. Kulay silver ito at punong puno ng mga magagadang halaman.

"Dito na ba bahay niyo, Trix?" Wika ni Toffy ng makababa sa likod ng tricycle. Lumapit ito sa amin at inalalayan kaming bumaba lalo na si Trixie.

"Salamat" Aniya ni Trixie at sabay punta sa kanilang gate. Kinuha niya ang kanyang bag na hawak ko at isuksok ang kanyang kamay sa loob para hanapin ang susi.

"Wait, Ikaw lang mag-isa rito?" Pagtataka kong tanong sa kanya habang nakatingin sa kanyang bahay.

"Uhm... Actually oo, since nung bakasyon ako nalang natira dito sa bahay. Umalis kasi si papa para sa isang trabaho mula ibang bansa. Pero minsan nandito naman yung mga pinsan ko na sinasamahan ako tsaka isang tita ko". Sagot nito ng mabuksan ang gate at pinapasok kaming dalawa.

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon