KABANATA 4

53 10 26
                                    

Maaga akong nagising para makapag-asikaso kasi ngayon rin ang alis ni Papa papuntang cebu dahil sa prior meeting niya as engineer. Naka-pagluto at nakapag-handa na rin ako ng almusal bago umalis si papa.

"Anak, Aalis na ang Papa. Lagi kayong magi-ingat dito ha? Ang mga pintuan laging isara kapag matutulog na kayo!" Habilin ni papa ng matapos itong kumain ng umagahan.

Natuwa naman ako kay papa kaya ngumiti ako sa kanya.-- "Okay po papa" -- Sabay halik sa kanyang pisnge. "Magi-ingat ka ha?"

Ilang taon na ako pero sobrang sweet ko pa ri kay papa. Aminado ako na papa's amd mama's girl talaga ako. Siguro dahil napalaki nila ako ng maayos kaya naging sweet ako sa kanila.

Maaga kaming nagkita ni Trixie sa harap ng 7/11 para sa audition sa banda para sa nalalapit na "battle of the band".

"To be honest, Wala talaga akong balak mag-audition. Sobrang nahihiya talaga ako lalo na 2nd day palang natin ngayon" Aniko kay Trixie habang papunta kaming dalawa sa audition room.

Napansin kong konti lang ang mga may nais na sumali para sa event na ito. Marahil siguro ay nahihiya rin sila kagaya ko. -- "Hindi ka ba talaga magta-try?" -- Tanong ni Trixie sa'kin.

"Hindi na muna. Masyado akong mahiyain para sumabak agad jan sa patimpalak na 'yan" Wika ko sa kanya na halatang nagdadalawang isip pa.

Pumasok na nga si Trixie sa loob ng isang classroom kasama ang ilang mga nais mag-audition sa kanilang banda.

Lumabas muna ako saglit para tumambay sa labas habang hinihintay ko si Trixie matapos. -- "Hanggang anong oras kaya sila 'don? Sana pala hindi nalang ako sumama para hindi ako magmumukhang tanga dito sa labas" -- Wika ko na para bang isang baliw na kausap ang sarili.

Mula sa aking pagkakaupo, Tanaw ko ang mga studyante habang naglalaro ng volleyball para sa kanilang PE o Physical Health. Medyo mahangin dito kaya todo hawi ako sa aking mahabang buhok.

"Bakit ang aga mo? Mago-audition ka rin ba?" Isang pamilyar na boses ang aking narinig mula sa aking kanan. Tama, tama ang aking hinala. Si Toffy ito habang bitbit sa kanyang balikat ang kanyang itim na bag.

"H-hindi e, sinamahan ko lang yung kaibigan ko para mag-audition" Tugon ko naman sa kanya.

"Ah ganon ba? Sayang akala ko maga-audition ka. Feeling ko pa naman maganda boses mo" Wika naman niyo dahilan kung bakit ako natawa.

"Nakakatawa ka naman. Akala mo lang 'yon, Toffy" Maikling sagot ko sa kanya habang natatawa. -- " Anyway, yung about pala sa pamasahe ko kahapon. Babayaran ko na" Dagdag ko pa.

Tumingin lamang siya sa kanyang relo. -- "Mamaya na natin pag-usapan. Need na kasi ata ako sa loob para sa mga mago-audition" -- Mabilis nitong wika at sabay alis.

Hindi na ako nakapag-salita dahil malayo na rin siya mula sa kanyang pagmamadali. Umupo ako ulit sa pinagu-upuan ko at tinuloy ang panoorin sa mga naglalaro ng volleyball.

Mga ilang oras lang 'din ay agad na lumabas si Trixie mula sa loob ng classroom bitbit ang napakasaya nito mukha at malalaking ngiti sa kanyang labi.

"Ang ganda ng ngiti natin ngayon ah?" Masayang wika ko sa kanya habang palapit sa akin.

"Natanggap ako at official vocalist na ako ng banda nila na "The harmony"". Aniya na sobrang saya dahil sa magandang balita.

Masaya ako para sa kanya. -- "Congrat's, Girl. You deserve it. Sabi ko na e, matatanggap ka dahil sa angelic voice mo!" Masayang tugon ko sa kanya.

Paalis na kami ni Trixie ng bigla kong marinig ang aking pangalan habang isinisigaw ng isang lalaki.

"KIMBERLY"

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon