KABANATA 10

40 7 7
                                    

Kabanata 10

Habang naglalakad, nagulat ako ng may biglang humawak sa aking braso kaya agad akong napalingon rito. -- "Binatawan mo 'ko toffy, nasasaktan ako" Wika ko rito habang unti unting lumilinngon sa kanya.

"Anong Toffy pinagsasabi mo jan? Ako 'to si Trixie, Jusko" Tawang tawa nitong sagot sa akin matapos niyang marinig ang pagiging assuming ko. -- "Anyway, Hatid ka na daw ni Toffy sa inyo kasi baka matagalan ka pa daw maghantay ng masasakyan mo kasi wala daw masasakyan ngayon" dagdag pa niya.

Hindi ako pumayag sa kanyang suwestyon dahil ayokong umaangkas kahit kaninong lalaki bukod kay papa at kay kuya. -- "Kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal. Kahit umabot pa ako dito ng gabi kakahantay. Never akong sasakay at aangkas sa kanya" Pagmamatigas kong sagot kay Trixie kaya agad niya itong sinabi kay Toffy.

Kasalukuyang nagiging mesenger si Trixie dahil medyo malayo ako mula sa kinauupuan ni Toffy dahil sinadya ko talaga ito dahil ayokong makita ang pagmumukha niya. Maya maya pa ay nauna ng umuwi si Trixie dahil nandon sa kaniyang bahay ang kanyang mga pinsan. Pasado 5:30 na ng hapon ngunit wala pa rin akong masakyan simula kaninang 4:30. Tama nga siguro ang kanyang sinasabi na mahirap maghanap ng sasakyan ngayon. -- "Malay mo mayroon na ngayong masasakyan". Naglakad lakad ako saglit at sinubukang maghanap ng masasakyan ngunit wala talaga.

Ilang minuto pa ay nilapitan na ako ni Toffy na kanina pa naghahantay sa akin. -- "Sabi ko naman kasi sa 'yo na mahirap maghanap ng sasakyan ngayon e" Malambing nitong wika sa akin habang nakatayo sa aking likuran. Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil ayoko talagang umangkas sa kanya. Nagmatigas pa rin akong nakatayo at naghahantay ng masasakyan pauwi sa amin.

"Sakay ka na kasi sa motor ko para makauwi ka na. Hindi naman kita ililigaw e. Tsaka anong oras na oh, medyo madilim na" Malambing na wika pa rin nito sa akin.

"Bakit ba ang kulit mo, sinabi ko na nga dibang ayokong umangkas sa 'yo! Ayokong makita 'yang pagmumukha mo. baka kung ano pa isipin sa 'kin ng mga fans mo lalo na ng girlfriend mo!" Inis kong bulyaw sa kanya na kanina pa naipon simula sa cafeteria.

Hindi ko alam pero bigla nalang siyang natawa sa aking sinabi. -- "Anong girlfriend 'yang pinagsasabi mo? Wala akong girlfriend, okay? Wala!" Maikling paliwanag nito habang naka-ngiti. -- "Tsaka nga pala about sa mga masasakit na sinabi ng mga tao kanina sa 'yo nung inakbayan kita kanina. I'm really really sorry. Hindi ko talaga sinasadya na maging ganon yimung tingin nila sa'yo" Mahabang dagdag na paliwanag pa nito.

"Walang girlfriend??? Kaya pala nagmamadaling lumapit sa akin si Samantha Louise Lopez para sabihing 'wag ko daw landiin yung nag-iisang boyfriend niya." Inis na inis kong bulyaw sa kanya dahil ayoko talaga sa mga sinungaling. Hindi ko rin alam kung anong point ng galit ko sa kanya kaya tumahimik nalang ako.

Nagulat lamang siya ng marinig niya ang pangalan ng binaggit ko at nanahimik ito. Kapwa kami parehas na nanahimik tanging sasakyan na dumadaan lamang ang maririnig mo.

Sa aming kalagitnaan, bigla akong naka-recieve ng tawag mula kay mama. -- "Hello, Anak. Nasaan ka na? Anong oras na ah, ba't di ka pa umuuwi..." Hindi pa tapos si Mama magsalit ng biglang namatay ang cellphone ko dahil lowbat na ito. Kinabahan ako dahil baka magaalala sila sa akin kaya sinubukan ko ulit maghanap ng masasakyan ngunit wala talaga akong mahanap.

Naisip ko bigla na gamitin ang pagkakataon na umangkas kay Toffy para mabilis na makauwi sa aming bahay dahil ayokong mag-aalala silang lahat sa 'kin. Hindi pa ako nagsasalita ng bigla niyang iaabot sa akin ang isang helmet at sumakay agad ito sa kanyang motorsiklo. Marahil ay narinig niya ang usapan namin ni Mama. Hindi ko na inisip kung narinig na niya or hindi basta sumakay nalang ako sa kanyang motorsiklo at agad niya itong pinaandar.

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon