KABANATA 11

31 6 3
                                    

KABANATA 11

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nagchat sa akin at nakaramdam ako ng kaunting kilig matapos kong mabasa ito. Itinigil ko muna saglit ang aking ginagawa at napahiga sa aking malambot na higaan dahil sa kilig; - napayakap ako sa aking malaki at malambot na human teady bear.

"Hi, Kim. Kamusta ka na?" Isang mensahe mula sa dati kong kaklase na naging secret crush ko noon.

"Uy, Okay lang naman. Ikaw ba, Kamusta? Reply ko naman sa kanya habang nakahiga sa aking higaan.

"Okay lang rin naman, medyo stress lang sa school works and stuffs pero kinakaya naman." Mahabang reply niya.

Hindi ko inaasahan na makakatanggap rin ako ng mensahe mula kay Toffy kaya ko muna ito nireplyan. -- "Salamat pala kanina, Sobrang bait ng pamilya mo" Mensahe ni Toffy sa akin.

"Ah wala iyon, ganon talaga yung mga 'yon." Naisip kong i-reply sa kanya.

Hindi ko napansin na humahaba na pala ang usapan naming dalawa ni Toffy at nakalimutan kong ka-usap ko rin pala ang dati kong crush. Mas naging comfortable na kaming dalawang mag-usap sa chats dahil napag-uusapan namin ang school stuffs and everything. -- "Pwede ba kitang sunduin sa monday ng umaga bago pumasok. Gusto sana kitang isabay papasok ng school, e." Bigla namang pag-aya nito sa akin.

Ilang minuto rin akong hindi nag-reply sa kanya dahil sa totoo lang; ayoko talagang umangkas sa kanya papuntang school dahil ayoko ng makarinig ng kung ano anong usapan about sa aming dalawa. -- "Salamat Toffy, pero... gusto ko munang umiwas sa issue nila sa atin. Kaya ko namang mamasahe papasok mg school tsaka huwag mo na akong intindihin, Sorry!"

"Naiintindihan ko naman po" Maikling reply nito na senyales na nagkakaintindihan talaga kaming dalawa.

Mahigit isang oras at kalahati na kaming magka-chat. Hindi ko iyon napansin hanggang sa makaramdam ako ng antok kaya nagpaalam na ako sa kanya upang maka-tulog na ako.

Pasado alas-dyes na ng gabi ng ako nakatulog dahil sa sobrang pagod ko buong araw. Nakalimutan ko ng bunutin sa saksakan ang charger ko at naiwan ko ring bukas ang pintuan ng kwarto ko.

Kinabukasan, maaga akong ginising ni Mama para mag-asikaso dahil maaga itong aalis kasama si Papa. Sabado ngayon at wala akong gagawin. -- "Kimberly, bumangon ka na dyan. May bisita ka dito sa labas" Wika ni mama habang ginigising ako sa aking pagkakatulog.

Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya agad kong minulat ang aking mata at daliang bumangon para tignan kung sino ang kanyang sinasabi. -- "Trixie??? Anong ginagawa mo rito?" Malakas na sigaw ko mula sa taas habang nakatingin sa baba. -- "Paano mo nalaman 'tong bahay namin" Pagtataka kong tanong sa kanya habang pababa ng hagdanan.

Sa pagkakaalam ko kasi ay si Toffy lang ang unang nakapunta rito sa aming bahay dahil maglapit lang naman ang bahay namin.

"Actually... Hindi lang ako yung nandito. Kasama ko rin pala si Toffy." Sabay turo sa labas kung nasaan si Toffy nakatayo. Nasa labas ito habang nakaupo sa kanyang motorsiklo. -- "I ask him kasi kung saan ka nakatira since sabay kayo lagi umiwi" Dagdag pa nito ng tuluyan ko siyang malapitan.

Alam kong sabado ngayon pero hindi ko sigurado kung bakit sila nandito. Muli akong bumalik sa aking kwarto para magpalit ng aking damit dahil kagabi ko pa ito suot suot. Pagbalik ko sa sala, nakita kong nasa loob na si Toffy marahil ay pinapasok ito ni Mama bago umalis.

"Ano palang ginagawa niyo rito sa bahay? Ang aga aga niyo namang mabulabog" Pabiro kong tanong sa kay Trixie at pabaling kong iwas na tingin kay Toffy.

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon