KABANATA 15

15 2 0
                                    

KABANATA 15

"Kim... May gusto sana akong sabihin sa 'yo na ilang araw ko ng pinaghahandaan." Wika niya sa habang ang kanyang mata ay naka-titig lang sa akin.

Nakaramdam ako ng konting kaba dahil naging seryoso ang mukha nito. Ang kanyang mga mata ay parang nangungusap at tila nagsasabi na tumingin rin ako sa kanya gaya ng ginagawa niya.

Ibinaling ko ang aking panigin sa mga batang nagtatakbuhan at laking gulat ko ng bigla niyang hatakin ang aking kamay dahilan kung bakit ako napatumba at kaagad niyang nasalo.

"Ayos ka ang ba?" Mabilis nitong tanong matapos akong iiwas mula sa batang nagba-bike.

"A-Ah Oo ayos lang ako. Ano nga u-ulit yung sinasabi mo?" Utal kong sagot sa kanya habang inaayos ko ang aking nagulong damit.

Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang malalim nitong paghinga at sinimulang ibuka ang kanyang bibig at sinabing...

"Uhm... I just wanna tell you that... Uh... Yeah. I like you. I really really like you, Kim. I don't know if napapansin mo but I do. I can't explain. Basta I feel happy whenever I'm with you... Parang buong buo ang araw ko kapag nakakasama kita...Gustong gusto kong pinapanood ang mga ngiti mo. Ikaw lang nagparamdam sa akin ng ganito. Damn, I hate confession pero hindi ko na kayang i-keep pa yung nararamdaman ko para sa'yo, Kim. I like you... that's it. No explanation." Nauutal nitong pag-amin habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa kanyang sinabi kaya agad kong kinuha ang kanyang mga kamay.

"Toffy, I admire you for this and I am thankful kasi ganyan mo ako nakikita kapag magkasama tayo. Thank you for telling me na may nararamdaman ka sa'kin. Hindi ko alam ang isasagot ko sa confession mo pero... pero... may isa lang akong sasabihin sa'yo..." Putol na sagot ko ng bigla itong nagtanong

"A-ano 'yon?" Malalim nitong tanong.

Hawak hawak ko pa rim ang kanyang mga kamay at dahang dahang tumitig sa kanya at ngumiti.

"Please 'wag mo akong sasaktan. Marupok ang puso ko, Toffy. Kapag sinabi mong ako lang... Maniniwala ako. Salamat" Medyo naluha ako ng banggitin ko ito sa kanya ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit at sa pagkakataong ito ay ramdam ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko; masaya, kinikilig at natatakot. Masaya at kinilig ako dahil finally, may lalaking umamin sa sakin na gusto niya ako at ramdam ko ang totoo ang sinasabi nito. Syempre, natatakot ako na baka masaktan ako.

"Salamat, Kim. Pangako ko sa'yo na hinding hindi kita sasaktan. Ipaparamdam ko sa'yo na seryoso at totoo ang nararamdaman ko para sa'yo." Wika niya habang nakayakap sa akin at himihimas ang aking buhok.

"Yieee, Sila ate at kuya. Nagyayakapan." Wika ng isang bata na kanina pa pala nakatingin sa amin habang naglalaro ito.

Agad akong kumalas sa kanyang pagkakayakap at tumingin sa mga cute na bata na kanina pa pala nakatingin sa amin.

"Ang cu-cute niyo naman. Parang si ate kim niyo" Sagot ni Toffy sa mga bata habang nakangiti na nakikipag-kulitan sa mga ito.

"YIEEEEEE" Sigaw ng mga bata at sabay na nagtakbuhan.

Saktong paglingon ko sa aking likuran ay nakita ko ang isang vendor na nagtitinda ng mga streetfoods gaya ng fishball at mga kwekkwek. Napansin ito ni Toffy kaya agad niya akong niyaya rito.

"Ilan ba gusto mo 'nyan?" Tanong niya sa akin habang dinudukot niya ang kanyang wallet sa kanyang bulsa.

"U-uhm... kahit mga twenty pesos lang ayos na 'yon." Naka-ngiti kong sagot sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon