KABANATA 14

13 1 0
                                    

KABANATA 14

"May gusto sana akong sabihin sayo kaso nahihiya ako kaya kumukuha pa ako ng lakas ng loob para sabihin ito sayo"

Lumaki ang aking mga mata ng mabasa ko ang mensaheng ito. Hindi ko inaasahan na makaka-tanggap ako ng ganito mula sa kanya. Hinayaan ko na lang ito at ka-agad na nagpahinga at natulog.

Kinabukasan, sunday, maaga akong nagising para maglaba at maglinis dahil ito lang ang time ko para gawin ang mga ito. Bumangon ako sa aking malambot na higaan para makaligo. Pagkatapos, inumpisahan ko ng maglinis habang nagpapa-tugtog ng paborito kong kanta. Muli ko na namang naalala ang nangyari sa kaibigan kong si Trixie. -- "Sana maging okay na si girl ngayon, Lord please!" Maikling wika ko matapos kong makapag-walis.

Pumunta na ako sa likod ng bahay upang makapag-salang ng labahin sa washing machine habang tinatapos ang pagli-linis.

Habang nagsasalang ng labahin "If you mad stay mad we not alike, S-A-V-A-G-E keep it pretty pretty savage" Mahinang sabay ko sa kanta ng blankpink na aking pinapa-tugtog habang nakatayo sa harap ng washing.

Bumalik ako ulit ako sa sala para ituloy ang aking pagli-linis. Nagulat ako ng biglang tumunog ang doorbel. -- "Sino naman kaya iyon? Alas nuebe pa lang ng umaga ah, baka kaibigan na naman ni kuyang mahilig maglaro ng online games." Salita ko at agad na tinungo ang labas para tignan.

"Anong ginagawa mo dito, Toffy?!" Gulat kong tanong sa kanya ng makita ko siyang naka-tayo sa harap ng aming gate.

Nilabas ko ito at agad na pinag-buksan para maka-pasok sa loob ng aming bahay.

"Anong meron?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala naman, may ginagawa ka ba ngayon?" Sagot naman nito ng makapasok.

"Naglilinis at naglalaba ng damit since sunday naman ngayon at walang ginagawa" Sagot ko naman sa kanya na bakas pa rin ang pagta-taka.

Wala akong ideya kung bakit narito siya ng ganito kaaga sa aming bahay. Pumunta ako sa kwarto para makapag-ayos ng mukha, feeling ko kasi sobrang hagard ko na dahil sa ginagawa ko.

Mga ilang minuto lang ay bumaba na ako sa baba at laking gulat ko ng makitang kausap niya ang aking tatay sa sala at mukhang seryoso silang dalawa.

"Gising ka na pala, Papa. Si Toffy po pala, medyo kakarating lang po niya" Salita ko na halatang kinakabahan dahil sa itsura ni papa.

"Aalis na ba kayo?" Tanong ni Papa.

"Huh?" Gulat ko na namang sagot sa harap ni Papa at ni Toffy.

"Nag-paalam kasi itong si Toffy sa akin kung pwede ka ba daw niyang yayaing mamasyal." Sagot ni papa habang nakahawak sa balikat ni Toffy na para bang panatag ito at tilang walang problema sa kanya.

Hindi ko alam pero ramdam ko ang pag-init ng aking pisnge at unti unting ngumi-ngiti ang aking labi dahil sa aking narinig. -- "A-ah... Oo... Nakalimutan ko... Wait... Bihis muna ako sa taas" Nauutal utal kong tugon sa kanila at agad na tumakbo sa aking kwarto.

Pagka-pasok ko sa aking kwarto. Sinara ko ito at tumayo sa likuran ng pintuan. -- "Putangina, Totoo ba? Okay lang kay papa? Shet!!! Saan naman kami pupunta?" Wika ko sa loob ng aking kwarto na ako lang ang nakakarinig.

Lumakad ako sa harap ng aking damitan at namili ng aking susuotin. Pinag-iisapan ko pa kung strawberry pink dress with 2 inch heels ba o tshirt and pants with white rubber shoes ang aking susuotin. Makalipas ang isang minuto, pinili ko ang strawberry pink dress para naman casual akong tignan.

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon