KABANATA 8

43 5 6
                                    

KABANATA 8

Kinabukasan, Nagising ako dahil sa malakas na tunog mula sa aking alarm clock. Bumangon ako at agad itong pinatay. --Kinusot ko ang aking mga mata at nagunat-unat. Sumilip ako sa labas muka sa aking bintana. Kitang kita ko ang magandang panahon. Mga batang nagsisi-pasok sa kani-kanilang mga paraalan.

Tumayo na ako para lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa aming kusino. Binuksan ang ref at naghanap ng maluluto para sa aming almusal. -- "Wala na bang iba? Puro itlog nalang nakikita ko rito"

Tumingin ako sa bandang baba at nakita ko ang kimchi na nakalagay sa isang tupperware. Kinuha ko ito at inilagay sa ibabaw ng lamesa. Nagluto ako ng sinangag at nagtimpla ng kape.

Pagkatapos ay naligo muna ako bago kumain. Habang nakaharap sa salamin, muli ko na namang binati ang aking sarili. "Napaka-gandang babae naman nitong nasa aking harap"

Palagi akong kumakanta habang naliligo. Nasanay ako sa ganitong set-up tuwing naliligo. Naalala ko noong bata pa ako, --Lagi akong tinuturuang kumanta ni papa sa aming simpleng videoke. Masaya akong balikan ang ganoong panyayare ngunit nalungkot rin ako dahil hindi na nangyayari ito simula ng ma-busy si papa sa kanyang trabaho.

Natapos na rin akong maligo, kumain at nag-ayos ng mukha para magmukhang elegante. Lumabas ako ng bahay ngunit nabigla ako ng may nakita akong lalaki na nakasakay sa kanyang motorsiklo.

Binaba niya ang kanyang suot na helmet at ahad tumambad sa aking harapan amg mukha ni Toffy na medyo magulo ang kaniyang buhok dahil sa suot na helmet.

"Gusto mo bang sumabay papasok ng school?" Aniya habang hinahamas ang upuan ng kanyang motorsiklo na para bang nangaakit.

"Sorry pero 'wag na, maghahantay nalang ako ng tricycle" Sagot ko sa kanya at nagsimulang maglakad para maghantay at maghanap ng sasakyan.

"Ayaw mo ba? Para sana hindi ka na mamasahe. Sayang din yung almost 30 na pamasahe mo." Malungkot nitong tanong sa akin dahil hindi niya ako mapilit na sumakay sa motorsiklo niya.

"Sorry ah, pero hindi kasi ako umaangkas sa kung sino sino. Baka kasi kung ano isipin ng mga taong makakakita. Una ka nalang siguro" Paliwanag ko naman sa kanya. Mayamaya lang ay may huminto ng tricycle sa aking harapan. -- "Sige una na ako, kita kits nalang sa campus, Ingat!" Sigaw ko sa kanya bago pa ako makasakay ng tuluyan.

"Hindi ko talaga ugali na umangkas ng motorsiklo ng basta basta at kung kani-kanino. Well, hindi naman nila ako masisisi dahil nasanay akong si papa or si kuya lang ang aking inaangkasan, the rest, wala na. Medyo nakaramdam ako ng hiya para kay Toffy dahil alam kong nag-effort ito para sunduin ako papasok ng campus. To be honest, hindi mo talaga ako mapapa-angkas. Unless, Asawa kita or papa at kuya kita. Hindi naman siguro pare-parehas ang lahat ng mga babae" Aniko sa sarilo habang nakatingin s amaliit na salamin.

Nang makarating ako sa harap ng aming campus. Agad kong napasin ang sasakyan ni Toffy na nakaparada sa loob na may dalawang helmet.

Hindi ko na inisip kong sino gumanit 'non or para kanino 'yon kaya dumeretso na ako agad sa aming classroom. Nadatnan kong nakaupo si Trixie sa kanyang upuan habang may binabasa sa kanyang telepono.

"Goodmoring, Gurl. Kamusta ka na? Okay na ba ang pakiramdam mo?" Magandang bati ko sa kanya pagtapos ay nakipag-beso-beso ako sa kanya. Napalingon ako sa kanyang binabasa kaya agad ko itong tinanong.

"Goodmorning din, Gurl" Bati rin naman nito. -- "Ano pala 'yang binabasa mo?" Tanong ko naman sa kanya agad..

"A-ah wala 'to, nag-scroll lang ako tapos napunta ako sa page na 'to" Medyo utal niyang tugon sa'kin.

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon