KABANATA 9

30 6 9
                                    

KABANATA 9

Naglabasan na nga kaming lahat at sabay sabay na pumunta sa cafeteria para bumili ng aming makakain. Sumabay narin sa 'min ni Trixie si Toffy papasok sa loob ng cafeteria. Nagulat ako ng bigla akong akbayan nito at ikinagulat ito ng mga taong nasa loob na nakikita sa kanyang ginawa.

"Omg... Jowa ba 'yan ni Toffy?"

"Siguro. Lagi ko silang nakikita sa labas ng campus e"

"Diba freshman palang si Girl na bagong vocalist ng banda 99nila?"

"Alam kaya ng magulang niya na lumalandi siya rito sa campus imbes na mag-aral?"

Bulong bulongan ng mga studyante matapos nilang makita ang pag-akbay ni toffy sa'kin. Nagulat ako sa aking mga narinig mula sa kanila. Agad na kumunot ang aking nuo at napa-tingin kay Toffy habang naka-akbay ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Toffy... Ano ba?" Inis kong wika sa kanya habang inaalis ko ang kanyang kamay na naka-akbay sa akin. -- "Nakakainis ka naman" dagdag ko pa.

"Bakit? Anong problema? Inakbayan ka lang naman ah..." Sagot naman niya na para bang wala lang sa kanya ang kanyang ginawa. Hindi ko malaman kong binge ba siya or nagbibingi-bingihan o nangiinis lang talaga.

"Ano ba sa tingin mo 'yang ginagawa mo ha? Bakit mo 'ko inakbayan sa harap ng maraming tao?" Galit na wika ko sa kanya dahil sa aking narinig ma usapan ng ilang mga studyante.

"Teka..." Sigaw niya habang naglalakad ng mabagal para sundan ako.

Bago pa ako makalabas ng cafeteria, -- kung ano ano na namang narinig kong usapan malapit sa pintuan ng aming cafeteria. Lalo akong nainis at sa hindi ko namalayan ay unti unti na ring tumulo ang luha ko sa aking pisnge.

"Attitude si girl oh"

"Akala mo ang maganda e"

"Ganyan ba talaga mga freshman ngayon?"

"Mga feeling magaganda porket ka-banda si Toffy"

Sobra akong nasaktan sa aking mga narinig kaya agad akong tumakbo palabas ng cafeteria at dumeretso sa loob ng cr. Dito ko nilabas ang sama ng loob mula sa mga masasakit na salitang binitawan nila tungkol sa akin.

"Gurl... Si Trixie 'to. Okay ka lang ba?" Wika ni Trixie habang papasok sa loob ng cr kasabay ang ilang mga studyante. -- "Hantayin kita dito sa harap ng salamin ha. Alam kong hindi ka okay" Dagdag na wika pa nito.

"Yuh... I'm okay..." Sagot ko sa kanya habang umiiyak at humihikbi ng mahina. -- "Hindi muna ako papasok ng next subject, Trixie. Pasabi nalang kay Maam Sacramiento na sobrang sakit ng tyan ko."

"Gurl... I know you! Kung hindi ka papasok, hindi na rin ako papasok. Ayokong iwan ka mag-isa dito lalo na sa ganyang sitwasyon mo!" Aniya niya akin habang sina-sarado ang pintuan ng makitang nagsilabasan ang ibang babaeng nasa loob nito. "Anyways, nasa labas pa pala si Toffy, Gusto ka raw niya kausapin sandali."

"I don't want to talk to him, Trix. Just tell him na pumasok na siya sa classroom niya. Huwag na siyang magsayang ng oras kaka-hantay sa akin kasi 'di rin ako lalabas hangga't nanjaan siya dahil ayokong makita ang pagmumukha niya" Sagot ko naman sa kanya na medyo humihikbi pa dahil sa aking pag-iyak.

Tumingin lang ako sa harap ng salamin. -- "Tangina... I really don't get the point na inakbayan lang naman ako ni Toffy tapos galit na galit na agad silang lahat sa akin, ang masakit pa, kung ano ano pa yung naririnig ko mula sa kanila. Ganon nalang ba yung galit nila sa akin kasi inakbayan ako? " Mahina kong wika sa loob ng banyo habang nakaharap sa aking sarili sa salamin.

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon