KABANATA 5

45 6 5
                                    

Kinabukasan, Maaga na naman akong nagising para mag-asikaso sa aking pag-pasok. Dito ko na unti-unting nararamdaman na medyo mahirap palang mag-college lalo na kapag pang-umaga pa.

Hindi na ako nagsuot ng uniform dahil every wednesday ay pinapayagan kaming magsuot ng kahit anong pang-alis. Syempre hindi pwede yung labas pwet naming mga babae, -- Yung dibdib, I mean.

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Bago pa ako makaligo ay kitang kita ko sa malaiit na salamin ang aking kagandahan. -- "That's my bitch" Wika ko sa aking sarili. Habang pinagmamasdan ko ang aking mukha. Bigla namang pumasok sa aking isipan ang nangyare kagabi nung nasa streetfood kami ni Toffy.

"SHEMAY!!! Ang aga aga yun agad naiisip mo? Na-imagine ko bigla yung mukha niya habang pinupunasan ang sause sa aking baba. Aaarggghhh, Ano ka ba, Kim? Tigilan mo nga 'yan. Pigilan mo! Hindi pwede 'yan! HINDI PWEDE YAN!!!" Wika ko sa babae na nasa harapan ko.

Sinumulan ko na ngang maligo. Naisipan kong gumamit ng shower kaya naman binuksan ko ito. Matapos kong maligo, naglagay ako ng tapis at nagtungo sa aking kwarto para mamili ng aking susuotin.

"Ano kaya mas bagay sa pantalon na 'to? Uhmmmm... Sige itong pink nalang, bagay naman sa akin 'to" Salita ko habang mag-isa sa aking kwarto.

Natapos na akong magbihis kaya agad akong pumunta sa aming kusina para mag-almusal. Naka-ready na ang pagkain dahil mas maagang nagigising sa akin si mama. Sobrang sarap ng aming almusal. Scrambled egg, Fried chicken, Fried rice at ang favorite naming kimchi.

Minadali ko na ang pagkain ko para makapag-ayos na rin ako ng aking mukha. Kilat ay liptint lang naman ang aking routine since nasa college pa naman ako. Tsaka ayoko rin masabihan ng ibang tao na para na akong pokpok dahil sa make-up ko.

Natapos na ako sa lahat ng aking dapat gawin. Napag-desisyunan ko ng pumasok. Ganto lang lagi routine ng umaga ko. Maliligo, magbibihis, kakain, magsisipilyo, at maghahantay ng tricycle para pumasok.

May huminto ng tricycle sa aking harapin. Ngunit ng aking tignan ang loob, laking gulat ko ng makita kong nakaupo sa loob si Toffy habang naka-earphone.

"Hi, Goodmorning" Bati nito sa akin habang paupo ako sa kanyang tabi. Hindi ko talaga alan kung nagkataon ba pero hindi ko na ito pinansin.

"Goodmorning din" Naka-ngiti kong bati naman sa kanya. -- "Sobrang bango naman nitong lalaki na 'to. Siguro may pinopormahan siya sa school" Sa isip isip kong sabi.

"Baka matunaw ako n'yan, Sige ka!" Pabiro nitong wika ng mapansin akong nakatitig sa kanyang mukha.

"Ang kapal mo naman, 'di naman ako sayo nakatingin. Duh!!!" Masungit kong sagot sa kanya.

"Sus, kunwari ka pa. Naga-gwapuhan ka lang sakin e" Dagdag pa nito na lalo kong kinainis. -- Hindi na ako nagsalita dahil baka kung ano pang masabi ko dahil sa inis.

"Ang kapal naman ng mukha nito. Nakatingin lang sa kanya; feeling niya may gusto na ka-agad sa kanya? Oho, ang aga aga. Huwag niya akong simulan"

Hindi ko maintindihan kung bakit ako naiinis sa biro niya. Kinuha ko nalang ang earphone ko at nagpatugtog.

"Uyy, Binibiro ka lang, Binibining Kim" Wika nito habang ikinakabit ko ang aking earphone sa aking tenga. Napansin rin niya siguro na nainis ako ng konti sa kanyang sinabi.

Nginitian ko lang siya at pin-lay ang music.

Napansin kong ngumi-ngiti ito kahit sa iba ako nakatingin. -- "Ano kayang nginingiti nitong mo'kong na 'to" Wika ko sa aking sarili.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa harapan ng aming unibersidad. -- Maingay, matao at maraming nagsisigawan.

Binuksan ko ang aking telepono para i-chat si Trixie kung nasa school na rin ba siya. Ngunut hindi pa ito nago-online simula kagabi. Nagtaka ako, kaya chinat ko ito kahit na hindi pa nago-online.

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon