KABANATA 12

34 5 8
                                    

KABANATA 12

Magkaharapan kaming tatlo at medyo feel at home kami sa lugar na ito dahil sobrang relaxing talaga. The architecture, the design at mga quotation na naka-dislay ang nagbigay buhay sa shop na ito

Masaya kaming nagkwe-kwentuhan sa loob ng milktea shop. May iba't ibang flavor ng tea at palibre pang nachos since opening naman ng bagong store.

Pasado alas singko na ng hapon ng ma-isipan kong umuwi ng bahay dahil baka nakauwi na sila mama at papa galing sa mahalagang lakad nila. -- "Uy girl, alas singko na pala ng hapon, loka ka! Uwi na ako, baka hinahanap na rin ako sa bahay." Paalam ko sa kanya habang inaayos ko ang aking sarili. -- "Pasabi nalang kay tita na uuwi na ako. Salamat rin kamo sa palibreng milktea at nachos. Sobrang sarap"

Lumabas na ako ng store para maghanap ng masasakyan ng biglang nagsalita si Toffy sa aking likuran na kanina pa palang nakasunod sa akin. -- "Uuwi ka na rin? Akala ko mags-stay ka pa 'don hanggang mamaya." Pagtataka kong tanong sa kanya.

"Uuwi ka na kasi... kaya uuwi na rin ako. Ano pang silbe ng pagtambay ko 'don diba kung wala ka naman." Banat na sagot nito. Hindi ko alam pero medyo kinilig ako pero hindi ko naman pinahalata.

Naglakad-lakad kaming dalawa malapit sa plaza para maghanap ng masasakyan dahil dito mas marami ang sasakyan pauwi sa amin. Medyo nauuna akong maglakad sa kanya dahil sa sobrnag bagal nitong maglakad. -- "Ang bagal mo namang maglakad! Iwan kita dyan!" Pagsusungit ko sa kanya habang naglalakad. 

"Ayokong bilisan maglakad kasi gutso ko pang i-enjoy yung araw na 'to na kasama ka. Tsaka ayaw mo ' non? Buong maghapon tayo magkasama?" Pangaasar nitong wika habang pumapantay sa aking paglalakad.

"Ang corny mo!" Masungit kong tugon.

Hindi ko na siya pinansin dahil sobrang namumula na yata ang pisnge ko dahil sa bwisit niyang banat. Naglakad pa kami ng naglakad hanggang sa narating na namin ang terminal ng aming sasakyan pauwi. Sobrang init sa mga oras na ito kaya grabe ang tagiktik ng pawis ko. Sinusubukan kong punasan ang aking pawis sa nuo gamit ang aking malinis na palad. -- "Hay nako, Kim. Dapat kasi nagdadala ka ng sarili mong panyo e. Para hindi 'yang palad mo ang ginagamit mo!" Wika nito sabay punas ng pawis ko gamit ang kanyang itim na pano.

Napa-isip ako kung ilang itim na panyo ba ang mayroon ito. Marahil ay paborito lamang niya ang kulay na ito kaya bumili ito ng maraming itim na panyo.

"Ako na... Kaya ko naman!" Wika ko sa kanya sabay kuha sa kanyang malinis na panyo. Medyo nakaramdam ako ng hiya kaya umiwas ako ng tingin sa kanya at sinimulang punasan ang pawis ko.

I really don't get the point bakit sobrang sweet sa akin ng taong 'to. Mas lalo ko tuloy napapatunayan sa sarili ko na unti unti na akong nahuhulog talaga sa kanya hindi dahil sa pogi siya, campus heartthrub siya, kundi dahil sa pagiging mabait at sweet nito. Inakala kong hindi ako makakahanap ng ganitong klaseng lalaki ngayon sa mundo. I mean, mayroon pa naman pero kakaunti nalang.

Kasalukuyan kaming naka-upo sa loob ng sasakyan habang naghihintay pa ng ibang mga pasahero. Napansin kong panay ang tingin ng dalawang babae sa amin kaya nilingon ko si Toffy. Grabe ang pawis sa pumapatak sa gilid ng kanyang mukha dahil sa sobrang init. Basang basa na rin ang kanyang likod dahil rin sa pawis.

"Kaya pala tingin ng tingin 'tong mga babaeng 'to. Kaso feel na feel nilang titigan ang mukha ni Toffy!" Inis na wika ko sa aking sarili. Naisipan konh kuhain ang kanyang panyo at ipinunas sa kanyang pawisang mukha. -- "Para ka nang naligo dahil sa pawis mo!" Inis kong sabi sa kanya para marinig ng dalawang bruhang babae.

Campus Sensation #01 : My Musician's Heart [R18] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon