"She's going to be your wife in any minute son!" Sabi ni daddy sakin habang at tinapik ang balikat ko.
Nagawan namin ng paraan na bumalik dito kahit na medyo nahirapan kami.
Ngayon pa lang ay nakikita ko na kung gaano kaganda si Ren sa suot niyang wedding gown.Lumabas ang bestfriend ko sa isang kwarto at gwapong gwapo sa suot niya
"Parang ikaw pa ang ikakasal ah?" Pabirong tanong ko.
"Kung pwede lang? Basta si Ren ang bride..." Sagot niya kaya naman inaambaan ko siya ng suntok.
"But seriously! Thankyou bud for everything i owe you a lot for this" sinserong sabi ko sa kanya at niyakap siya.
"Anything for you, what friends are for?" Tanong niya kaya mas napangiti ako.
"Let's go?" Maya maya ay tanong ni daddy pero nagpaiwan ako at umakyat sa kwarto para kunin ang regalong ibibigay ko kay Ren. Pagkababa ko ay nakasabay ko ang pinsan ko kaya naman naisipan kong siya ang utusan na ibigay iyon kay Ren dahil sigurado akong mauuna sila doon.
Pagkabigay ko sa kanya ay nagayos ako saglit ng mapahawak ako sa aking ulo dahil sa sobrang sakit at nagulat ako ng malamang dumudugo ang ilong ko. Nagmadali akong maglakad papunta sa banyo pero naging blangko na ang lahat.
"He's okay tita?" Boses ni Aichie ang nakapagpagising sakin at alam ko kung nasaan na naman ako.
Pagmuklat ng mata ko ay puting kisame ang bumungad sa akin at maya maya ay mabilis ding lumapit si mommy at aichie sa akin.
"Im sorry mom, ginawa ko nang tambayan ang hospital... im really sorry" nakatungo kong sabi sa kanya agad naman niyang hinaplos ang pisngi ko at iniharap sa kanya. Kita ko ang mabilis na pagtulo ng mga luha niya ramdam ko kung gaano siya kalungkot at nasasaktan dahil sa sitwasyon ko.
"Im happy that your'e okay now, Jade" napatingin ako kay aichie ng magsalita siya at doon ko lang nakita ang tiyan niya na malaki na. Napangiti lang ako sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko dahil lagi siyang nandiyan, kahit na mahirap sa kanya dahil buntis siya. Lagi siyang nakaalalay at nakabantay sa akin.
But now i failed, im sorry my engineer kung hindi ko natupad ang pangarap mo.
Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko pero hindi ko kaya. Iisipin ko pa lang kung gaano nasasaktan si Ren ngayon dahil hindi natuloy ang pinapangarap na kasal niya ay parang saksak sa akin. Alam kong nasasaktan siya ngayon, gusto ko siyang makita, gusto ko siyang makausap, gusto kong magpaliwanag pero natatakot ako na baka hindi niya ako kausapin.
Kung alam mo lang kung gaano ako kaexcited sa kasal natin, im sorry kung hindi natuloy.
"What's with the tears, son?" Si mommy.
Hindi ko masagot si mommy, gusto kong makita si Ren.
"I want to see Ren, mom... please!" Sabi ko sa kanya. Wala ni isa ang sumagot sa kanila. Nangungusap na tiningnan ko si mommy at hindi niya alam kung paano niya ako sasagutin.
"Chie, please..."
"Im sorry, jade..." Sagot niya.
"Please...mom!...chie..ngayon lang" pakiusap ko pa at umastang tatayo pero agad akong pinigilan ni mommy.
"Jade..hindi pwede..." Pigil ni mommy.
"Please! Mom...gusto ko siyang makita please!"
"No jade, hindi pwede" ramdam ko ang biglang pagsalubong ng mga kilay ko dahil kay mommy.
"Please! Ngayon lang!" Tumtulo ang luhang pakiusap ko.
"No jade, your'e not yet okay..."
"Gagaling pa ba ako? Diba hindi naman na? Kaya kung magaling man ako ngayon o hindi wala akong pakialam, kung ikamamatay ko ang makita siya, mas hindi ko kaya ang mamatay ng hindi siya nakita"
YOU ARE READING
Bound To End (Completed)
Truyện NgắnTen years of being together and now she's ready to be called 'wife'. Getting married on the beach was a dream come true for Renxelle. She was absolutely stunning in her long and elegant white wedding dress. Excitement and euphoria is the only thing...