Chapter 17

14 15 0
                                    

Wala silang nagawa dahil ayokong umalis dito, maging ang pari na akmang aalis ay pinigilan ko dahil dadating pa si Jade. Magpapakasal pa kami.

Wala na halos tao sa venue at kami kami nalang ng pamilya ko at ng ibang staff. Wala sa sarili akong nakatayo lang, walang gana pakiramdam ko gumuho ang mundo dahil hindi ako sinipot ni Jade sa kasal namin at hanggang ngayon ay wala pa rin tigil ang pag iyak ko.
Hindi ko alam kung may maiiyak pa
ba ako dahil naubos na yata...walang humpay mula kanina ang pagtulo ng luha ko.

"Please Ren, let's go home" si mommy pero umiling lang ako.

"Don't do this Ren" si daddy.

"Hinihintay ko pa si Jade dad, father! Please hihintayin natin ang groom ko diba?" Baling ko sa pari at mariin naman siyang tumango saka ngumiti.

Umiiyak akong tumingin sa asul na langit at mukha lang ni Jade ang nakikita ko.

Papalubog na ang araw at mas lalo akong nawawalan ng lakas, pero ang luha ko ay tuloy tuloy pa rin. Hindi na magkamayaw sila mommy na pilitin akong umuwi pero ni isa sa kanila ay walang nakakapilit sa akin.

Pinauwi na nila ang pari kaya mas lalo akong napahagulgol sa pag iyak. Nanlalabo na ang mata ko sa sobrang pag iyak hanggang sa mapaupo ako at doon ay mas humagulgol pa sa dalawang palad ko.

Ano bang kasalanan ko love? Para hindi ka dumating?

May nagawa ba ako? Para saktan mo ako ng ganito?

Ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko pero naudlot pa. Akala ko tutuparin mo ang mga pangarap ko?

Bakit wala ka?

Wala sa sarili akong tumayo at naglakad papunta sa dalampasigan. Agad naman akong pinigilan ni daddy kaya ipinakita ko sa kanila kung gaano ako ngayon nasasaktan at alam kong ramdam nila iyon.

"Just...just leave me alone please!" Lumuluhang pakiusap ko at tinalikuran sila. Bitbit pa rin ang bouquet na hawak ko ay naglakad ako papunta sa dalampasigan, di alintana ang hirap dahil sa mahabang wedding gown na suot ko. Parang nauupos na kandila akong napaupo sa buhangin.

Biglang nagflashback sa akin ang lahat ng pinagdaanan namin ni Jade at sobrang nasasaktan ako ngayon.

"Oh my god! Loveeee! Look..."

Mabilis akong humarap sa kanya para ituro ang langit ng biglang may dumaan na meteor shower sa langit.

"Make a wish love...make a wish"

Parang bata na utos ko sa kanya at tinawanan niya lang ako.

"I'll make a wish first lovee"

I said before i closed my eyes to make a wish...

I hope this wish will come true!

"Its your turn now love!"

"Ayoko" tipid na sagot niya sa akin at nakapangalumbabang nakatitig lang sa akin.

"Huh? Why? Sige na pleasee!"

"No!"

"Love!"

"No..."

"Lovee naman eh!"

"I said no!"

"Why? you dont believe in- *tsup*"

He kissed me.

"I dont need to make a wish anymore because my wish was already granted"

"Then what is it?" Magkrus ang dalawang kamay na tanong ko.

"You! The day you came in my life i already knew that my wish do come true and having you here beside me is the proof." Seryosong sabi niya at....

"Yieeeee! Kinikilig ako love...hahaha kinikilig ako"

"Pfft! Crazy" he chuckled.

"I love you Jarvis Derrick Limsiaco"

"I love you too, Renxelle Viendron Uy Kobayashi"

***

"The first time i saw you, i was mesmerized. The first time i talked to you, i was enthralled i couldn't speak. Were been together for almost ten years but i still couldn't believe that your'e still my girl and im so thankful for that. I love you Engineer Ren!" Matamis at deretso niyang sabi. Napatakip ako ng bibig ng dahan dahan siyang lumuhod at nilabas ang isang maliit na kahita pagbukas ay isang singsing. Kinuha niya pa ang mic na inabot sa kanya ng isang staff bago tumingala sa akin.

"You are no less than a blessing in disguise to me. I cherish every second i spend with you. I find myself loving you more everyday. You are the reason I am. If there's one thing that i have done right in my life, its making you fall in love with me...thank you for being who you are, thank you for staying and now...im ready to face this another chapter of my life with you. Will You Marry Me Engineer Renxelle Viendron Cerezo?" Gwapo sa pagkakangiting tanong niya.

Emosyonal man ay nakangiti akong tumango sa kanya.

"Yes! Engineer Jarvis Derrick i'll marry you! Nakangiti at pigil ang luha na sagot ko. Doon ay nakita ko rin kung gaano siya kasaya at ramdam na ramdam ko iyon nakangiti niyang isinuot ang singsing sa kamay ko. At tumayo, pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ako sa noo at niyakap ako ng mahigpit. Nakangiti akong nag thankyou sa mga flight attendant na ngayon ay mga nakatingin rin samin kahit na hindi nila iyon maririnig.
Sa huli ay palakpakan ng mga tao ang nangibabaw sa proposal na 'yon ni jade.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nakatingin sa singsing na nakasuot sa kamay ko.

"Kalbo na ako, mahal mo pa rin ba ako?" Parang tutang maiiyak na tanong niya sakin kaya natawa naman ako.

"Kahit ano kapa, tanggap kita" nakangiting sagot ko.

"I want to hold your'e hand when were 80 and say we made it" bulong niya.

"Hold it forever, i'll give everything i own just to have you" sagot ko.

Lahat ng linyang binibitawan mo, lahat ng mga biro mo ay tandang tanda ko.

Lubog na ang araw at nandito pa rin ako. Lungkot at sakit ang bumabalot sa buong pagkatao ko ngayon. Walang makakaalis ng sakit na nararamdaman ko, yung pinakamahalagang tao sa buhay ko pinaasa ako...

Parang gusto ko nalang na magpakaanod sa malalaking alon ngayon. Gusto ko siyang puntahan pero nahahati ang isip at puso ko sa kung ano ang susundin ko.

Hindi ko yata kayang makita siya ngayon dahil masakit. Masakit palang umasa lalo na kung akala mo may pag asa. Rinig ko ang sigaw nila mommy mula sa malayo pero wala akong pinapansin. Tumayo ako at naglakad sa mas malayo at hinayaan ang sarili na ilabas ang lahat ng galit at sakit na nararamdaman.

Bound To End (Completed)Where stories live. Discover now