Chapter 19

15 15 0
                                    

Until now hindi ko pa rin alam kung paano tatanggapin ang lahat. I guess i need a break.

Yes! I need to have a break in everything.... Gusto kong mapag isa.

Ayoko munang kumausap ng kahit sino. Sobra sobra ang lungkot na nararamdaman ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at ang credit cards na meron ako. Gusto kong lumayo at mapag isa muna kahit sa maikling panahon.

Nagmamadali akong bumaba dahil baka mahuli nila ako. Hindi nagtrabaho sila mommy at dad dahil sa akin. Nag aalala raw sila sa pwede kong gawin.

"Ren!" Nagulat ako sa tawag ni manang .

"Where are you going?" Takang tanong niya.

"Mall manang..." Pagsisinungaling ko.

Matagal bago siya makasagot at nanunuri ang mga tingin niya sa akin.

"Your'e not going anywhere, dont you?" Naghihinalang tanong agad agad naman akong tumango bago lumabas. Mabilis akong pumunta kung nasaan ang kotse at nang palabas na ako ng gate ay nakita ko si mommy na nagmamadaling lumabas kasunod si daddy kaya agad kong pinaandar ang kotse at pinaharurot papalayo.

Im so sorry mommy, dad at manang...i need to do this...

I need to fix myself...

Naghanap ako ng hotel na medyo malayo sa mga taong nakakakilala sa akin at doon ko balak mag stay pansamantala.

Pagkapasok ko ay agad akong dumeretso sa may information desk.

"She's familiar"

"Yeah, she's engineer Ren right? Yung hindi sinipot ng groom the day of their wedding?"

"Yeah, siya nga...kawawa noh!"

"Sinabi mo pa...kung ako iyon baka nagbigti na ako"

Rinig ko ang mga bulungan ng mga tao . Bigla ay unti unting bumabalik sa akin ang malungkot na awra at binabalik ng pakiramdam na iyon kung gaano kasakit ang nangyari.

Pagkatapos kong magcheck in ay dumeretso na ako sa hotel room ko. Pagkapasok ay dumeretso ako sa kama at doon pabagsak na humiga.

"H-he's...he's not coming Ren"

"H-he's...he's not coming Ren"

"H-he's...he's not coming Ren"

"H-he's...he's not coming Ren"

Parang sirang plaka ang boses ni mommy na paulit ulit kong naririnig.
Hindi ko nga alam kung paanong lumipas ang tatlong araw matapos ang kasal na iyon at hanggang ngayon walang jade na nagpapakita sa akin. Wala akong narinig na paliwanag niya, naalala ko na naman si Aichie, im sure na magkasama na naman sila.

Lumipas ang ilang oras at madilim na nang tumingin ako sa bintana. Hindi pa ako nakakakain ng maayos simula nung araw na ikakasal sana ako. Yung umaapaw na saya ko noong araw mismo ng kasal bigla ring naubos at nabalot ng matinding sakit at lungkot.

I thought this will be the best day ever...this will be the memorable one...

Yeah! Its memorable though!

'Engineer Ren, the Runaway bride'

Sinong hindi makakalimot diba? Halos naging trending ako sa social media dahil doon.

Gusto kong makita si Jade pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Lagi nalang akong maghihintay sa wala. Lagi nalang akong aasa sa walang kasiguraduhan.

Yun ba yung ibig sabihin ng sinabi sa akin ni daddy?

'Your'e gorgeous Ren, and always remember that everything happens for a reason'

Everything happens for a reason? Tch! I dont believe that....

Malalim akong bumuntong hininga at walang emosyon na tumingala sa kisame.

'Sana panaginip nalang ang lahat....!'

Nanatili ako sa pwesto ko at bumabalik na naman lahat.

'A-ano bang ginawa ko jade? P-para hindi ka dumating sa pinakaimportanteng araw ng buhay natin? M-may iba kana ba? N-nagbago na ba ang isip mo?'

Nangingilid na naman ang luha ko sa tuwing maiisip na hindi natuloy ang kasal namin.

'Kahit ang magpaliwanag ay hindi mo magawa....'

Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na iyon at nakatulog ako ng hindi kumakain.

"I love you my engineer"

Matamis na bulong niya sa akin habang nakayakap sa likod. Kita ngayon ang mga bituin.

"Gusto ko yung bahay na titirhan mo sa future ay yung ikaw mismo ang nagpatayo, lahat ng design sa loob at labas ng bahay ikaw ang pumili love..." Dagdag niya pa.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. We both thinking of our future together.

"Oo naman love...then we will live happily with our children" sagot ko.

"I want to name our first baby Rashanti Renxelle for girl and Jade Viendronn for a boy...you like it love?" Masayang tanong niya.

"Yes...its unique love"

"I'm always here for you Renxelle Viendronn....my love for you was eternal and it'll never change even if i die...goodbye, my love"

"Lo-"

Napabalikwas ako dahil doon at gusto kong basagin ang cellphone ko dahil naputol ang sasabihin ko dahil sa biglaang pag ring nito.

Si daddy na naman!...

That's a worst nightmare...

Pero kabaligtaran ang nangyayari sa reality kaya wag kang mag alala Ren...

Alas 3 na ng umaga ng tingnan ko ang oras, nahirapan na rin akong makatulog ulit dahil sa panaginip na iyon.

Ano kayang ginagawa mo sa oras na to love?

Namimiss na kita!...

86 missed call na mula kina mommy at daddy kahit si manang ay tumawag. Marami ring text galing sa kanila pero ni isa hindi ko na binasa pa....

sa text o tawag lang ni jade ako interesado.

Pinilit kong makatulog dahil wala naman akong gagawin ng ganon kaaga.



Bound To End (Completed)Where stories live. Discover now