"Call me from time to time please!" Habilin niya pa. Ngayon ang alis ko papuntang Thailand at nandito na kami ngayon sa airport kasama si jade, si mommy at daddy.
"I will" nakangiting sagot ko saka niyakap siya at binigyan niya naman ako ng halik sa noo.
Ilang oras ang naging byahe bago tuluyang makalapag ang eroplano sa airport ng Thailand. Hapon na nang makarating ako sa isang hotel para magcheck in nakaramdam ako ng pagod at gusto ko nang magpahinga.
Pagkapasok ko palang ay agad nang nagring ang cellphone ko.
"How's your trip love?" Bungad ni Jade.
"Im tired love...huhu" kunyaring reklamo ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"Okay! Baba ko na love...urgent meeting" sagot niya.
"Sige. I love you"
Ngayon masusubok kung kaya namin ang long distance relationship. Sana lang ay walang magbago dahil hindi ko kakayanin.
Pagkatapos kong mag ayos ng mga gamit ko ay naligo muna ako bago bumaba para humanap ng pwedeng mabilhan ng pagkain.
Agad ko namang naalala ang proposal ni Kyle tungkol sa bahay hindi ko pa rin siya nakakausap hanggang ngayon dahil sabi ng sekretarya niya ay inextend niya ang leave niya ng one month kaya hanggang ngayon ay wala pa ring klaro tungkol don.Nang makahanap ako ng restaurant ay nagorder lang ako at bumalik sa hotel. Bitbit ang inorder ko ay mabilis akong naglakad papunta sa elevator dahil sa second floor ang room na nakuha ko.
Pagbukas ay nanlaki ang mata ko ng magtama ang mata namin ni...."Kyle?" Banggit ko sa pangalan niya pagkapasok ko.
"Oh! Hi there...Engineer Ren!" Nakangiting sabi niya
"Vacation right?" Sarkastikong tanong ko at ngumisi naman siya
"Yeah! what a coincidence right? Its a small world indeed...you came for vacation too?" Tanong niya.
"No! I came for work"
"Hindi na ako magtataka kung si Engineer Ren ang top 1 worldwide as the best engineer" sarkastikong sagot niya.
"Whatever" nakangiwing sagot ko bago siya iwan at tuluyang pumasok sa room. Now i realized kung gaano kahirap kung ikaw lang mag isa. Mag isang kumain at nakakawalang gana!
Pagkatapos kong kumain ay nagusap lang kami ni jade through video call at si daddy ay nag iwan ng message na bukas ko mamemeet ang kabusiness partner niya. Kaya pagkatapos naming mag usap ay nakatulog rin ako kaagad.Isang linggo na ang dumaan at wala pa ring pinag bago bored pa rin ako dito. Nameet ko na rin ang sinasabi ni dad na nag offer sa kanya at i can't believe na tito ni Kyle 'yon. Yes! Kasama si Kyle nung nagmeet kami somewhere ni Mr. Matsunaga.
At si Jade naman, tatlong araw na kaming hindi nakakapagusap. Katulad kasi ng nakasanayan lagi siyang tumatawag sakin o kaya'y nagvivideocall pero ngayon wala. Lagi akong naka abang sa cellphone ko at naghihintay ng text niya o tawag pero laging sila mommy at dad lang. Hindi ko muna pinansin dahil baka busy sa trabaho niya. Ginawa ko ring abala ang sarili ko dito sa trabaho binigay ko ang oras ko at nagfocus doon.
Siguro nga ay maliit ang mundo at talagang magkikita kita pa rin kayo ng mga kakilala mo. Katulad ni Kyle...i never expect na dito siya nagbabakasyon, sa lumipas na ilang linggo siya ang kasama ko dahil alam niya ang pasikot sikot dito. Hindi ko rin kailangan matakot dahil alam ni Jade na magkasama kami and i know that he trust me so much na wala siyang iniisip na masama tungkol sa aming dalawa.
Ako lang naman iyong nag iisip ng masama sa kanila ni Aichie.
At ngayon siya na naman ang kasama ko, now! Im thinking paano kung alam ni Jade na lagi kaming magkasama magseselos rin kaya siya?
"Hmm! Thinking of coming back in the philippines?" Si kyle.
"Yeah! Pero kailangan kong ma final ang lahat ng kailangan ko dito"
"You can send your team here..."
"No need! Nakakahiya mag demand sa uncle mo"
"Its okay! Tapos na rin naman ang kailangan mo diba?"
Biglang pumasok sa isip ko kung paanong nauwi kami sa pagkakaibigan nitong si Kyle. As far as i remember twice palang kami nagkita sa pinas dito lang talaga medyo napadalas.
"I'll talk to mom and dad first"
Pabalik na kami ngayon sa hotel dahil alas 8 na ng gabi niyaya niya lang naman akong mag dinner para daw hindi ako mahomesick dito kaya nag agree na rin ako. Agad kong tinawagan si mommy pagkabalik ko.
"Mom! Where's jade?" Yun agad ang bungad ko sa kanya pagkasagot niya ng tawag.
"I don't know Ren!" Nagtaka naman ako sa sagot ni mommy. Bakit hindi niya alam?
"What?"
"Yes! Dahil gabi na at nandoon siya sa bahay nila diba?" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni mommy.
"Diyan masusubok kung gaano kayo nagtitiwala sa isa't isa anak... at katulad ng sinabi ko sayo hindi lang sayo umiikot ang mundo niya kaya you need to make your patience longer. Give him privacy i think its time para ibigay niya ang oras niya sa family niya though nakakapagusap naman kayo dahil katulad mo. Pareho lang umiikot ang mundo niyo sa isa't isa kailangan rin siya ng pamilya niya" ani mommy nang sabihin ko sa kanya na ilang araw nang hindi nagpaparamdam sa akin Jade.
I know na may point siya siguro nga simula ngayon ay kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na unti unti nang nagbabago, na hindi buong oras ay magkasama pa rin kami.
Kung alam ko lang na pansamantala lang pala edi sana hindi ko sinanay yung sarili ko na lagi siyang nandiyan. Malayo man o malapit kami sa isa't isa.
Tumagal ang pag uusap namin ni mommy at nabanggit ko na rin sa kanya ang mga kinabubusyhan ko dito at ang tungkol sa sinabi ni kyle na pwede na akong bumalik ulit sa pinas pero sasabihin niya daw muna kay dad kaya wala akong nagawa.
YOU ARE READING
Bound To End (Completed)
Historia CortaTen years of being together and now she's ready to be called 'wife'. Getting married on the beach was a dream come true for Renxelle. She was absolutely stunning in her long and elegant white wedding dress. Excitement and euphoria is the only thing...