Isang linggo ang lumipas matapos ang proposal ni Jade pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. Tandang tanda ko lahat.
Nandito ako ngayon sa isang coffee shop at hinihintay si Kyle.
May usapan kami ngayon na magkikita kami para pag usapan ang bahay na na postpone last month.Wala rin si Jade dahil umalis sila ni Aichie. I promised to myself na hindi na ako magseselos kay Aichie lalo na ngayon na fiancee ko na si Jade.
Fiancee...kahit sino naman siguro matutuwang marinig yon!
Sa isang iglap biglang nawala lahat ng galit ko noong nasa Thailand pa lang ako. Siguro nga iba pa rin talaga kung magkasama kayo. Iba yung sweetness na mararamdaman mo, mas magkakaintindihan kayo. Nakatulong yung advice ni Kyle sa akin noon na halos hindi ko alam kung anong gagawin ko. Masyado akong naunahan ng galit na sa huli pala ay mali rin.
Inexplain sakin ni Jade kung bakit wala siya masyadong time sakin. Dahil busy siya sa paghahanda ng proposal na yon.
Oh well! Worth it naman lahat.Nagalit rin sa akin si daddy dahil hindi nila ako macontact noong nasa Thailand ako. Muntik nang bawiin ni Mr. Matsunaga ang project na iyon dahil ilang beses akong hindi sumipot sa mga meetings. Sikat din ang pangalan ko that time kaya mas lalo silang nagalit baka daw masira ang career ko at makaapekto iyon sa business.
Mula sa loob ng coffee shop ay nakita ko si Kyle na papasok.
"Congrats by the way, send my greetings to your fiancee" bungad niya pagkaupo.
"I will" sagot ko.
Siya na ang umorder at ilang minuto lang ay dumating na rin. Pinag usapan namin kung ano ang plano niya. Gusto niya talaga na ako na ang magdesisyon ng lahat. Kaya sa huli ay pumayag na rin ako.
Mabilis na lumipas ang isang oras kaya nagdesisyon na kaming umuwi na. Hinatid niya pa ako hanggang sa parking lot bumusina lang ako bago paandarin ang kotse.
Pagkarating sa bahay ay saktong nagdidinner sila mommy kaya nakisalo na ako. Pagkatapos namin magdinner ay nagpaalam lang ako at dumeretso sa kwarto ko. Hindi ko na rin nagawang tawagan si Jade dahil agad akong dinalaw ng antok pagkahiga ko sa kama.
Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko at nakitang si Jade ang tumatawag.
"Goodmorning love!" Bati niya kaya napangiti naman ako.
Paano pa kaya kung isang bahay na kami??
"Morning, lovee!"
"Lets go on a date today" yaya niya.
"Pero may work tayo right?"
"Nagpaalam na ako kila tito..."
"Okay!"
"I'll pick you up later okay?" Tanong niya pa.
Mag aalas 10 ng sunduin niya ako sa bahay nagpaalam lang ako kay manang bago kami umalis.
"Saan tayo?" Excited na tanong ko habang nagdadrive siya.
"Saan mo gusto love?" Tanong niya at kinuha ang isang kamay ko at hinawakan iyon habang ang kaliwang kamay niya ang nakahawak sa manibela.
"MOA? Nalang para malapit?" Tanong ko at ngumiti naman siya. Hindi iyon kalayuan at hindi masyadong mabigat ang traffic kaya mabilis kaming nakarating doon.
Kumain muna kami sa isang korean resto dahil pareho kaming hindi nakapagbreakfast kanina.Hindi ko maiwasang hindi siya titigan habang kumakain. Ako na yata ang pinakamaswerteng tao sa mundo dahil sa akin siya.
Yung akala namin na pansamantalang pag iibigan lang ay aabot sa ganito?
YOU ARE READING
Bound To End (Completed)
Historia CortaTen years of being together and now she's ready to be called 'wife'. Getting married on the beach was a dream come true for Renxelle. She was absolutely stunning in her long and elegant white wedding dress. Excitement and euphoria is the only thing...