Ayoko na yatang matulog dahil walang paglagyan ang excitement na nararamdaman ko ngayon. Lumipas ang mga araw at nakinig ako sa sinabi ni daddy, na kailangan ko rin isipin ang kapakanan ng iba lalo na ni jade kaya hinayaan ko muna siya, ang importante sa akin ngayon ay ang kasal namin.
Naisipan ko na bilhan siya ng regalo kaya nandito ako ngayon sa mall para maghanap ng pwedeng iregalo sa kanya. Ng biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si kyle.
Ano naman kayang kailangan niya at napatawag siya?"How are you Engineer?" bungad niya agad.
"Im...well, fine"
"Hey! Kyle...San ka ngayon?" Dagdag ko pa habang naglalakad.
"Vacation.." tipid na sagot niya.
"Seriously? Vacation again? I hope you can come" pagtutukoy ko sa kasal namin.
"Where?" Tanong niya.
"On my wedding, two days from now..." Nakangiting sagot ko.
"I'll be there" sagot niya kaya napangiti naman ako magsasalita pa sana ako ng bigla nalang namatay ang linya.
Ano yun tumawag lang para mangamusta?
Habang naglalakad ay napatingin ako sa isang jewelry store at naamaze ako sa disenyo ng kwintas. Simpleng infinity lang siya pero ang ganda niyang tignan. Naisipan kong yun nalang ang iregalo sa kanya kaya agad akong pumasok at dumeretso sa counter para bilhin iyon at mas natuwa pa ako ng malamang couple necklace iyon.
Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon at ginugol ko ang oras ko sa pagbili ng kung ano ano. Hanggang sa gabihin ako ng uwi kaya mabilis kong pinaharurot ang kotse pauwi mabuti nalang rin at hindi masyadong mabigat ang traffic ngayon.
Binilhan ko rin sila manang, mommy at daddy ng regalo ganun din si Kyle at si aichie tsaka yung parents and kuya ni jade. Ibibigay ko nalang iyon kapag bumalik na sila. Sa labas palang ng bahay ay rinig ko na ang ingay na nagmumula sa loob nagtaka man ay hindi ko nalang pinansin iyon napagpasyahan ko rin na iwan muna dito ang mga pinamili ko. Pagkapasok ko ay naabutan ko si mommy, daddy at....si Lolo kasama ang dalawa kong pamangkin.
Anong ginagawa nila rito?....
Lahat sila ay napatingin sa direksiyon ko ng makita nila ako sa pinto. Agad na tumakbo papalapit sa akin ang dalawang cute kong mga pamangkin. Natuwa naman ako dahil hindi na ako masyadong mabuburyo dito sa bahay. Agad naman akong lumapit kay lolo at nagmano, kita ko ang ngiti sa labi niya at alam kong masaya siya ngayon.
"Congratulations apo!" Nakangiting aniya kaya naman niyakap ko siya.
Dederetso na sana kami sa dining area dahil naka handa na ang lahat ng pagkain nang may marinig na naman akong ingay mula sa pinto. Agad naman siyang tumakbo papunta sa amin at nakipagbesuhan hanggang sa akin siya huminto at nagtatakang tinignan ang kabuuan ko."Renxelle, oh my! You look...what happened to your face?" Gulat na tanong niya at tinignan niya na naman ang kabuuan ko. Hindi ako sumagot at nagpahila nalang sa kanya pabalik ng kusina nakita kong sumunod din ulit sila mommy.
"Dark eyes, pale skin, you look so stressed, seriously? Ren? Ganyan hitsura mo sa kasal mo?" Tanong niya habang nakaturo sa mukha ko kaya napanguso naman ako dahil don. Hindi ko na naisip iyon noong mga araw na malungkot talaga ako. Hindi naman na importante iyon sa akin.
"May dalawang araw pa, ate Klea....dont worry!" Sagot ko pero umiling lang siya.
Masaya at napuno ng hagikhikan ang dinner naming iyon. Lalo na dahil sa mga bata. Pagkatapos naming kumain ay dumeretso sila sala para magkwentuhan kaya naman sumama na muna ako kahit na gusto ko na ring magpahinga.
"Where's jade?" Tanong agad ni Kuya Renz, hindi ako sumagot at itinuon ang atensyon sa mga bata na masayang naglalaro. Si mommy ang sumagot sa kanya at sumulyap pa siya sa akin kaya umiwas naman ako.
"Tita, Can you draw my assignment po?" Nakangusong tanong ni Tali sa akin na may hawak na lapis at notebook natatawa naman akong tumango at kinuha ang hawak sa kanya. Habang nagdadrawing ako ay nakikinig ako sa usapan nila mommy. Alam kong ako ang pinag uusapan nila pero pinabayaan ko nalang.
"Tita Ren, can i sleep in your room?" tanong ni Cali.
"You have your own room here Cali, no need to disturb your tita" suway sa kanya ni Ate Klea kaya bagsak ang balikat ni Cali na tumingin sakin at ngumuso. Takot talaga siya sa mommy niya.
"Its okay Ate, kasya naman kami doon..." Nakangiting sagot ko at sumulyap kay cali na ngayon ay nakangiti na.
"What about me po Tita?" Singit naman Tali
"Of course, you too"
"Yeheyy! Tita Ren loves us so much saranghaeyo" dagdag niya pa. Korean? At the age of eleven they know how to speak? Korean?
"You speak korean?"
"No po tita, i just heard it to mom. She say that to dad po eh! And i search what is its meaning then i found out that its i love you.. that's why saranghaeyo tita ren" nakangiting explain niya. Napatingin naman ako kay ate klea na ngayon ay namumula na ang mga pisngi dahil sa pang aasar ni kuya. Maging sila mommy ay natawa rin dahil sa inosenteng edad nilang iyon ay marami na silang alam.
"And i already know the meaning naman po tota kasi i always watch K-drama and they always say that word po" ani Cali
Nauna na ako kila mommy sa kwarto kasama ang dalawang bata dahil maaga silang natutulog. Tumatakbo silang nauna papunta sa kwarto ko kaya nakangiti nalang akong napailing.
I can't wait na lumaki sila at maging magagandang dalaga.
I can't wait to have my own child...
Napangiti naman ako sa isiping iyon. Hinihingal silang nakaupo sa ibabaw ng kama dahil sa pagtakbo. Iniwan ko sila doon at naligo muna saglit.
"Who's this guy?" Rinig kong tanong ni Cali sa kapatid niya.
"I think that's Tito Jade, Tita ren's boyfriend"
"Why they dont have a child?" Si Cali.
Di ako makapaniwalang sa edad nilang iyon, nagagawa na nilang pag usapan ang mga bagay na hindi pa angkop sa edad nila. Masumbong nga 'to sa magulang nila.
Pagkalabas ko ng banyo ay naabutan ko sila sa may harap ng salamin at suot suot ang engineer cap ko.
"Ano po ito tita?" Tanong ni tali ng makita niya ako sa salamin.
"I saw this thing sa school din po" dagdag niya
"What's engineer again tita?" Si Cali.
"Engineers build big houses and buildings right tita?" Si Tali ang sumagot at nakangit naman akong tumango sa kanila
"I want to be like you po someday" si Tali.
"How about you Cali? What do you want when you grew up?" Tanong ko. Ngumiti siya at parang nag isip pa kunyari.
"Hmm! I want to be a designer tita" desididong sagot niya sa akin
"Hmmm! Fashion Designer maybe?" Patanong na dagdag niya
Saglit pa kaming nagkwentuhan at agad ko rin silang pinatulog. Hinintay ko pa na makatulog sila,
Dahan dahan akong bumangon at kinuha ang cellphone ko sa gilid ng kama at naglakad papunta sa balkonahe ng kwarto ko.
Salamat sa kanilang dalawa at kahit papaano ay nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. Kahit na nandiyan sila ikaw pa rin ang nasa isip ko.
'Dalawang araw nalang at ikakasal na tayo Jade, bubuo na rin tayo ng sarili nating pamilya...magkakaroroon ng anak at magkasama nating papalakihin.'
Nagtagal pa ako ng ilang saglit sa balkonaheng iyon bago bumalik sa kama, napangiti naman ako ng makitang mahimbing na ang tulog ng dalawa kong pamangkin.
YOU ARE READING
Bound To End (Completed)
Cerita PendekTen years of being together and now she's ready to be called 'wife'. Getting married on the beach was a dream come true for Renxelle. She was absolutely stunning in her long and elegant white wedding dress. Excitement and euphoria is the only thing...