Chapter 14

14 15 0
                                    

"Please stay with Ren, bud" basag ang boses na utos ko sa matalik kong kaibigan. Mahirap pero kailangan.

"Why you did'nt tell me all of this, Jade huh? What's the sense of that were bestfriends?" Galit na sigaw niya.

Im sorry! Ayoko lang na mag alala ka pa. Gusto ko mang sabihin iyon pero wala akong lakas.

I really missed Ren so much, sigurado akong galit na iyon ngayon. Hindi ko man lang nagawang samahan siyang ihatid sa hospital nang maksidente siya. Kasalanan ko iyon, kasalanan ko lahat at hindi ko alam kung bakit kailangang mangyari pa to pagkakita ko pa lang sa kanya noong gabi na iyon gusto ko na siya agad yakapin pakiramdam ko isang taon ko siyang hindi nakita at nakasama. Ganito pala sa pakiramdam kapag nasanay ka na lagi kayong magkasama, hahanap hanapin mo siya.

Di ko rin ginustong malayo sa kanya lalo na ngayon na ikakasal na kami, nakakatuwang isipin na pareho kaming excited at pareho kaming nagbigay ng oras para paghandaan iyon. Tinupad ko ang gusto niyang beach wedding sa El nido at lahat iyon ay naayon sa gusto niya. Gusto kong makita na siya ang pinakamasayang babae sa araw na iyon. Siya ang pinakamagandang bride na makikita ko.

Dati pa lang nakikita ko na ang sarili ko kasama siya sa iisang bubong. At ngayon matutupad na iyon.

"Did he accept your project?" Pag iiba ko sa tanong niya. Ayokong pag usapan muna iyon.

"Yes, hindi ba't iyon din ang inutos mo sa akin bestfriend" pag didiin niya sa huling salitang sinabi niya.

"That's good, wala na akong poproblemahin if in case...you know" pambibitin ko napatingin naman ako sa kanya at nakita kong may pumatak na luha sa kanang mata niya na agad naman niyang pinahid at itinuon ang paningin sa ibang direksiyon.

"Don't say that" nangigilid ang luhang sabi niya sa akin. Napangiti naman ako kahit papaano dahil mas napatunayan ko na totoong kaibigan talaga siya. Mula pa noong bata siya na ang kasama ko kaya kilala na namin ang isa't isa. Lagi siyang nandiyan kapag may kailangan ako, kahit nasa malayo siya pupuntahan niya pa rin ako matulungan lang. Alam ko rin kung ano sa kanya si Ren kaya wala akong dapat na alalahanin sa huli.

Dalawang araw nalang at kasal na namin. Kailangan kong paghandaan iyon. Kailangan ko ng bumalik ng pilipinas.

"Kailan ang balik mo?" Maya maya ay tanong niya.

"Anong mo? Natin bud! Best man ka diba?" Nakangiting tanong ko at ngumiwi naman siya kaya natawa ako.

"Where's Aichie?" Tanong niya at nilibot pa ang paningin sa bahay.

"Shit! Jade...your nose" natatarantang sabi niya kaya kinapa ko naman ang ilong ko at nagulat ako dahil may dugo.

"Aichieee!" Sigaw niya pa at gusto kong matawa dahil kitang kita ko kung paano siya mataranta

"Wag OA bud! Dugo lang to...Aichie's not around, umalis sila ni kuya wala rin si mom and dad kaya nga pinapunta kita dito eh" natatawang sagot ko habang pinupunasan ang ilong ko.
Mukhang nakaginhawa naman siya ng maluwag dahil bumalik na siya sa inuupuan niya

"Call her" aniya at alam kong si Ren ang tinutukoy niya. Ilang beses niya na akong pinilit na tawagan o kahit itext si Jade pero nagdesisyon akong huwag na. Kahit sila mommy at Aichie sinabihan na rin ako pero wala akong sinunod maski isa.

Tiniis kong hindi siya tawagan at itext dahil mas madadagdagan lang yung kakulangan na nararamdaman ko. Iba ang epekto niya sa akin kaya sigurado akong kapag kinausap ko siya at marinig ko ang boses niya hahanap hanapin ko iyon.

Ayoko nang madagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko....

Hindi ba pwedeng saya nalang? Bakit ganito?

Hindi ba pwedeng makasama ko siya habang buhay? Bakit ako pa?

Biglang nagflashback sa akin lahat ng pinagsamahan namin ni Ren. Sa loob ng sampung taon na iyon nakilala ko kung sino talaga siya, pareho naming tinupad ang pangarap namin ng magkasabay. Noon ayaw pa ng parents ko at ng parents niya na magkaroon kami ng relasyon. Sa edad na 14 sinong mag aakala na mapapaibig ang kanilang anak? Pero inosente man noon sa sinasabi nilang "love" hindi iyon naging dahilan para maghiwalay kami mas naging matibay pa kami at tumagal na umabot sa puntong ikakasal na kami ngayon.

Lagi ko siyang sinusurpise tuwing anniversary namin, hindi rin ako pumalya na regaluhan siya tuwing monthsary namin. Noong nag debut siya, ako ang last dance niya lahat ng pangarap niya ay isa isa kong tinutupad at makita ko lang na masaya siya kuntento na ako.

Kailangan ba na lahat ng sayang nararanasan mo ay may lungkot na kapalit?

Losing you is like losing a part me, my engineer.

I can't wait to call you my wife....

"Talk to her" dagdag niya pa sabay abot ng cellphone niya at nagulat ako ng pangalan ni Ren ang nasa screen kaya pinilit kong hindi makagawa ng ingay na siyang pwedeng maging dahilan para makilala niya ako. Agad ko namang sinenyasan ang kaibigan ko na ayoko pero hindi niya ako pinakinggan bagkus ay pinindot niya pa ang speaker ng cellphone niya dahilan para marinig ko ang boses ni Ren.

"Hey!...San ka ngayon?" Tanong niya.

"Vacation.." tipid na sagot naman ng mokong kong kaibigan.

"Seriously? Vacation again? I hope you can come" si Ren. Alam kong sa kasal namin ang tinutukoy niya.

"Where?" Kunyaring tanong naman ng isa.

"On my wedding, two days from now..." Masiglang sagot niya. Um- oo lang ang kaibigan ko saka binaba ang tawag.

Boses mo lang, kalma na ako....

Ramdam ko ang excitement niya ng sabihin niya iyon kaya hindi ko napigilan ang ngumiti.

Kung sakaling mamatay man ako at bigyan ako ng pangalawang buhay, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko my engineer.

Naisipan kong kumuha ng drinks sa kusina, hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang boses niya. Pagtayo ko ay agad akong napahawak sa ulo at boses ng matalik kong kaibigan ang huli kong narinig.

Bound To End (Completed)Where stories live. Discover now