Pasado alas10 na pero wala akong ganang bumangon at wala rin akong balak magtrabaho ngayon. Gusto kong irelax sarili ko masyado na akong nagiging problemado this past few days.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si manang na may dalang tray ng pagkain.
"Ren! Kumain kana..."
"Busog pa po ako manang" walang ganang sagot ko.
"May sakit ka ba? Ano bang nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong niya kaya naman nakasimangot akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama saka tumingin sa gawi niya na ngayon ay nakaupo na sa dulo ng kama ko.
"Bakit hindi ka pumasok ngayon? Hindi ba't busy kayo ngayon sabi ng mommy mo dahil sa kabilaang offers?" Tanong niya ulit.
"Gusto ko lang magpahinga manang!"
"Ahh! Si Jade kamusta na? Ilang araw nang hindi nakakabisita yun dito ah? Buti at kinaya mo?" Nakangising tanong niya.
Halos araw araw kasi ay nandito yon kaya sigurado akong magtataka sila kung bakit hindi na nga siya nakakabisita at kahit ako hindi ko alam kung bakit.
"Busy kasi manang diba?"
"Talaga bang yan nga ang rason?"
"Naiinis ako manang....wala namang kaselos selos sa babaeng kasama niya pero...." Pambibitin ko sa sasabihin ko.
"Pero? Nagseselos ka?" Deretsong tanong niya at hindi naman ako nakasagot kaya iniiwas ko ang paningin sa kanya.
"Selos...naniniwala ka bang may asawa ako dati?" Tanong niya.
Ang alam ko ay dalaga siya wala akong narinig na naging asawa niya sa tagal niya nang nagtatrabaho dito sa amin.
Hindi na rin ako nagtanong dati pa dahil alam kong privacy nila yon."24 ang edad ko nang napagdesisyunan kong mag asawa, nakahanda na ang lahat...mula sa prenup hanggang reception, magarbong wedding gown halos lahat pero nung dumating ang araw ng kasal namin hindi ako sumipot....kasi nakatanggap ako ng pictures na may kasama siyang babae, syempre nasaktan ako ng sobra eh kaya ayun kahit masakit nagparaya ako only to find out na pinsan niya pala yon at ang picture na yon ay yung araw na tinutulungan niya yung fiancee ko na isurprise ako..." Malungkot na kwento jiya.
I can't imagine myself like that mukhang hindi ko kakayanin. Hindi naman agad ako ganun pareho naming pinapakinggan ang bawat side namin at as far as i know hindi naman sagot ang break up sa tuwing mag aaway all you have to do is to give each other a chance na magexplain hindi yung magcoconclude kaagad.
"Nasa'n na po yung ex fiance niyo?" Kuryosong tanong ko.
"He's happy with her wife and two sons now" mapait na sagot niya.
"Sad for you manang!" Pang aasar ko.
"That was part of my past and should not be recall....kwinento ko lang sayo para alam mo ang mga posibleng kahihinatnan nang padalos dalos na pagdedesisyon"
Pareho kaming napatingin sa pinto ng biglang bumukas at pumasok si Jade. Agad na dumako ang tingin ko sa kanya at kay manang.
"Maiwan ko na muna kayo" nakangiting sagot niya at tumango lang ako.
"Hindi ka pumasok love?" Tanong niya pagkalabas ni manang. Agad naman siyang lumapit at umupo sa tabi ko.
Sure naman akong malalaman niya agad iyon."Hindi ka tumawag last night? At kanina?" Mahinahong sabi ko. As much as i can ayokong ipakita na galit ako o nagtatampo. Ayoko kong pagmulan ng away namin yon.
"Yeah! Im sorry...drained ang phone ko" dahilan niya.
Drained? Paanong madedrain? Eh hindi naman kami nag usap mula kagabi at kung sa trabaho naman ang paguusapan sa telepono lahat tumatawag kung sakaling may kailangan sila o may emergency.
Ganun na ba namin kakilala ang isa't isa? Ganun ko ba siya ka kilala para malaman kong nagsisinungaling nga siya o hindi.
"I love you..." Malambing na sabi niya at saka niyakap ako ng patagilid.
"Nagbreakfast kana?" Tanong ko saka kumalas sa yakap niya na siyang kinataka niya.
"Walang i love you too?" Nakangusong sabi niya.
Ba't kailangan ngumuso? Alam niya bang kahinaan ko yung nagpapacute siya?...
"I love you too!" Pilit na sagot ko.
"Your'e not sincere...you don't love me anymore my engineer" kunyaring nagtatampo.
Arghh! Damn it!
"Oh come on! Dont act like a baby"
"My engineer doesn't love me anymore" dagdag niya pa saka tumalikod sakin.
"Hahaha! Di bagay sayo..." Natatawang sagot ko saka niyakap siya habang nakatalikod.
Wala na! Talo na ako...ako yung nagtatampo...eh! bakit nagkabaliktad?
"I love you my engineer!" Sinserong sabi ko. Nakangitu naman siyang humarap sa akin at hinalikan ako sa noo, sa magkabilang pisngi, sa tungki ng ilong ko at sa labi.
"I love you more Engineer Ren!" Matamis na sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
Niyaya ko siyang bumaba para sabay kaming magbreakfast at saktong nandon rin si manang.
"Manang! Magbebreakfast kami...." Sabi ko sa kanya.
"Sakto! Kakatapos ko lang rin magluto..." Sagot niya kaya naman naupo na kami at hinanda niya naman ang mga niluto niya.
Di ko mapigilan ang hindi ngumiti dahil sa ginagawa ng lalaking to. Nasobrahan yata sa kasweetan at maski pag subo ko ng pagkain at pagkuha ng juice ay nakaalalay.
"Are you mad?" Tanong niya habang paakyat kami para bumalik sa kwarto.
"Nope!" Sagot ko at umakbay naman siya sakin
"Are you mad?" Tanong niya ulit.
Ang kulet?....
"Hindi nga!"
"Are you mad?" Tanong niya ulit at napapikit naman ako sa inis dahil sa paulit ulit na tanong niya
"Hindi nga sabi! Bakit ba paulit ulit ka?" Galit na sigaw ko at umalis sa pagkakaakbay niya
"Okay! Your'e not mad!" Parang tutang sagot niya saka hinila ako pabalik at niyakap.
"Im sorry okay! I love you" sagot niya.
Pagkabalik namin sa kwarto ay pabagsak akong humiga sa kama nang biglang hawakan niya ako sa dalawang kamay at kasama siyang bumagsak sa ibabaw ko. Mabilis na kumalat ang kaba sa dibdib ko. Agad akong nagpumiglas at tinulak siya paalis sa ibabaw ko pero masyado siyang malakas kaya pinigilan niya ako at magkabilaan niyang hinawakan ang mga kamay ko.
Awkward!...
"Kahit di mo sabihin alam kong galit ka...kaya hindi kita nasusundo nitong mga nakaraang araw dahil dumederetso ako sa Sta.Mesa yung sinabi ko sayo na nagkaproblema? At kaya hindi rin kita natetxt tuwing umaga at natatawagan tuwing gabi dahil wala akong time para macharge yung phone ko masyado akong nagfocus sa problemang yon. Im sorry" paliwanag niya.
Now im guilty! Sobra....
Wala sa paliwanag niya ang nagbanggit sa pangalan ni Aichie dahil yon lang naman ang rason kung bakit nagkakaganito ako kaya mas lalo akong naguilty dahil sa inasal ko.
"Im sorry!" Naiilang na sabi ko
"No! Its okay...ako yung may mali. Hindi ko nagawa yung mga dapat kong gawin nakalimutan kita. Im sorry kung inuna ko yung trabaho ko kesa sayo" malungkot na sagot niya.
"No love... Im really sorry" sagot ko saka hinawakan siya magkabilang pisngi at hinalikan sa labi.
"Kung magseselos ka, sana sa trabaho lang dahil iyon lang naman ang binibigyan ko ng oras bukod sayo"
"Im sorry" nakatungong sagot ko.
"Mahal kita"
"I love you too"
"Are we going to make love now?" Nakangising tanong niya at doon ko lang naalala kung ano ang posisyon namin.
"You! Bastos-" naputol ang sasabihin ko ng halikan niya ako.
Paulit ulit niyang inexplain ang lahat at habang ako ay naguguilty ng sobra.
YOU ARE READING
Bound To End (Completed)
ContoTen years of being together and now she's ready to be called 'wife'. Getting married on the beach was a dream come true for Renxelle. She was absolutely stunning in her long and elegant white wedding dress. Excitement and euphoria is the only thing...