Chapter 12

14 14 0
                                    

One week to go at magaganap na ang pinaka hihintay ko at sobrang excited na ako. Kung pwede lang iadjust ang date ng kalendaryo ginawa ko na.

Kakatapos lang ng prenup namin ni Jade at pinili kong sa beach gawin iyon, since beach wedding ang gusto ko. That's my biggest dream since i was a kid. Lagi ko kasing napapanood sa mga teleserye yung ganon. Mula sa prenup hanggang reception ay naayos na. Ang magarbong wedding gown ko ready na...

I can't wait...

Kausap ko ngayon ang isang wedding planner ng humahangos na dumating si Aichie at deretsong lumapit kay jade. Maya maya ay biglang tumayo si jade at lumapit sa akin.

"Love, alis muna ako...i love you" walang ano anong sabi niya. Nagtataka akong napatingin sa kanya habang naglalakad siya papalayo.

"Engineer?" Baling sakin ng babae kaya nabalik doon ang atensyon ko. Sinabi kong bukas nalang ituloy dahil kailangan ko nang umuwi. Nagtataka talaga ako doon sa biglaang pag alis nilang dalawa kaya nagmamadali kong pinaharurot ang kotse ko pauwi sa amin. Pagkadating ko ay walang tao sa bahay dahil nasa trabaho sila.

Ewan ko! Pero kinakabahan ako ng sobra....

Ramdam ko rin ang pagod at antok kaya naupo muna ako sa sofa at doon ay nagpahinga saglit.

"Ren! Wake up..." Rinig ko ang boses ni...

Pagbuklat ng mga mata ko ay si mommy agad ang nakita ko.

"Bakit dito ka natulog?" Turo niya sa sofang kinauupuan ko ngayon.

Nakatulog ako!

Napatingin naman ako sa cellphone ko at nalamang alas singko na ng hapon.

Ganon kahaba ang tulog ko?

As far as i remember bumalik ako dito kanina around 12 pm... At ngayon lang ako nagising?...

"Magbibihis lang kami....pati ikaw magbihis na rin... may bisita tayo mamayang dinner." Utos niya pa.

Sinong bisita?

"Sino mom?" Pahabol kong tanong.

"Jade and their family" seryosong sagot niya.

Ano namang gagawin nila at biglaan naman yata? Kaya ba nagmamadali kanina sina jade at aichie?

Makalipas ang ilang minuto ay naligo lang ako at naghanap ng isusuot. I decided na magsuot nalang ng simpleng dress.

"Hi Ren, its been a while..." Bati sa akin ng daddy ni Jade pagkadating nila. Nakipagbesuhan pa sila sa amin at ganun din kami. Kumpleto sila si Jade, ang parents niya, si Aichie kasama rin pati ang kuya ni Jade. Nagtaka pa ako ng mapatingin ako kay tita dahil parang galing siya sa iyak dahil namumugto ang mata niya. Nang tingnan ko silang lahat ay...hindi lang pala si tita, silang lahat...

Ano bang nangyari?

Ramdam ko ang pagkailang at katahimikan sa amin habang kumakain. Hindi naman ito ang unang beses na nagdinner kaming lahat. Ilang beses na at ang lahat ay masiglang nagkukwento ng kung ano ano. Ibang iba sa dinner na pinagsasaluhan namin ngayon.

"Love!" Naagaw ang atensyon ko ni Jade ng bigla niya akong tawagin.

"Yes?"

"A-a..a-alis ako!" Nauutal na sagot niya.

Aalis? Bakit? Saan?

"Why?" Takang tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Because he's- lolo wants me to handle the company for the mean time" si jade ang nagpatuloy ng sasabihin ni tita. Nagkatinginan pa silang dalawa na para bang naguusap gamit ang mga isip nila.

"Matagal ka ba don? Babalik ka naman diba?" Pigil na tanong ko. Ayokong makita nilang hindi ko gusto kasi noong ako ang umalis pumayag siya, gustuhin ko mang huwag nalang pero ayokong maging selfish.

"Of course, babalik ako before our wedding" nakangiting sagot niya kaya nangiti naman ako ng pilit.

"We'll leave at 12 midnight later!" Singit ni tita na kinagulat ko.

Bakit ang bilis? Mamaya na agad?

"Po? Bakit ang aga naman?"

"Uh! There's an emergency kasi...kaya nga nandito kami para magpaalam ng pormal sayo" kuya ni jade ang sumagot. Napatingin ako sa kanya at bumalik kay jade ang tingin ko.

Selfish ba ako kung sasabihin kong wag nalang siyang umalis?

Na dito lang siya sa tabi ko?

Ayokong magkalayo kami ulit...

"O-okay!" Basag ang boses na sagot ko.

"Excuse me!" Dagdag ko pa at mabilis na tumayo paakyat. Rinig ko pa ang tawag ni mommy sa akin pero di ko na iyon pinansin.

Sa edad kong to, ay pinapagalitan pa rin ako ni daddy kaya siguradong sesermunan na naman niya ako mamaya dahil sa kabastusang ginawa ko kanina na biglaang pag alis. Nang marinig ko ang boses ni Jade ay mas binilisan ko pa ang pagakyat nang bigla akong madulas at gumulong pabalik. Ramdam ko ang sakit ng likod at kamay ko sa tuwing tatama iyon s malamig na hagdan.

Boses ni mommy ang huli kong narinig and everything went black.

Nagising ako ng marinig ko ang boses ni mommy na parang may kausap. Pagkamuklat ko ay doon ko lang siya nakita. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Doon lang agad nagsink in sa akin kung bakit nandito ako sa hospital ngayon.

"A-ahh!" Napadaing ako ng sinubukan kong istretch ang kamay ko at doon ko lang napag alamang may bandage pala iyon. Agad akong nilapitan ni mommy at kasunod non ay ang pagpasok naman ni daddy mula sa pinto ng kwarto.

"Magpahinga ka muna Ren, nagpahatid na ako ng pagkain mo dito" sabi ni daddy hindi na ako sumagot nang bigla kong maalala si Jade.

"Dad?"

"Yes? May kailangan ka ba?" Nag aalalang tanong niya kaya umiling naman ako.

"Si Jade...tumuloy po ba sila?" Umaasang sasagot si daddy ng hindi sa tanong ko pero bigo ako.

"Yes! Nung umalis ka kagabi ay agad rin silang tumayo para magpaalam sana dahil magiimpake pa daw sila...pero sumunod si Jade sa mommy mo dahil sinundan ka rin niya...nang bigla nalang namin narinig ang mommy mo na sumigaw, agad naman akong napatakbo papalapit sa inyo...kasunod ang pamilya ni Jade...gustuhin man ni jade na ihatid ka pero ayaw siyang payagan ng mommy niya kaya pinabayaan ko nalang...natataranta kaming hinatid ka dito dahil hindi matigil ang pagdudugo ng kamay at ulo mo" explain ni daddy sa akin. Balisa akong napasandal sa kama.

Mas mahalaga pa ba iyon kaysa sa akin? Para iwanan niya ako sa ganoong sitwasyon?

Mabilis na nangilid ang luha ko dahil don. Hindi man lang niya nagawang magpaalam sa akin. Eto ba yung kapalit ng sayang naramdaman ko nitong mga nakaraang araw? Bakit ang bilis namang bawiin? Hindi ba pwedeng i pause muna at iresume nalang kapag ready na ako?

Uuwi na rin kami kaagad dahil hindi naman malala ang nangyari sa akin. Pero si mommy, paranoid pa rin maya't maya ang utos niya sa nurse para icheck kung okay na ba talaga ako.

Mothers knows best kaya wala akong magagawa don. Ginawa kong advantage iyon para makapagpahinga ng maayos.

Gabi na ng makauwi kami ng bahay pero wala pa ring nagbago sa akin. Wala pa rin akong gana. Kanina pa rin ako naghihintay sa text at tawag ni Jade pero hanggang ngayon wala pa rin.
Todo alalay sa akin si mommy habang hinahatid niya ako paakyat sa kwarto ko hanggang sa makahiga ako. Gusto kong mainis dahil daig ko pa ang baldado kung alalayan nila ako pero ayokong magalit siya sa akin.

Im old enough and soon to be married, not a baby..damn it!

"I know your'e not okay...everything will be okay princess..you'll getting married, are'nt you happy?" Tanong ni mommy.

"Of course , im happy mom...i want to rest mom..goodnight" nakangiti siyang tumango bago naglakad papalabas ng kwarto ko.

Pinilit kong makatulog sa gitna ng malalim na pag iisip ko mula kanina.

Bound To End (Completed)Where stories live. Discover now