Tatlong araw nalang at kasal ko na, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam.
Walang text o tawag... Na magsasabing namimiss niya na ako, gusto niya na akong makita, mayakap. Ganon ba kahirap ang iniatas sa kanya ng lolo niya para hindi niya ako mabigyan ng oras? Sa dami ng text at missed call ko sa kanya wala akong natanggap na reply maski isa.
Wala akong ibang inisip kung hindi ang kasal namin. Walang pag lagyan ang excitement ko ngayon. Hindi ko magawang sumimangot o magalit sa tuwing maalala ko ang malapit nang kasal namin.
Tama yan Ren, wag kang magagalit..babalik naman daw siya bago ang kasal niyo..
Pagpapagaan ko ng loob sa sarili ko. Magaling na rin ang mga sugat ko at salamat sa mamahaling ointment na nirekomenda ng doktor para mabilis na mawala ang mga scars sa balat at kamay ko. Gusto kong tawanan ang sarili dahil sa sobrang katangahan siguro ay dahil masyado akong nagpadala sa galit ko kaya't hindi ko alam kung ano na ang nadadaan ko.
Wala akong ganang magtrabaho, wala ring ganang kumain. Gusto ko lang magmukmok dito buong araw at umiyak ng umiyak. Talagang kahinaan ko siya sa tuwing ganito ang sitwasyon.
I have a feeling that we are falling apart, do i hold you tight? Or will you do my part?
I missed you much, do you miss me too?
I always think of you, have you ever think of me?
You left me behind without telling where you go, even a piece of explanation you can't. Am i not important to you?
Why i have this feeling that our love was slowly fading?
Marami akong tanong at hindi ko alam kung paano masasagot ang lahat ng iyon.
How is it that you never notice? That your'e slowly killing me?...
Your'e hurting me this way..
Y-yung Jade na kilala ko kahit ano pa yan hindi aalis ng hindi ako kasama.
Yung jade na kilala ko hindi kayang hindi ako makita,
Yung J-jade na kilala ko kahit gaano kalayo, kahit gaano siya kabusy gagawa at gagawa siya ng paraan para makausap lang ako, makapagexplain.Bakit nagbago? Maraming nagbago.
At hindi ako sanay sa ganito. Walang humpay sa pagpatak ang luha sa mga mata ko dahil sa sobrang lungkot.Kung pwede ko lang siyang sundan ginawa ko na pero hindi ko alam, hindi ko alam kung paano. Hindi niya sinabi kung saan sila pupunta, hindi ko rin siya nakausap.
Kung hindi ba ako umalis noong dinner na iyon at hindi ako nahulog sa hagdan. Nakaalis kaya siya? Tumuloy kaya siya?
Siguro hindi, ganon niya ako kamahal eh! Na kaya niyang isakripisyo ang lahat, na mas pipiliin niya ako.
He will give everything he own for me at ganon rin ako. I will give eveything i own, i'd give up my life for him.
Naubos ang buong araw ko sa pag iisip lang. Hindi pa ako nakakain ng maayos mula kahapon. Hindi rin ako lumalabas ng kwarto ko. Ayoko muna sa tao gusto ko si Jade lang. Hawak ko lang ang cellphone ko at naghihintay kung may tatawag ba o kahit text.
Nararamdaman ko na ang pagkulo ng tiyan ko marahil ay dahil sa gutom pero wala akong ganang bumaba kaya titiisin ko nalang.Hindi ko alam kung paano natapos ang araw na ito dahil walang ibang nasa isip ko hanggang ngayon kung hindi si Jade lang. Mabibigat ang hiningang napatingin ako sa kisame, nang biglang may magkakasunod na katok akong narinig mula sa pinto.
"Renxelle, open the door" dinig kong sigaw ni daddy. Halatang galit siya pero hindi ako nagpatinag tumagilid ako at hindi pinansin ang ingay na iyon sa pinto. Maya maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ko.
Advantage of having duplicate keys, tsshh!...
"What are you doing Ren?" Sigaw ni daddy at alam kong galit siya kahit nakatalikod ako sa kanya.
"Ano bang problema? Si Jade ba?..he'll comeback Ren..." Pigil ang boses na sigawan ako. Walang gana akong bumangon at malamyang humarap sa kanila. Hindi lang pala si daddy ang nandito maging si mommy at manang ay nasa likuran niya.
"You don't understand me dad!" Sagot ko.
"Then make us understand Ren, nagbreak ba kayo?" Pasigaw na tanong niya.
"Of course not"
"Then stop acting that you parted your ways, dahil yang ginagawa mo...broken hearted lang ang kayang maging ganyan katulad ng sitwasyon mo.. babalik siya Ren, babalik...just wait..." Mahabang litanya niya at hindi naman ako nakasagot kaagad.
Yun na nga dad eh! Babalik...pero kailan pa?
Walang emosyon akong tumingin sa kanila bago bumalik ulit sa pagkakahiga at tinakpan ang mukha ko ng unan. Parang bata man ay yun ang ginawa kong paraan para hindi na humaba pa ang usapan namin. Rinig ko ang malalim na buntong hininga ni daddy bago siya muling magsalita.
"Your'e being selfish Ren, your'e just thinking what's good for you, kung saan ka sasaya. Paano naman siya? Hindi buong oras niya ay sayo niya lang ibibigay, may pamilya rin siya Renxelle. Think of that! Hindi buong buhay mo nandiyan lang siya lagi sa tabi mo or that's why your'e acting like that because you dont trust him?"
Sa haba ng sinabi ni daddy doon lang ako sa huling sinabi niya napalingon.
"Of course! I trust him so much!"
"Then maybe your'e scared?"
Natameme ako sa tanong ni daddy siguro ay dahil iyon sa tinamaan ako ng sobra dahil sa sinabi niya.
Yes! Im scared...
Natatakot ako na habang tumatagal na hindi kami naguusap at nagkikita ay mawala rin yung feelings niya para sa akin. Nangugusap ang matang tumingin ako kay mommy humihingi ng tulong kaya mabilis naman siyang naglakad papalapit sa akin at niyakap ako.
"Fix yourself, kung ayaw mong masuspend ang lisensya mo" nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya pero hindi ko na nagawang magsalita dahil agad na siyang lumabas ng kwarto ko. Naiwan si mommy at manang.
"Kukuha kita ng pagkain mo Ren" napatingin naman ako kay manang ng magsalita siya. Kaya pilit ang ngiting tumango ako. Pagkalabas niya ay naupo naman si mommy sa kama kung saan kaharap niya ako.
"It's hard to wait for something you know might never happen, but its even harder to give up when it's everything you want." Makahulugang sabi ni mommy bagama't hindi ko naintindihan ay mapait akong ngumiti sa kanya.
"He'll comeback for sure, Ren. All you have to do is to wait. He's just fixing their business okay?"
"Nagalit ang daddy mo dahil gustong bawiin ng isang client na hinahandle mo ang project na pinag usapan niyo dahil ilang beses na siyang naghintay sayo para mafinalize ang lahat, ganun din si Mr. Matsunaga hindi mo daw siya inauupdate about doon sa hotel..."
Paliwanag ni mommy. Pero hindi pa rin gumagaan ang loob ko sa sinabi ni mommy. Wala pa rin akong ganang magtrabaho pero hindi ko iyon sinabi sa kanya. Hinintay niya pang makabalik si manang kasama ang dinner na inihanda para makita niya akong kumain. Maya maya rin ay nakabalik na si manang at agad ding umalis. Pinilit kong kumain kahit wala akong gana dahil nasa harap ko si mommy. Lumabas lang siya ng kwarto ng matapos na ako.
Tumayo ako mula sa kama at naglakad papunta sa balcony ng kwarto ko. Napatingala naman ako at ngumiti ng bahagya dahil sa mga bituin sa langit. Naalala ko na naman si Jade dahil siya lagi ang kasama ko sa ganito kagandang scenery.
Lahat nalang yata ay nagpapaalala sa kanya..
Sobra na ba ako?
Alam ko naman na yung mga broken hearted lang ang may karapatan na mag emote ng ganito. Pero hindi ko kasi mapigilan.
Wala namang pinipili ang puso, hindi kailangan na broken hearted ka para maging ganito, lahat tayo ay nagmamahal, iba iba rin ang klase ng pagmamahal kaya iba't iba rin ang paraan kapag nasaktan ka at iba iba rin ang paraan para mawala ang sakit na iyon.
Sabik na sabik na akong makita ka, love sana pag gising ko nasa harap na kita.
YOU ARE READING
Bound To End (Completed)
Historia CortaTen years of being together and now she's ready to be called 'wife'. Getting married on the beach was a dream come true for Renxelle. She was absolutely stunning in her long and elegant white wedding dress. Excitement and euphoria is the only thing...