"Your'e so beautiful Ren!" Malapad ang ngiting bungad ni mommy pagkapasok niya sa kwarto kung saan inaayusan ako.
Ito na yung pinakahihintay ko, ikakasal na ako...
Sumunod namang pumasok ay si Ate klea at katulad ng reaksyon ni mommy ay nakangiti niya akong pinuri dahil sa ganda ko. Bumagay sa akin ang light na make up at ang medyo kulot na buhok na pinalibutan ng flower crown.
Mas nangibabaw ang ganda ko nang maisuot ko na ang wedding gown ko. Ngayon pa lang ay gusto ko nang maiyak, mula kanina ay walang paglagyan ang saya ko pinipigilan na tumulo ang mga luha dahil baka masira ang make up.
Hindi na ako makapaghintay na makita ang groom ko.
Mula sa labas ay rinig ko ang mumunting tinig ng mga batang nagtatalo.
"Who are you? Little brat"
"Im Natalia Rizzle, don't call me brat...my daddy is here"
Napalingon kaming lahat ng may kumatok sa pinto agad naman iyong binuksan ng isang make up artist at bumungad sa amin ang isang batang lalaki kasunod niya ay ang nakasimangot kong pamangkin na si Tali, sila siguro ang nagtatalo kanina sa labas. Deretso siyang naglakad papalapit sa akin at inabot ang isang kahon kasama ang tatlong rosas.
To My engineer,
Your'e the best thing that happened in my life, i'm not going anywhere, i won't leave, i won't give up on you. I don't care if there are a hundred million reasons to leave. You're the only reason i'll ever need to stay. And i can't wait to call you my wife. I love you.
Love,
Jarvis Derrick LimsiacoNapangiti ako ng mabasa ko ang sulat niya. Ngayon sigurado ako na kahit mahigit isang linggo kaming hindi nagkita ay naalala niya pa rin ako. Na may halaga pa rin ako sa kanya.
Gustong gusto ko na siyang makita. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si daddy kasunod si Kuya. Dumeretso siya kay mommy at may binulong. Nagtaka ako ng biglang nag iba ang ekspresyon niya ang kaninang masaya niyang mukha ay unti unting napalitan ng pag alala.
"Excuse me, everything's ready..." Nabaling ang atensyon ko sa pumasok na staff. Sumulyap ako kay mommy na nangingilid ang luhang nakatingin sa amin. Lumapit sa akin si daddy at niyakap ako.
"Your'e gorgeous Ren, and always remember that everything happens for a reason"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni daddy hindi ko makuha ang totoong ipinupunto niya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin at inakay ako palabas.
Saksi ang asul na kulay ng langit at ang asul na kulay ng dagat kung gaano kaganda ang okasyon na ito. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang mga puti at pulang mga bulaklak na siyang nagbibigay ganda sa pangkalahatang disenyo at ang pulang telang nasa buhangin na siya ring lalakaran ko.
The white sand is cascading across the land, i can hear the water that crashes against rocks in the distance and the small breeze of air that makes us feel warm and relaxed.
I have always adored the ocean, so getting married on the beach was a dream come true for me.
Of course, marrying the man of my life.
Nagtaka ako ng hindi pa nila sinisimulan ang seremonya. Hirap man dahil sa mahabang wedding gown na suot ko pinilit kong maglakad papunta sa lugar kung saan kumpulan ang mga tao. Si mommy ang una kong nakita pagkarating kaya nagtataka ang hitsura ko habang nakatingin sa kanya.
"What's happening here mom?" Tanong ko.
Hindi siya sumagot at hinaplos lang ang pisngi ko.
"Why mom?" Nag aalalang tanong ko napatingin naman ako sa likuran niya mula sa pwesto namin ay kita ko ang pari na tahimik lang na naghihintay, nagtaka ako ng makitang wala si Jade doon.
YOU ARE READING
Bound To End (Completed)
NouvellesTen years of being together and now she's ready to be called 'wife'. Getting married on the beach was a dream come true for Renxelle. She was absolutely stunning in her long and elegant white wedding dress. Excitement and euphoria is the only thing...