DALAWANG linggo pa ang lumipas at natuloy din ang plano nang mga magulang ni Jillian na magbakasyon. Pinili nila ang switzerland dahil hindi pa nila iyon napuntahan.Indefinite ang bakasyon ng mag-asawa ang sabi nila kay Jillian, hindi bababa iyon sa isang buwan.
Smooth-sailing naman ang takbo ng negosyo ng pamilya sa nakalipas na dalawang linggo hanggang sa ilang hindi inaasahang problema ang nakarating sa tanggapan ni Jillian.
Isang dating tauhan nila na tinanggal dahil sa pagiging incompetent sa trabaho ang nagsabotahe ng produkto nila. Nagbenta ito sa ilang drugstore ng gamot na katulad ng gamot ng P.A.M Laboratories. Kinopya ang packaging pero iba ang laman.
Ayaw mang mangyari ni Jillian, napilitan siyang gamitin ang awtoridad na binigay sa kanya ng ama ipinakulong ang dating tauhan.
Naapektuhan ang growth sales nang company dahil sa pangyayari. Hindi ipinarating ni Jillian sa mga magulang ang mga problemang kinakaharap niya sa company.
Ramdam na ramdam ni Jillian ang bigat ng responsibility at makikita iyon sa pangangayayat niya. Sa kagustohan niyang maibalik sa normal level ang takbo ng kompanya; hindi siya tumigil. Naisip niya na maaari pang makabawi sa mga darating na araw at iyon ang pagsisikapan niya.
Ilang beses nang inanyayahan nang mga kaibigan si Jillian para sumama sa mga nightouts nila ngunit lahat ng iyon tinanggihan niya.
Dumating na ang mga gamot na inangkat nang company.
Puspusan ang preparation, promotion at distributuion nang mga gamot. Pakiramdam ni Jillian ay kulang ang sarili niya sa dami ng mga gawain. Pati advertisement, hindi niya ipinapaubaya sa mga tauhan ang pamamahala na iyon.
Bukas na ipapalabas ang first airing ng advertisement nila.
Nakahinga nga maliwag si Jillian nang hapong iyon. Halos ilang oras na lang ang pahinga niya pero kataka-takang hindi siya nakaramdam ng pagod.
Bigla siyang nakaramdam nang gutom. Nangsulyapan nya ang relo ay mag aalas singko na nang hapon. hindi pa pala siya nanananghalian.
Nagpasya ni siyang umuwi na lamang upang makapagpahinga na rin. Patungo na siya sa kotse niya nang makaramdam ng pagkahilo. Imbes na buksan iyon ay sumandal muna siya sa gilid nito at hinilot ang sentido.
Nang sandaling yon ay pabalik naman si Kaori sa Laboratoryo at napansin niya si Jillian.
Kumunot ang noo ni kaori at nagmamadaling ipinarada ang kotse niya saka nilapitan si Jillian.
"Ms. Jillian Alexie, are you all right?" pag alala ni Kaori.
Napatingin si Jillian sa doktor at pilit na ngumit.
"Nahilo lang ako."
"Namumutla ka." ani kaori
"I'm okay," ani jillian at pinilit na kumilos para
makapasok sa loob ng sasakyan. Ngunit isang hakbang pa lang niya ay halata na ang pagkahilo.Mabilis na hinapit ni Kaori ang beywang ni jillian upang hindi tuluyang bumuwal.
'I suggest you take some rest."
Hindi na nakipagtalo pa si Jillian. Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan niyang alalayan siya ni Kaori.
" Please take me back to my office," aniya na hindi man lamang binubuksan ang mga mata.
"You want me to call your doctor?"
Kahit nahihilo at nanatiling nakapikit ay ngumiti si Jillian.
"What for, you're a doctor?"
Bigla yatang nakaramdam ng tensyon si Kaori.
Crap! matagal na akong hindi tumitingin sa isang pasyente. Higit sa lahat, hindi ako komportableng suriin si jillian........
BINABASA MO ANG
JUST A STRANGER [Completed]
FanfictionKissing a stranger was one tough challenge one has to face. Pero paano kung ang inaakala niyang stranger ay nakatakda pala niyang makasama balang araw sa hindi inaasahang pagkakataon... - She thought it would be better if they'd end up as lover rat...